The Encounter [REVISED]

4.4K 123 22
                                    

Tama kaya ang naging desisyon ko? Mas pinili ko ang mga barkada ko. Mas pinili kong pumunta sa ibang lugar kasama ang mga kaibigan ko kesa magstay sa bahay kasama si nanay at ang mga kapatid ko.

Nakapagdesisyon na ako, at tinalikuran ko na rin si nanay. Papangatawanan ko na lang.

"Hoy bakit ba kanina ka pa tahimik diyan? Gusto mo ba kilitiin kita para magising ka?" Pangungulit ni Joss sa akin, pero hindi ko siya pinansin. Crush ko siya pero wala ako sa mood makipagharutan ngayon, okupado ang isip ko ng nangyari kanina.

"Ano ba nangyari? Nag-away nanaman ba kayo ng nanay mo?" Si Nino habang ngumunguya ng dala-dala niyang malaking sitsirya. Eto ang balyena sa barkadahan, paano ba naman ang hilig kumain. Super fan din yan ni Miggy ng Upgrade.

"Wala to. Wag niyo na lang akong pansinin." Mahina kong sabi at ipinikit ko ang mga mata ko. Magpapahinga muna ako.

Blag!

Nagising ako sa malakas na tunog.

"OMG! What happen?" Sigaw ni Lyka. Ang pinakamaarte sa aming lahat, palibhasa may sinasabi sa buhay. Hindi ko na nga matandaan kung paano namin naging kabarkada yan eh, namalayan na lang namin na lagi na namin siyang kasama.

"Mukhang naflat-an tayo ng gulong." Sagot ni Luigi. Ang pasimuno sa lahat ng ito. Adventurous kasi ang taong 'to, gusto niya na laging nagtatravel kaya nga niyaya niya kaming pumunta sa probinsya nila. Okay naman sa amin dahil ito ang unang bakasyon namin nang magkakasama.

Bumaba si Luigi at tiningnan ang gulong ng sasakyan. Sumunod na rin kami sa pagbaba.

 "Anong nangyari pare?" Tanong ni Joss.

"Tsk. Flat tire nga! Buti na lang may dala akong spare tire." Sabi ni Luigi at pumunta sa likuran ng sasakyan para kunin ang reserbang gulong.

"Anong oras na ba? Bakit parang madilim na?" Tanong ko sa kanila.

"Ala-sais na be. Ang tagal mo kayang tulog." Sagot ni Joan a.k.a Thumbelina. Maliit kasi siya at pinagkaitan ng height. Minsan nga napapagkamalan siyang elementary. Madalas din siyang maging tampulan ng tukso.

"Nakahiga ka pa nga sa balikat ko, puro laway tuloy ako." Pagbibiro ni Joss habang pinapakita ang kanyang balikat.

Nagtawanan ang lahat sa sinabi niya. Kumuha ako ng maliit na bato at hinagis ko sa kanya, nakailag siya.

"Picture muna guys! Remembrance naten to." Si Jean, at tinapat sa amin ang kanyang DSLR Camera na laging nakasabit sa kanyang leeg. Siya ang aming official photographer. Mahilig siya sa litrato at laging kami ang model niya.

"You know what? Instead of making harot. Why don't you find a way to fix the car para we can go na to our destination." Maarteng sabi ni Lyka. Ayan nanaman siya sa pagiging KJ niya.

"Kill Joy talaga!" Bulong ni Jhoii ang pinakamalapit sa akin sa lahat ng magbabarkada. Akala ko nga hindi 'to makakasama, mahigpit kasi ang boyfriend niya.

"Wag ka ngang KJ Lyka. Kung mag-iinarte ka lang, dapat hindi ka na sumama!" Galit na sabi ni Rica. Ang girlfriend ni Luigi. Ang mortal na kaaway ni Lyka.

"Oy tama na yan. Papalitan ko na ang gulong para makarating na tayo sa bahay namen." Awat ni Luigi

Sinimulan na nitong ayusin ang gulong, tinulungan siya ni Joss dahil silang dalawa lang naman ang lalake sa grupo. Si Nino kasi ay isang sireyna. Sireynang malusog.

"Guys ano yun?" Nanlalaki ang mga mata ni Maricar habang may tinuturo sa likuran namen. Sabay-sabay kaming napalingon. At nagulat kami sa aming nakita.

Mga taong nakaitim, may hood ang mga suot nila, wala rin silang sapin sa paa. naglalakad sila na para bang nagpuprusisyon habang may dala-dalang sulo. Kinilabutan kami sa aming nakita. Hindi kami makagalaw sa takot.

"Everyone. Pasok tayo sa sasakyan!" Sigaw ni Luigi.

Nagmamadali kaming pumasok sa sasakyan. Sa pagmamadali namin ay nagkakatulakan na kami.

"Nasan si Jean?" Sigaw ni Maricar. Tumingin kami sa sasakyan, wala si Jean.

"Shit! Nasa labas siya!" Sigaw ni Joss.

Sabay-sabay kaming napatingin sa labas ng bintana. Andun nga si Jean at nagpiPICTURE. Papalapit na ng papalapit ang mga taong nakaitim na para bang may binubulong pero hindi pa rin natitinag si Jean sa pagkuha ng litrato.

Dali-daling binuksan ni Maricar ang pinto ng sasakyan at hinila si Jean papasok sa loob.

Walang nagsalita sa amin ng dumaan ang mga taong nakaitim sa tapat ng sasakyan. Hindi namin makita ang mga mukha nila dahil sa mga hood na nakatakip sa ulo nila. Nakayuko sila habang naglalakad.

Takot at pagtataka ang mababakas sa mga mukha namin habang pinapanood ang pagdaan nila sa bintana ng sasakyan.

Napasigaw kaming lahat ng biglang may pumalo at sumilip sa bintana ng sasakyan. Nagmamasid ang mga namumula niyang mata. Para bang tinatandaan niya ang mga mukha namin. Pigil na pigil ang mga paghinga namin dahil sa takot.

Maya-maya ay dahan-dahan na din itong umalis. Nakalampas na rin ang hanay ng mga taong nakaitim na dumadaan sa tapat ng sasakyan.

"What the hell are you doing Jean?" Sigaw ni Luigi kay Jean. Galit at may halong pag-aalala ang boses ni Luigi.

"Oo nga! Paano kung naabutan ka ng mga yun?" Dugtong ni Rica.

"Ano ba kayo? Mga tao sila at kumuha lang naman ako ng mga litrato para may maipakita naman tayo sa mga kaibigan natin pag-uwi ng Maynila." Depensa ni Jean.

"How sure are you na tao nga sila?" Tanong ko.

Natahimik sila at walang sumagot sa tanong ko.

"Mabuti pa itutuloy ko na ang pag-aayos sa gulong para makaalis na tayo dito." Sabi ni Luigi at bumaba na ng sasakyan.

Tahimik lang kami habang hinihintay siyang maayos ang gulong. Maya-maya pa ay bumalik na rin sya at pinaandar ang sasakyan, walang nagsasalita sa amin. Hindi pa rin mawala kaba dahil sa aming nakita.

To be continued...

Kulto [Soon to be published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon