Day 8

19.7K 861 891
                                    

5:03 AM

Napapaisip ako, bakit kaya nire-reply-an mo ako?

Malungkot ka rin ba?

Naghahanap ng kausap?

O crush mo ako?

Ahahahahaha

Good morning! 😊 Inaantok na ako pero kailangan ko lang tapusin 'tong sinusulat ko.

Anyway, pupunta pala akong Baguio this weekend. Yay! Excited akong sugurin 'yung book store dun. Baka may manga 😊😁

Hindi ako makakanood ng anime pero keribels lang 😄

Seen, 5:30 AM

5:31 AM

Alexis Ran: Ang aga-aga ang daldal mo.

Ganun talaga. Mga kyot na kagaya ko maiingay talaga 😁

Alam mo ba, nagsusuka ako kanina.

Alexis Ran: Buntis ka?

Siraulo!!! Ahahahahaah nagsusuka lang buntis agad?! Grabiti utak mo!

Uminom kasi akong kape. Inaantok kasi ako eh kailangan kong magsulat. Kapag umiinom ako ng kape, nagpa-palpitate heart ko tas nagsusuka ako.

Huhuhu

Last na talaga 'to. Di na ko uulit.

Alexis Ran: Hindi ako naniniwala.

Wala akong pake 😜

Alexis Ran: Wag mong agawin linya ko.

Bleh.

Pasok ka na sa work?

Alexis Ran: Later.

Bakit ang aga mo magising? 5:30?! Eh ate ko ang gising 6:30!

Alexis Ran: Gym.

Sa gym ka nagwo-work? Aba patingin nga ng flabs!

Alexis Ran: Bwisit ka.

Ahahahaahaha

Joke lang!

Seen, 5:45 AM

Uy! Joke lang! 'Wag mo kong i-seen! Huhu

Seen, 5:46 AM

Salbahe talaga to huhu

6:30 AM

Nakaalis ka na baaaa?

Hindi ako makatulog huhu dahil 'to sa ininom kong kape 😔😣

Seen, 6:40 AM

6:41 AM

Alexis Ran: Uminom kang tubig.

Kanina pa nga ako umiinom eh.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon