Narrator :
Madilim ang kwarto, pawis na pawis si Lyka, pinipilit niyang gumalaw pero hindi niya magawa. Gusto niyang magsalita pero Mahihinang ungol lang ang lumalabas sa kanyang bibig.
sacrificamos esta chica.
Acepte su sangre
aceptar su alma
vamos a matarla para usted
Nakatali siya sa isang poste. Sa harap niya ay nakaluhod ang mga taong nakaitim habang umuusal ng mga salitang hindi niya maintindihan.
sacrificamos esta chica.
Acepte su sangre
aceptar su alma
vamos a matarla para usted
Nagpupumilit siyang kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa kanya. Ilang sandali pa ay tumayo ang mga taong nakaitim, nanlilisik ang mga mata nila at may mga hawak na patalim. Nagpumiglas si Lyka.
sacrificamos esta chica.
Acepte su sangre
aceptar su alma
vamos a matarla para usted
Papalapit sila ng papalapit kay Lyka sasaksakin na siya ng mga ito nang...
AAAAHHH.
Mabilis na tumayo si Lyka sa pagkakahiga niya at tumingin sa paligid, tulog pa rin ang mga kasamahan niya. Sinapo niya ang kanyang noo. Masamang bangungot lang ang lahat.
Dinampot niya ang kanyang cellphone, at nang makitang wala pa rin iyong signal ay naiinis niyang inihagis iyon sa kanyang ulunan.
Nagsisisi siya kung bakit pa siya sumama sa bakasyong ito, gayong lagi din naman siyang inaaway ng kanyang mga kaibigan, kinaiinisan siya ng mga ito. Lalo siyang naiinis kapag naaalala ang pagkansela niya ng kanyang biyahe papunta sa Paris para lang makasama sa bakasyong 'to.
Kung may signal lang ang phone niya ay baka tinext niya na ang daddy niya para sunduin siya dito. Kararating pa lang niya pero pakiramdam niya ay gusto na niyang umuwi.
Isa lang naman ang dahilan ng pagsama niya dito, at yun ay dahil kay Luigi. Matagal na kasi siyang may lihim na pagtingin dito, kaso hindi niya masabi dahil nga girlfriend na nito si Rica. Niyaya kasi siya ni Luigi kaya 'di sya makahindi at nacancel pa niya ang flight niya papuntang Paris.
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit sila Mortal Enemy ni Rica, nahahalata na rin kasi ni Rica ang nararamdaman niya kay Luigi. Oo at lagi niyang tinatarayan si Luigi, pero way niya lang yun para mapagtakpan ang tunay niyang nararamdaman dito.
Haayy, itutulog ko na nga lang 'to. Nasabi ni Lyka sa sarili. Humiga na siya at ipinikit ang mga mata pero nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan, kailangan niya ng tubig, kaya naman dahan dahan siyang bumangon, umalis sa kama at lumabas sa pinto ng kwarto, bumaba siya sa hagdan, bawat hakbang niya ay lumalangitngit ito.
Hinanap niya ang kusina at ng matunton iyon ay nagmamadali siyang pumunta doon, papasok na sana siya pero napahinto siya sa kanyang nakita.Isang babaeng nakaitim ang nakatayo habang nakatalikod ang tumambad sa kanya. Parang may tinitingnan sa labas ng bintana ng kusina. Mahaba ang itim nitong buhok na nililipad ng hangin. Kinabahan si Lyka ng makitang may hawak itong malaking itak.
Sandaling hindi nakagalaw si Lyka sa takot na mabilis na gumapang sa katawan niya. Unti-unti siyang napaatras.
"Anong ginagawa mo diyan sa pinto? Kailangan mo ba ng tubig?"
Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Paano nito nalaman na nandun siya.
"Napakasimple ng buhay dito. Walang namumuno, lahat pantay-pantay. Lahat nagkakaisa lalong-lalo na sa pananampalataya" mahinang sabi nito sa napakalamig na boses. "Kayo ba? Sinong sinasamba niyo? Pera? Teknolohiya?" halos pabulong ang kanyang pagsasalita pero rinig na rinig ito ni Lyka.
"Kasi---" sinubukang magsalita ni Lyka pero muling nagsalita ang babae.
"Simple lang naman ang layunin namin dito hija..."
Tahimik ang paligid, marami ng butil ng pawis sa noo ni Lyka, nanginginig ang mga kamay at tuhod niya dahil sa kabang tuluyan nang umangkin sa katawan niya.
"At iyon ay ang mag-alay" halos pabulong na sabi ng matanda.
Nagbigay ng matinding pangingilabot sa katawan ni Lyka ang boses ng babae. Lumakas ang hangin na naging dahilan ng pag galaw ng mga kasangkapan sa kusina. Nagpatay sindi ang ilaw. Hanggang sa tuluyan na itong namatay. Kasabay ng pagkamatay ng ilaw ay ang pagtahimik ng paligid. Nawala ang hangin at ang kalansingan ng mga kasangkapan.
Nagtayuan ang balahibo ni Lyka. Tanging ang paghinga lang niya ang naririnig niya.
Kailangan kong makaalis dito. Naisip niya.
Tatakbo na sana siya ng may makabangga siya, bahagya siyang napaurong at bumukas lahat ng ilaw.
Sa harap niya ay nakatayo ang matandang nakaitim. Walang puti ang mga mata nito, puro itim. Nakangiti ito at nakalabas ang mga naninilaw at sirang ngipin, iniangat nito ang mahabang itak hanggang sa kanyang bibig at dinilaan iyon hanggang sa dulo.
"Ganito kami magbasbas sa aming gamit" at tumawa ito.
Humakbang ito papalapit kay Lyka.
"voy a matarte... voy a torturarte... voy a matar a todos ustedes" Sabi ng babae habang tumatawa.
"Wag... Wag" bulong na lang ang lumalabas sa lalamunan ni Lyka dahil sa takot. Bawat hakbang ng babae ay siya namang atras niya.
"voy a matarte... voy a torturarte... voy a matar a todos ustedes" paulit-ulit na usal ng babae sa nakakatakot na boses.
Hanggang sa wala nang maurungan si Lyka. Nakasandal na siya sa pader. Tumutulo ang luha niya.
"Parang aw---" hindi na naituloy ni Lyka ang sasabihin dahil nasakal na siya ng babae. Kinakapos siya ng paghinga, nanlalabo ang paningin niya at sunod sunod na ang pag ubo niya. Napakalakas nito.
"Hihihi. voy a matarte... voy a torturarte... voy a matar a todos ustedes" Sigaw ng matanda habang inaangat ang hawak niyang itak. Unti-unti niyang inilalapit ang matulis na dulo nito sa mata ni Lyka habang tumatawa.
"voy a matarte... voy a torturarte... voy a matar a todos ustedes" Unti-unting binaon ng matanda ang itak sa kanang mata ni Lyka. Umagos ang dugo pababa sa pisngi niya. Impit ang pagsigaw ni Lyka dahil sa pagkakasakal sa kanya. Pilit siyang nagpupumiglas pero hindi natitinag ang matanda
"Makasalanan ang iyong mata, kaya kailangan silang tanggalin... SIRAIN!" Galit na sigaw nito. Dahan-dahan nitong hinugot ang itak sa kanang mata ni Lyka at ubod lakas namang ibinaon sa kaliwang mata. Bumulwak ang dugo, tumalsik ito sa mukha ng matanda. Nangisay si Lyka at tuluyan na itong hindi gumalaw.
Tinanggal ng matanda ang pagkakasakal niya kay Lyka at bumagsak ito sa sahig. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo sa mata nito.
Ikinalat ng matanda ang dugo sa kanyang mukha. Nakapikit na nilanghap ang amoy ng dugo. Dumilat ito at dahan-dahang ngumiti.
"este es el comienzo." sabi nito at tumawa ng malakas.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Kulto [Soon to be published under LIB]
Misterio / SuspensoLilinlangin kayo gamit ang Diyos ninyo... Gagawin ang lahat mapalapit lang sa inyo... iisa-isahin namin kayo... wala na kayong pagtataguan... Lahat ng pangalan sa notebook na ito ay kailangang mamatay... kailangang ialay.. Tatakas ka? Kaya mo kaya?