Day 30.5 (Narration)

17.1K 715 330
                                    

Day 30: Mata sa Mata (part 1)

"SAAN kayo mamaya?"

Napatingin si Exis sa relo sa mesa bago sinagot ang tanong ni Wade. "SM North."

Lumapit ang lalaki sa mesa niya. Umupo ito sa bakanteng silya sa may harapan niya saka ngumisi.

"Parang hindi ka yata bad mood? Dati one week before ng family dinner niyo, para kang dragon na hindi matibag eh."

Hindi sumagot si Exis. Itinutok niya na lamang ang pansin sa ginagawa. Tapos na siya sa mga paperworks niya. Ayaw lang niyang kausap si Wade. Paniguradong puro pang-aasar lang kasi mapapala niya rito.

"Si Arisa na naman 'no? Syempre. Si Arisa lang naman ang dahilan kung bakit nababawasan ang pagiging dragon mo, eh. O ako? Aba Exis baby, sabi ko na gusto mo ulit ng another chance eh."

Pigil ni Exis ang pagtingin sa lalaki. Kapag sinamaan niya ng tingin si Wade, lalo lamang lalakas ang pang-aasar nito.

Pero bwisit talaga 'to. Ang sarap itapon palabas ng building.

"Aysus. Kilig naman ako."

Hindi na nakapagtimpi si Exis. Hindi tumitingin na binato niya ng lapis si Wade. Tumawa lamang ang lalaki.

"Tamo 'to. Bayolente. Akala ko kapag nagmahal ka—"

"Manahimik ka, Yozon. Daig mo pa babae. Putak ka ng putak."

"Ayaw mo kasi akong pansinin!"

"'Wag ako ang istorbohin mo. Busy ako."

"Saan? Sa paggawa ng wala?"

Bago pa man makasagot si Exis ay naunang tumunog ang notification alert ng cellphone niya.

Kaagad niyang kinuha ang cellphone at binasa ang notification na natanggap.

Message galing kay Arisa.

After reading her messages, he immediately typed in his response.

"Dati, kulang na lang itapon na cellphone niya. Ngayon, may tunog pa. Ayaw talagang ma-miss si Arisa. Selos ako. Dati di mo ako nire-reply-an."

Nawala sa isip niyang nandito pa nga pala si Wade. Pero wala siyang pake. Nang matapos mag-reply kay Arisa ay tumayo na si Exis. Hindi na niya sinuot ang coat niya.

"Saan ka pupunta?"

"Out."

Ngumisi si Wade saka siya pabirong tinapik sa balikat. "Love is in the air."

"And so is fart," he deadpanned.

Bumunghalit ng tawa si Wade. Tumalim ang tingin ni Exis dito nang malakas siya nitong tinapik sa likod.

"Nadyo-joke ka na. Good, good. Ma-status nga 'to."

"Gago. Puro ka Facebook. Mag-trabaho ka."

"Yes, sir."

Magkasunod silang lumabas sa opisina niya. Tinanguan ni Exis ang sekretarya niya.

"Puwede ka nang umuwi, Ms. Ingrid," aniya rito.

"May date kasi 'tong boss mo kaya pwede ka na rin umuwi," singit ni Wade.

"Sige po, Sir Crowell. Thank you po," matipid na sagot ng secretary niya.

Nang makasakay sa kotse ay muling binalingan ni Exis ang mga reply ni Arisa sa kanya.

A small smile was on his lips while reading her messages for him.

This girl, really.



PAGKARATING sa mall ay ang cellphone ni Exis ang kaagad niyang hinawakan. Binuksan niya ang conversation thread nila ni Arisa.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon