Day 16.5 (Narration)

15.8K 644 278
                                    

Day 16: When E Met Drunk A

"PROBLEMA mo?"

Inalis ni Exis ang paningin sa cell phone nang marinig ang tinig ng kaibigang si Wade. Hindi man lamang niya namalayang nakapasok na pala 'to sa opisina ni Hel dahil tutok ang pansin niya sa cell phone.

They were currently at Hellios Bar. Every Friday night kasi ay may gig ang banda nila rito.

Imbes na nasa labas, dito siya dumiretso sa opisina ni Hel. He needed a quiet place. He could not explain this gnawing feeling in his chest.

He was worried as fuck.

"Nothing," simpleng sagot niya sa tanong ni Wade.

Pinagtaasan lamang siya nito ng kilay. Humalukipkip ito saka ngumisi.

"Si Arisa, 'no?"

Hindi siya sumagot. Alam niya kasing aasarin lang siya nito. The fucker.

For two days, Arisa had been missing. No chats. No seen. Then hours ago, she was online again acting like she wasn't gone for two days; acting like she wasn't making him feel so damn worried.

"Binata na talaga si Exis baby ko."

Tiningnan niya ng masama si Wade pero lumapad lang ang ngisi nito.

Napatayo si Exis nang makatanggap ng chat galing kay Arisa.

"Fuck. She's wasted," tiim ang bagang na mahinang aniya.

"Sino?"

Hindi pinansin ni Exis si Wade. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng opisina habang ka-chat si Arisa.

Based on her chats (and typo), she was totally wasted. And alone.

"Jellios Var? What the fuck."

Exis was about to search for a Jellios Bar when Wade called his attention.

"Exis, si Arisa ba 'yon?"

Kaagad niyang hinayon ng tingin ang tinuro ni Wade. And there at the bar counter was the girl who was making his inside stir with emotions unknown to him.

"Fuck," mahinang usal niya saka malalaki ang hakbang na nilapitan ang babae. "Arisa."

Lumingon sa kanya si Arisa. Naningkit ang bilugang mga mata nito. Sa labis na pagkagulat ni Exis ay bigla na lamang itong kumapit sa braso niya.

"Marry me, blue eyes!" bulalas nito saka humagikgik--na may kasamang sinok.

"What the fuck? Arisa! Lasing na lasing ka!" sita niya sa dalaga. Ang tindi ng kapit nito sa braso niya. Parang tuko.

"Bad boy! 'Wag ka magmura! Dapat magmahal ka. Pero kapag nagmahal ka, handa ka dapat mashaktan."

Napabuga ng hangin si Exis kasabay nang paghilot sa kanyang sentido. What happened to this girl para maglasing ng ganito?

"Ihahatid na kita pauwi," aniya.

"Ayaw! Gusto ko pa mag-inom! Tagay pa!"

"Arisa, isa!"

"Para kang si baby boy."

Napaangat ang kilay ni Exis. Akmang aabutin ni Arisa ang alak nang inunahan niya ito.

"Tama na. Lasing ka na."

"Hindi ako lashing." She pouted like a child. Tuluyan na itong kumalas sa pagkakakapit sa braso niya.

It was then that Exis really looked at her. She was wearing a gray pullover with bunnies all over it, shorts, and a teddy bear on her back.

Wala sa sariling inayos ni Exis ang damit ni Arisa. Kita na kasi ang buong kanang balikat nito kung kaya't nakita niya ang balat nito roon.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon