EMERALD'S POV
Umaga na. Bumangon kami at matapos mag-ayos ng higaan ay bumaba na para mag-almusal.
Pagpasok pa lang sa kusina ay naamoy na namin ang masasarap na ulam. Pero imbis na matakam ay parang nasusuka ako. Ewan, simula nung makakita ako ng buhok na kasinghaba ng buhok ni Lyka sa pagkain ko ay parang nandiri na ako sa karne at ulam dito.
"Anong gusto mo Em? Diba itong dinuguan yung paborito mo?" Sabi ni Joss at sasandukan sana ako ng dinuguan. Pinigilan ko siya.
"Ayoko ng karne." mahina kong sabi.
Napatingin sa akin si Aling Magda na parang nagtataka. Umiwas ako ng tingin.
"Gulay na lang ang uulamin ko" sabi ko.
Kinuha naman ni Joss ang chopsuey at sinandukan ako. Ang sweet talaga nito sa akin.
"Salamat." Sabi ko.
Kumain na kami. Wala ang lola ni Luigi. Tumutulong daw ito sa paghahanda para sa pagsasamasama mamayang gabi.
"Asan si Nino?" Tanong ni Jean.
Oo nga no. Wala si Nino! Himala to, hindi kaya yun umaabsent pagdating sa kainan.
"Ay ano. Si Nino?" parang natatarantang sabi ni Aling Magda. "Hindi niyo ba napansin? Umalis ng maaga kasama ni Nana Remedios. Tutulong daw sa paghahanda."
"Close na sila ni lola?" Tanong ni Luigi.
"Oo! Alam mo naman ang lola mo, mahilig sa mataba." Natatawang sabi ni Aling Magda.
Naku! Si Nino talaga. Basta pagdating sa pagkain nagiging masipag.
"Nakauwi na ba sina Joan at Rica?" Tanong ko.
"Hindi ba sa inyo nagpaalam?" Sabi ni Aling Magda. Napatingin kami sa kanya. "Pumunta ng bayan eh."
"Sino pong kasama?" Tanong ko.
"Ha? Si ano..." Mababakas ang pagaapuhap ni Magda ng isasagot.
"Si Kuya Bert." Sagot ni Luigi. "Nagpaalam sila sa akin."
Napatingin ako kay Luigi. Ewan ko, pero hindi ako makumbinsi sa sinasabi niya. Parang iba yung pakiramdam ko sa unti-unting pag-alis ng mga kaibigan ko.
Mabilis akong natapos dahil konti lang ang kinain ko. Nagpaalam ako sa kanila na papanhik na muna sa kwarto.
Paakyat na ako sa hagdan ng mapansin ko ang mga naglalakihang picture frames na nakasabit sa pader. Bumaba ako ng hagdan para tingnan ang mga larawan.
Nakapatay ang mga ilaw na nakatapat dito dahil maliwanag na ang paligid. Binubuhay lang ang ilaw pag gabi na. Siguro mga ninuno nila to. Kasi halata sa mga suot nila na panahon pa to ng kastila.
Tatlo ang larawan. Sa pangatlo ay ang larawan ng lola ni Luigi. Napaka Sopistikada ng dating ng lola ni Luigi. Siguro ikatlong henerasyon na ang lola ni Luigi na nagmana nitong bahay. Bakit ko nasabi? Ewan, haka-haka ko lang. Hehe.
Teka, may naiisip ako. Luminga-linga ako sa paligid at pumunta sa may switch sa gilid ng unang larawan. Alam ko ito yung switch para mabuksan yung mga ilaw na nakatapat sa mga larawan.
Iniangat ko ang switch at sumindi ang mga ilaw. Tiningnan ko isa-isa ang mga larawan. Pero napansin kong parang may nakaharang sa bumbilya ng panglimang larawan. Tsk, baka may basura.
Binaba ko ang switch. At kumuha ng bangkong gawa sa kahoy. Ang bigat ha. Nung mailapag ko ang bangko sa tapat ng ikalimang larawan ay tumingin ako sa paligid. Walang tao.
Saka magmamagandang loob lang naman ako. Tatanggalin ko lang yung basura sa may bumbilya.
Tumuntong ako sa bangko at sinilip ang lalagyan ng bumbilya. Cone shape ang lalagyan. Kaya parang naging spotlight ito.
Pagsilip ko, hindi basura ang nakita ko kundi isang Plug. Pero kakaiba tong plug na to. May hawakan ito. At may kakaibang disenyo. Parang antique. Siguro nailagay ng lola ni luigi dito. Alam niyo na, ulyanin!
Nilagay ko ang plug sa bulsa ko. Napatingin ako sa larawan. Ang gwapo naman nito, may edad na pero labas pa rin ang kagwapuhan niya. Hinawakan ko ang mukha niya. Pero nagulat ako nung parang may lumiwanag sa anino na ginawa ng kamay ko.
"Ay sorry po. Wag niyo po akong multuhin." Bulong ko at bumaba na sa bangko.
Hinihila ko ang bangko pabalik nung may nagsalita sa likod ko.
"Anong ginagawa mo?"
Lumingon ako at muntik na akong matumba sa gulat ko.
"M-- Mando? Wa-- wala. Nagliligpit lang ako." Putol-putol kong sabi.
"Hindi mo kailangang maglinis." Hinablot niya ang bangkong hinihila ko at ibinalik sa dating pwesto.
Lumingon siya sa akin nanlilisik ang mga mata.
"Wala kang papakealaman sa bahay na to." Sabi niya at lumabas na ng bahay.
Napahawak ako sa dibdib ko at sa bulsa ko para siguraduhin na nandun yung plug. Hooo! Nakakatakot talaga si Mando. Umakyat ako sa kwarto at kinuha ang bag ko. Nilagay ang plug sa secret pocket at tinabi ko ang bag ko sa ilalim ng kama. Sakto namang pumasok si Jhoii sa kwarto
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Kulto [Soon to be published under LIB]
Mystery / ThrillerLilinlangin kayo gamit ang Diyos ninyo... Gagawin ang lahat mapalapit lang sa inyo... iisa-isahin namin kayo... wala na kayong pagtataguan... Lahat ng pangalan sa notebook na ito ay kailangang mamatay... kailangang ialay.. Tatakas ka? Kaya mo kaya?