Hairstrand [REVISED]

3K 103 23
                                    

EMERALD'S POV

Maagang nang gising si Luigi. Kahit medyo inaantok pa kami ay bumangon na kami.

"Handa na ang Almusal. Tara na, bumaba na tayo. Gusto na din kayong makita ni lola." Sigaw ni Luigi habang pumapalakpak. Ano to, military?

Bumaba kami at malakas ang langitngit ng hagdan sa bawat hakbang namin. Isang malamig na hangin ang sumalubong sa amin. Sariwa ang hangin. Amoy hamog na may kasamang amoy ng dahon. Probinsiya!

Dumiretso kami sa kusina at natuwa kami sa aming mga nakita. Punong-puno ng pagkain ang mahabang lamesa. Napapikit ako sa amoy ng mga nakahain. Ang bango, nakaramdam ako bigla ng sobrang pagkagutom.

"Tatayo lang ba tayo dito?" bulong ni Nino "Pwede tayong umupo at kumain"

Nagtawanan kami pero natahimik kami nang biglang tumikhim ang matandang nakaupo sa dulo ng lamesa.

"Magandang Umaga" sabi ng lola ni Luigi "Lalamig ang mga pagkain"

Tahimik kaming umupo sa lamesa. Tiningnan ko ang lola ni Luigi. Matanda na ito, siguro nasa 85 na ito. Puti na ang lahat ng buhok nito na mahigpit na nakatali sa likod. Wala na itong ngipin at hindi ito ngumingiti. Puro kulubot na rin ang mukha nito pero makikitang malinis ito at mukhang may kaya dahil sa mga alahas na suot nito.

"Hoy" siniko ako ni Jhoii "Nakatulala ka? Ikaw na lang hindi kumakain"

Matagal pala akong natitig sa Lola ni Luigi. Kumuha ako ng pagkain at tinikman ang dinuguan na nasa lamesa. Paborito ko to kaya ito ang una kong tinikman.

Hmmm. Ang sarap. Malambot ang karne at masarap. Malasa ito, pero hindi ko masabi kung anong karne ito. Parang iba to sa mga pangkaraniwang karne.

"Ang sarap" Nakapikit na sabi ni Joss.  "Saan po galing ang karne nito?"

"Hindi niyo kilala ang hayop na iyan" Mabilis na sagot ni Aling Magda habang nilalagyan ng juice ang aming mga baso. "Tanging dito lang sa Sitio Lotuk iyon matatagpuan."

"Kamusta kayo sa Maynila?" Tanong ng lola ni Luigi.

"Ayos lang naman po, marami kaming libangan doon" sagot ni Luigi "Marami po kasing mga bagong labas na gadget kaya hindi po nakakainip"

"Pinagsabihan na kita hindi ba?" tumaas ang tono ng boses ng lola ni Luigi "Wag kang sasamba sa mga teknolohiya. Ginawa iyan upang mapadali ang inyong mga gawain pero pinapadali rin niyan ang inyong buhay"

Natahimik kami.

"Matuto kayong mabuhay sa payak na paraan. Katulad ng lugar na ito. Napakasimple ng pamumuhay rito kaya payapa rin ang mga tao." Tumayo ang lola ni Luigi. "Nawalan na ako ng gana. Magpakabusog kayo at pasalamatan ang inyong kaibigan sa masarap na karne"

Umalis ito. Nagkatinginan kami at natahimik.

"Wag niyo na siyang pansinin." sabi ni Aling Magda "Ipagpatuloy niyo na ang inyong pagkain"

Ipinagpatuloy namin ang aming pagkain at ninamnam ang masarap na karne. Napaisip ako sa huling sinabi ng lola ni Luigi. Bakit kami magpapasalamat sa aming kaibigan? Sinong kaibigan? At nasaan kaya si Lyka? Kanina pa siya wala ha.

"Siyanga pala" sabi ni Aling Magda "Umalis ang isa niyong kaibigan kanina lang. May emergency daw sa kanila eh. Pinahatid ko kay Mando sa bayan. Hindi na kayo ginising dahil ayaw daw niyang istorbohin ang mga tulog niyo"

Emergency? Ano kayang nangyari dun? Baka hindi lang yun nag enjoy dito kaya umuwi na. Susubo sana ako ng makita kong may mahabang buhok sa kutsara ko.

"Yuck" itinaas ko ang kutsara "Kanino pong buhok to?"

Napatingin ako sa buhok ni Aling Magda. Sobrang haba naman ng buhok niya kumpara sa buhok sa kutsara. Kung susukatin parang magiging kasinghaba ito ng buhok ni Lyka. Teka, kasinghaba ng buhok ni Ly-- Dikaya?

Napatayo ako sa lamesa.

"Bakit iha?" Nag-aalalang tanong ni Aling Magda.

"Sumama po ang tiyan ko."

Lumabas ako sa kusina pero muntik na akong madulas sa may pinto ng kusina.

Tiningnan ko ang madulas na natapakan ko. DUGO!?

"Ay hindi masyadong nalinis." Natatarantang sabi ni Aling Magda "Dito kasi idinaan yung karne nung hayop. Maghugas ka na ng paa at lalampasuhin ko yan."

Nagmamadaling umalis si Aling Magda. Pinagpapawisan akong tumingin sa mga kaibigan ko. Tuloy-tuloy sila sa pagkain. Lumakas ang tibok ng puso ko. Iba ang kutob ko. Iba ang kutob ko. At biglang bumaliktad ang sikmura ko sa naisip ko.

To be continued...

Kulto [Soon to be published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon