Aling Magda

2.4K 111 13
                                    

"Andiyan ka lang pala."

Napatalon ako sa gulat at mabilis na napalingon sa pinanggalingan ng boses. Lumakas ang kaba sa dibdib ko ng makita ang nagmamay-ari ng boses.

"Aling Magda?!"

"Ako nga." Sabi niya at saka ngumisi. Inilabas niya mula sa kanyang likuran ang hawak niyang malaking itak. Humakbang siya papalapit sa akin, kaya umatras ako. Bawat hakbang niya'y siya namang atras ko. "Tama ang iniisip ko noon na magiging pasaway ka. Dapat ikaw ang unang pinatay. Dapat ikaw ang unang pinanglamang-tiyan!"

"Bakit niyo ginagawa 'to?" Sabi ko sa nanginginig na boses.

"Dahil kaya nga kayo pumunta dito ay para maging alay. Maging alay sa aming panginoon." Sabi niya. Iniangat niya ang hawak niyang itak at dinilaan iyon. "Pasaway ka. Dapat ngayon ay patay ka na katulad ng mga kaibigan mo. Pero, ngayong nandito ka na sa harap ko sisiguraduhin kong ito na ang huling gabi mo." Tumawa siya at iniangat ang kanyang itak.

Tumakbo siya pasugod sa akin kaya tumakbo rin ako palayo. Hinahabol niya ako.

"Hindi mo ako matatakasan!" Sigaw niya sa nakakatakot na boses. "Mamamatay ka!"

Nakaramdam ako ng matinding kilabot dahil sa sinabi niya. Hindi ako dapat maabutan ni Aling Magda. Hindi ako dapat mamatay. Kailangan ko mabuhay.

Kailangan kong mag-isip ng paraan. Anong magiging laban ko? Wala akong armas.

Napasigaw ako at natumba ng biglang may humila sa buhok ko.

Parang nilisan ng hangin ang baga ko dahil sa lakas ng pagkakabagsak ng likod ko sa lupa. Napasigaw ako ng may dumagan sa tiyan ko. Dumilat ako at nakita kong inangat ni Aling Magda ang itak at isasaksak sa akin. Mabilis akong umiwas kaya imbis na sa mukha ay sa balikat ko bumaon ang itak.

Ramdam ko ang pagbaon ng malamig na metal sa laman ko. Ang hapdi na dulot ng pagkakasaksak ay nagpalabo sa paningin ko. Napasigaw ako ng maramdamang hinugot ni Aling Magda ang itak. Muli niya iyong iniangat at isasaksak ulit sa akin pero napigilan ko ang braso niya. Tumama ang dulo ng itak sa noo ko. Tumindi rin ang hapdi ng sugat sa braso ko dahil sa pwersa sa pagpipigil ko kay Aling Magda. Napapikit din ako dahil sa dugong dumadaloy mula sa noo ko papunta sa mga mata ko.

"MAMATAY KA! MAMATAY KAAA!" Sigaw ni Aling Magda na sinundan ng nakapangingilabot na tawa. "Hindi ako papayag na mabuhay ka pa. Para kang si Reese! Pasaway ka!"

"Ti-tigilan niyo na 'to!" Ubod lakas kong ginamit ang tuhod ko para madagukan siya sa likod. Nalihis ang itak at nadaplisan nun ang pisngi ko. Ginamit ko ang natitira kong lakas para alisin si Aling Magda sa pagkakadagan sa akin, napahiga siya at ako naman ang napaibabaw sa kanya. Agad kong hinawakan ang braso niyang may hawak na itak. Kinalmot niya naman ako sa mukha, ramdam ko ang hapdi dahil sa pagbaon ng mga mahahaba niyang kuko sa pisngi ko. Nagpapambuno kami at nahihirapan akong kalabanin siya dahil sa dami na ng sugat sa katawan ko.

"Hindi ka mananalo sa ak--"

Napasigaw sya at hindi natapos ang sasabihin ng itusok ko sa mga mata niya ang dalawa kong daliri dahilan para magsiritan ang dugo. Nakaramdam ako ng pagkadiri sa ginawa ko pero nangingibabaw ang galit ko at ang kagustuhan kong mabuhay.

Nagwala si Aling Magda, pilit kumakawala at nabitawan ang itak para gamitin ang dalawang kamay para gamitin pantanggal sa mga daliri kong nakabaon sa mata niya. Ng matanggal niya ang kamay ko ay umiiyak at sumisigaw niyang sinapo ang dalawa niyang mata na tuloy-tuloy sa pagdugo. Umalis ako sa pagkakadagan sa kanya at patumba-tumbang tumayo habang nakasapo sa nasaksak kong braso.

"Magbabayad ka! Magbabayad ka!" Umiiyak na sabi ni Aling Magda at saka gumapang palayo.

Biglang nangingibaw ang kagustuhan kong maghiganti habang pinapanuod kong gumagapang palayo si Aling Magda. Kinuha ko ang itak na nabitawan niya kanina at tiningnan siya ng nanlilisik ang mga mata. Ginawa nilang mga hayop ang kaibigan ko kaya magbabayad siya!

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinablot ang kanyang buhok. Napatingala siya at nilapat ko ang talim ng itak sa leeg niya.

"He... HAHAHAHA." Nanginginig niyang tawa. "Hindi mo kaya! Hindi mo-- ARGGGHKK!"

Hindi niya na natapos ang pang-iinsulto niya sa akin dahil ginilitan ko na ang kanyang leeg at pinugot ang kanyang ulo.

"Kaya ko!" Sabi ko at saka kinuha ang ulo niya. Ipapangsurpresa ko sa isang kaibigan.

Paika-ika akong naglakad papunta sa bukana ng sitio habang dala-dala ang ulo ni Aling Magda. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pagod at sa dami ng dugo na nawala sa akin. Nang akala ko na babagsak na ako ay bumulaga sa akin ang lamesa na nagsisilbing tanda na nandito na kami sa sitio. Ang lamesa na naglalaman ng punyal. Ang punyal na papatay sa pinuno. Ang punyal na magtatapos sa lahat ng ito.

Pinilit kong magmadali sa paglapit sa malaking lamesa. Nilapag ko ang ulo ni Aling Magda at sinuri ang lamesa gamit ang nanlalabo kong mata.

Asan ang punyal. Asan? Umikot ako sa lamesa at hinanap ang posibleng kinalalagyan ng punyal. Maya-maya pa ay may napansin akong kakaiba sa gilid ng lamesa. Kumikinang iyon. Lumapit ako ng mabuti at napakunot ang noo ko ng makitang iyon ay isang saksakan. Bakit may saksakan dito? Teka... yung plug!

Nagmamadali kong kinapa ang bulsa ko at inilabas mula doon ang plug na nakuha ko sa may ilaw na nakatapat sa litrato. Nanginginig kong ipinasok ang plug sa saksakan. Gamit ang hawakan na parang susi, pinihit ko pakaliwa ang plug at nakarinig ako ng click at bahagyang lumuwa ang parihabang sasaksakan. Hinila ko iyon at lumabas mula roon ang mahabang kahon na gawa sa kahoy. Binuksan ko iyon at nabigla ako ng may tumapon na tubig mula sa loob. Binuksan ko iyon ng tuluyan at nakita ko ang punyat na nakababad sa tubig na sa haka-haka ko ay holy water. Kinuha ko ang punyal at tiningnan iyong mabuti saka lumingon sa bahay ng lola ni Luigi.

Tatapusin ko na 'to.

Kahit nahihilo ay tumayo ako habang hawak ang punyal at saka hinablot ang ulo ni Aling Magda. Naglakad papunta sa tapat ng bahay at tumigil sa ibaba ng tatlong bahagdang hagdan.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang lola ni Luigi na nakasuot ng itim. Tinago ko sa likuran ko ang punyal. Ng makita niya ako ay nagulat siya.

"Bukay ka pa pala!" Sabi niya.

"Oo! At dinalhan kita ng regalo!" Sabi ko at inihagis sa kanya ang ulo ni Aling Magda. Ng makita niya iyon ay rumehistro ang galit sa mukha niya. "Patas na tayo!"

"Bakit ka nandito?" Sabi niya. "Dapat ay patay ka na!"

"Nandito ako para ipaghiganti ang mga kaibigan ko!" Humakbang ako at umakyat sa tatlong baitang na hagdan. "At para tapusin ang kademonyohang ito."

Tatakbo pa sana papasok sa loob ang lola ni Luigi pero nahablot ko ang braso niya at pinaharap siya sa akin. Iniangat ko ang punyal.

"Para sa mga taong pinatay niyo!" Sigaw ko at saka tinarak ang punyal sa kanyang dibdib. Sa kanyang puso. "Patay ka na at ang apo mo!"

Tumulo ang dugo mula sa labi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Hi-hindi p-pa." Mahina niyang sabi bago bumagsak sa lupa habang nakatarak pa rin ang punyal sa kanyang dibdib.

Umatras ako at hindi napigilan ang pag-iyak. Nagpakawala ako ng malalakas na hikbi.

Sa wakas! Tapos na ang lahat ng ito! Wala na ang kulto! Makakauwi na ako sa pamilya ko! Makikita ko na ang nanay ko.

"Em!" Napalingon ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses. Nanlaki ang mata ko ng makita siya.

"Joss!"

To be continued...

----×

Gerald's Note

Dalawang comment lang po ang nababasa ko pero sobra na po akong naflatter. Paano pa kaya kung marami na diba? Please, magcomment po kayo, kahit good o bad para mas ganahan po ang mga brain cells ko na magproduce ng magandang ending. Please!

BTW, baka ending na po ang kasunod nito so stay tuned and keep the reads, votes and comments coming. Salamat ng marami sa pagbabasa.

Kulto [Soon to be published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon