Day 6

19K 903 234
                                    

9:00 AM

Good morning Alexis Ran Crowell!

Ang aga ko nagising no?

Sorry kung hindi na 'ko nakapag-PM kagabi. Pagkatapos ko kasing magsulat, natulog ako kaagad.

Alam kong na-miss mo ako pero sorry. Hindi lang sayo umiikot ang mundo ko.

Ahahahahaa

Sige. Mag-aayos pa 'ko. Aalis kasi ako. Kasama ko friends ko. Alam ko di mo tinatanong. Gusto ko lang sabihin para kyot.

Seen, 12:25 PM

12:26 PM

Alexis Ran: Asa ka na sayo umiikot mundo ko.

Alexis Ran: Hindi ka araw.

Seen, 8:04 PM

8:05 PM

Aba!! Ginaganyan mo na ako?! 😡😡😡😡😡

Very good. 'Wag mong hayaan umikot sa isang tao ang mundo mo.

Dahil kapag nawala siya, ikaw ang kawawa. Mawawala ka sa tamang axis. Didilim mundo mo.

Anyway, just got home!

Grabe talaga. Kapag kasama ko writer friends ko, puro kami chikahan. Ahahahaa

Tapos ahahahaha vinideohan kami sa office ahaahaha juskoh kapag nilabas 'yon magde-deactivate ako!

'Yong isang account ko lang naman.

Ayoko kasing ma-miss mo ako. Alam ko namang ako lang friend mo rito sa facebook 😏😜

8:30 PM

Ang tagal mo 😞 bored na akooo.

Kanina pala, napag-usapan namin ng mga kaibigan ko 'yung tungkol sa mga "taong worth it hintayin." Wala lang.

Ikaw ba? Sa tingin mo may mga taong worth it hintayin?

Ibig sabihin ba kapag hindi niya ako nahintay, hindi ako worth it?

Seen, 9:30 PM

9:32 PM

Alexis Ran: Tungkol na naman ba yan sa ex mo?

Medyo? Ahahaha

Gusto mo bang malaman ang love story dapat ni Merry Arisa at Alexis Remus?

Dahil alam kong excited ka, kukuwento ko.

Alexis Ran: Magpapapigil ka ba?

Alexis Ran: Ge.

Alexis Ran: Kain lang ako.

Syempre hindi! Ahahaha

Ukii. Balik ka ha.

Wag mo kong paghintayin. Sawa na akong laging pinaghihintay. Gusto ko, ako naman ang hintayin.

Naks!

Ahahahaha

Alexis Ran: K.

9:45 PM

Habang kumakain ka ita-type ko na para pagbalik mo magbabasa ka na lang. No interruptions na rin.

Classmates kami ni Lex. Makulit siya. Palabiro. Masayahin. Na-fall ako sa mga pang-aasar niya. Ahahaha babaw ko. Oo pogi siya, plus factor. Pero gusto ko sa kanya eh 'yung napapatawa niya ako ng hard.

Pero bawal pa kasi akong mag-boyfriend that time. Aral muna. Kayang pagsabayin pero mahirap sumuway sa magulang, eh.

So bale M.U. kami.

In case you don't know, M.U. means "medyo un." Ahahaha

Then ayon. Hindi niya nakaya. Ewan ko ba. Gusto niya ng label. Naghanap siya ng iba

Years later, nagkita kami ulit. Sabi niya ako pa rin daw. Ako naman si tanga, naniwala. Eto pwede nang maging kami. Legal na kami. Official na.

Okay naman diba? Walang mali.

Kaya hindi ko rin gets kung bakit one day nasabi niyang hindi na raw niya ramdam 'yung sparks hindi kagaya nung nasa college pa lang kami.

Tanginang sparks! Edi sana poste ng meralco dyinowa niya diba?!

Sinisi pa sparks?! Bakit di na lang sabihin na nagsawa? Na-bore? Na hindi naman talaga mahal?

Ang tanga ko rin, eh. Hindi ako nadala. Dapat nung hindi pa lang niya ako nahintay sa college, dapat na-realize ko nang may mali.

Pero umasa ako eh.

Ayon. The end.

Ang babaw no?

Ahahahahah

😭😭😭😭😭

Seen, 10:00 PM

10:01 PM

Alexis Ran: Ah.

What?! Yan lang sasabihin mo?! Iba ka eh! Ahahaahahaa

10:05 PM

Napaka-supportive mo ever.

😢😢😢😢😢

Seen, 10:25 PM

Alexis Ran: Hindi mo naman kailangan ang opinyon ko.

Alexis Ran: Kailangan mo lang nang makikinig sayo.

Alexis Ran: One thing though.

Alexis Ran: That kind of guy?

Alexis Ran: Not worth your tears.

Seen, 11:30 PM

11:32 PM

Putek pinaiyak mo ako.

Screenshot ko ha? Remembrance. Ang bait mo bigla eh. Alam ko hindi ka si Exis.

Na-hack account mo kaya ka bumait.

Alexis Ran: Bwisit.

Kidding aside. Thank you, Exis!

Talking to you made me feel okay... lighter.

Tama nga sila, na nakakagaan ang pakikipag-usap sa ibang tao.

Thank you for listening, Exis.

Seen, 11:59 PM

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon