Prologue II

6.6K 166 36
                                    

Somebody's POV

sacrificamos esta chica.

Acepte su sangre

aceptar su alma

vamos a matarla para usted

Ughhh. Asan ako?

sacrificamos esta chica.

Acepte su sangre

aceptar su alma

vamos a matarla para usted

Ughh! Umiikot ang paningin ko! Ang labo...

sacrificamos esta chica.

Acepte su sangre

aceptar su alma

vamos a matarla para usted

Asan ako? Anong lugar to? Mga taong nakaitim? Mga taong may takip ang mukha?

sacrificamos esta chica.

Acepte su sangre

aceptar su alma

vamos a matarla para usted

Sino kayo? Ano kayo? Pakawalan niyo ako! Anong mga sinasabi niyo? Itigil niyo. Itigil niyooooo!

sacrificamos esta chica.

Acepte su sangre

aceptar su alma

vamos a matarla para usted

"Lahat ay magsitayo!...

Ang lahat ay magbunyi dahil tayo ay muling nagkatipon sa harap ng ating HARI!"

Napatingin ako sa nagsasalita. Nakaitim rin ito, kaparehas ng suot ng lahat. Itim ang mga labi nito at kitang-kita ko ang naninilaw at nabubulok niyang ngipin.

At ako! Nakahiga at nakatali sa isang mahabang bato. Anong ginagawa ko dito? At bakit ganito ang suot ko? Nasaan ako? Isa ba itong kweba?

"Espesyal ang gabing ito dahil may sariwang puso at dugo nanaman tayong maibibigay sa ating hari!"

Dugo? Puso? Kanino? Sa akin ba? Hindi! Kailangan kong makawala dito!

Unti-unting lumalapit sa akin ang lalaking may nabubulok na ngipin.

"SIYA ang ating iaALAY!"

Naghiyawan at nagpalakapakan ang mga taong nakaitim at nakatakip ang mga mukha.

ALAY? AKO? Hindeeee! Ayokooo!

Nilapit ng lalaki ang mukha niya sa akin. Naamoy ko ang masangsang na amoy na kaniyang hininga. Nilabas niya ang kanyang dila at dinilaan ang aking pisngi. Ramdam na ramdam ko ang malagkit at mabaho niyang laway.

"Pakawalan niyo ako parang awa niyo na! Ayokong mamatay! Ayokong maging alay!"

"Ito ang iyong tadhana! Kaya tanggapin mo ito ng bukal sa iyong loob. Napakaswerte mo nga dahil iaalay mo ang buhay mo sa aming MAKAPANGYARIHANG HARI!"

Tiningnan ko ang harig tinutukoy niya! Huh? Isang nakakatakot na nilalang na may sungay? Isang DEMONYO!

"Sisimulan na ang pag-aalay!"

Nagsayawan at binanggit nilang muli sa mas malakas na boses ang mga salitang hindi ko maintindihan.

sacrificamos esta chica.

Acepte su sangre

aceptar su alma

vamos a matarla para usted

Nakakarindi! Nag-eechoe sa utak ko! Ughhh! TAMA NAAA!

Teka! Anong gagawin niya sa matabang tubo na may matulis na dulo?

"AAAAAAAHHHHHH! TULOOOOOOOOONG!"

Itinaas ng lalaki ang tubo at pumikit. Bumigkas ito ng mabilis na lenggwaheng hindi ko maintindihan. Nagdadasal ba siya?

Katapusan ko na ba? Hindi ko na ba makikita ang pamilya ko? Ang mga kaibigan ko? Paano na ang mga maha---- AAGHHKKKK.

Unknowns POV

Sa isang iglap ay itinarak ng lalaki ang matulis na tubo sa puso ng babae. Naging kulay pula ang puting damit nito dahil sa dugo. May dinukot ang lalake sa tubo at pag-angat ng kamay nito...

PUSO!

Lalong nagsigawan ang mga taong nakaitim. Nagtatakbuhang lumapit sa bangkay nang babae at nag-uunahang kumuha ng dugo at ipinapahid sa kanilang mga mukha. Inilagay naman ng lalaki ang puso sa harap ng nakakatakot na rebultong may sungay at lumuhod ito.

Teka! Bakit parang tumahimik sila?

"May naaamoy akong ibang tao!"

Bumilis ang tibok ng puso ko! Ako ba yun? Unti-unti silang lumingon sa direksyon ko. Punong puno ng dugo ang mukha nila at nanlilisik ang mga mata! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pag gapang ng takot sa aking katawan.

"Anong ginagawa mo dito?"

Mabilis akong napalingon sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses.

Nakaitim siya! Katulad ng suot niya ang suot ng mga taong nasa kweba!

Mabilis ko siyang hinampas ng bato sa noo. Bumagsak siya at hindi ko na sinayang ang pagkakataon! TUMAKBO NA AKO!

DIYOS KO! Hinahabol nila ako!

Hindi nila ako dapat mahuli. Hindi dapat ako mahuli! Papatayin nila ako! Papatayin nila akooo!

PAPATAYIN AKO NG KULTOOOOOOOOOO!

-------------------------------------------------------------------------------

A/N : Kamusta yung istorya? Maganda po ba? Gusto kong marinig ang mga saloobin niyo! Haha.

Salamat nga pala sa pagbabasa :) Salamat talaga .

Sana subaybayan niyo :D

Kulto [Soon to be published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon