Joan [REVISED]

3.1K 89 10
                                    

Naghugas ako ng paa at dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Lyka.

Sorry. The number that you have dia--

Tsk. Walang signal? Ano bang lugar to. Maghahanap ako ng signal. Baka meron sa labas. Tumakbo ako sa labas at dinial muli ang number ni Lyka.

Sorry. The number you have dialed is either unatten---

Ano ba! Dial ulet.

Sorry. The num---

Tsk. Nga pala, galit sila sa teknolohiya rito tapos maghahanap ako ng signal? MagdaDial pa ulet sana ako nang biglang.

"Anong ginagawa mo?" Sabi ng malaking boses sa likod ko. Napalingon ako at nakita ko si Mando na naghahasa ng mahabang itak habang nakaupo, ang isang paa niya ay nakatapak sa leeg ng kumakawag-kawag pa. Kinikilabutan talaga ako pag nakikita ko ang malaki niyang peklat sa mukha. Nanlilisik rin ang mata niya na para bang galit.

"Aa-- Nag-- naghahanap ako ng signal. T-- tawagan ko kasi yung kai--"

"Ayaw namin ng teknolohiya" putol niya sa akin. "Wag kang umasang magagamit mo iyan dito" Tinaga niya ang ulo ng manok na nasa unahan niya. Tumalsik ang dugo. "Para sa hapunan"

Tinago ko ang kamay ko sa aking likod para hindi niya makita ang panginginig nito. Muli niyang tinaga ang manok habang nakatingin sa akin, nanlilisik ang mga mata.

Tumakbo ako sa bahay. Papasok sana ako pero sinalubong ako ng mga kaibigan ko.

"Mamasyal kami sa kakahuyan." Sabi ni Maricar. "Sama ka?"

"Ayoko." Umiling ako. "Kayo na lang."

Dumiretso ako sa kwarto at humiga. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

----

Narrator

Mag-isang naglalakad si Joan sa kakahuyan. Nagpaiwan siya rito dahil nagtampo siya sa mga kaibigan. Naging tampulan nanaman kasi siya ng tukso.

Napakabully naman kasi ng mga yun, palibhasa pinagkaitan siya ng height eh lagi na lang siyang iniinis. Alam naman nilang pikon ito pero hindi pa rin nagpapaawat.

Masaya naman talaga siya sa mga kaibigan niya, tinuturing nga nila siyang bunso, sadya lang talagang malakas ang trip ng mga ito.

et interficiemus te

serviamus tibi

moriemur vobis

Napalingon siya. Nagtataka kung ano ang naririnig.

et interficiemus te

serviamus tibi

moriemur vobis

Napatingin siya sa taas ng mga puno. Ano yun? Dumidilim na ang paligid. Mabuti pa sigurong umuwi na siya.

et interficiemus te

serviamus tibi

moriemur vobis

Nagmamadali siyang lumakad. Pero hindi na niya matandaan ang daan palabas sa kakahuyan.

et interficiemus te

serviamus tibi

moriemur vobis

Ang lakad ay naging takbo.

et interficiemus te

serviamus tibi

Kulto [Soon to be published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon