RICA's POV
Ang presko ng hangin at ang lamig ng gabi. Nagpaalam ako na maglalakad-lakad muna upang magpahangin. Baka makita ko rin si Joan, kanina pa wala eh. Nagtampo sa amin nung inasar namen.
Mabuti naman at umalis na yung maarteng Lyka na yun dito. Nawala na rin ang maarte sa tropa. Alam ko namang hindi makakatagal dito yung famewhore na yun. Fame whore kasi feeling niya sikat siya sa internet, kaya hindi makatagal yung ng walang WiFi or Signal.
Akala ata niya hindi ko nahahalata na may gusto siya sa boyfriend ko. Akala ata niya na manhid ako para hindi makita na lagi siyang nagpapacute kay Luigi. Asa siya!
Asan na ba kasi si Joan? Napakapikon naman kasi nung babaeng yun, hindi na nasanay na lagi siyang inaasar. Nagpaiwan pa sa kakahuyan, pag siya naligaw dun.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Ang simple nga ng pamumuhay dito. Mga kubo lang ang bahay at mga gasera lang ang mga ilaw na ginagamit nila. Naiisip ko, kakayanin ko kaya kung dito ako nakatira? Siguro hindi, dahil nasanay na ako sa bahay na may kuryente at mga gadgets. Napansin ko rin na sa bahay lang nina Luigi may kuryente. Well, kailangan siguro nila yun dahil nabalitaan kong ang lola ni Luigi ang tumatayong lider dito.
Napapansin ko, bihira ang mga taong lumalabas dito. Ah, naaalala ko, hindi pala araw ng pagsasama-sama ng mga tagarito ngayon. Bukas pa iyon at ang sabi sa akin ni Aling Magda masaya daw ang gabing iyon dahil lumalabas ang lahat ng taga Sitio Lotuk para magsalo-salo sa malaking lamesang bato na matatagpuan sa bukana ng Sitio. May mga sayawan at kantahan pa nga daw. At higit sa lahat nagdadasal din daw sila, yun daw ang pinakaimportante.
Ano kaya ang means of transportation nila dito? Parang wala kasing sasakyan dito.
"PSSST"
Napalingon ako. Sino ba yun? Naku, nantitrip lang siguro. Mga mapang-asar talaga. Pero sorry sila dahil hindi ko sila papansinin. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
May iba pa kayang nakatira sa kabilang bundok? May kurye--
"PSSTTT"
Napakamot ako sa ulo ko. "Kung sa tingin niyo papansinin ko kayo." Sabi ko ng hindi lumilingon. "Nagkakamali kayo"
Nakarinig ako ng mga yabag sa likod ko.
"Oh" Sabi ko "Hindi kayo naka-- OUCH" Napahawak ako sa ulo ko dahil isang bato ang tumama sakin "SHIT. Bakit kayo namba---" Humarap ako.
Isang batang babae ang nakatayo sa likod ko. Siguro nasa anim na taong gulang na ito. Maamo ang mukha nito at hinahangin ang mahabang buhok. Nakatago sa likod niya ang kanyang mga kamay. At parang pinipigilan ang pagtawa.
"Asan sila?" sabi ko sa bata "Asan na yung mga barumbado kong barka--- *BOG* OUCH"
Binato niya ako ng bato na nakatago sa likod niya. Tinamaan ako sa kanang mata. Napahawak ako sa mata ko na nagluha dahil sa sakit.
"Ano bang..." Pinipilit kong imulat ang mga mata ko. "Bakit mo ako binato?"
Tumawa ang bata at tinuro ang aking likuran.
Nagtaka ako. Dahan-dahan akong humarap sa sa direksyon na tinuturo ng bata. Nakatayo doon ang isa pang batang babae. Nasa anim na taong gulang rin siguro ito. May hawak itong mahabang kutsilyo habang nakangisi.
"Bakit may hawak kang kutsilyo?" nagtataka kong tanong. "Hindi yan laruan."
"Alam ko." Mahina niyang sabi. "Pangkitil ito ng buhay!"
Binato niya sa akin ang hawak niyang kutsilyo. Nakailag ako pero nadaplisan ang braso ko. Napahawak ako sa tinamaang parte ng braso ko, may dugo.
Isang bato ang tumama sa dibdib ko.
"Aray!" sigaw ko. "Anong ginagawa niyo? Anong problema niyo?"
Tumawa ang dalawang bata. Pinulot ng isa ang kutsilyo habang ang isa naman ay kumuha ng mas malaking bato.
Nakakatakot sila. Parang laro lang sa kanila ang nangyayari.
Sumugod ang isang batang may dalang kutsilyo. Nakatutok ang kutsilyo sa akin
"Saksakin mo" sigaw ng batang may hawak na bato. "HAHAHA. Saksakin mo"
"Teka!" Awat ko sa papalapit na bata "Teka. Ano bang--- AAAHHH"
Napasigaw ako ng bumaon ang kutsilyo sa mga hita ko. Ubod lakas kong tinulak ang bata. Malakas itong napasubsob. Bumangon ang bata at may dugong umaagos sa ilong nito. Inaasahan ko na malakas itong iiyak pero nabigla ako ng tumawa ito.
"Lumalaban siya" sabi nito sa malamig na boses. Tumawa rin ang batang may dalang bato.
Nakakatakot ang mga mata nila. Nanlilisik ito na parang hindi pag-aari ng isang bata.
Hindi ito biro. Papatayin nila ako.
Binunot ko ang kutsilyong nakabaon sa hita ko. "AAAHH!" Ramdam na ramdam ko ang paghiwalay ng kutsilyo sa aking laman.
Hindi ko namamalayan na nasa likod ko na pala ang batang may hawak na bato. Itinaas niya ang malaking bato na hawak niya. Hinarang ko ang mga braso ko sa aking mukha. Matinding sakit ang naramdaman ko ng tumama ang bato sa braso ko. Napasigaw ako sa sakit. Dumagan naman sakin ang isa pang bata at pilit na inaagaw ang kutsilyong tinanggal ko sa aking hita. Pilit akong nagpupumiglas. Ubos lakas kong tinulak ang bata sa ulunan ko. Tinulak ko rin ang batang nakadagan sa akin. Napahiga siya sa tabi ko. Bumangon ako at sasaksakin na sana siya.
"Wag po" nagmamakaawa niyang sigaw "Wag po ate. Maawa po kayo"
Dahan-dahan kong binaba ang kutsilyo.
"Bakit niyo ginagawa to?" tanong ko "Anong kasala--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Isang malakas na pwersa ang tumama sa ulo ko. Nagdilim at umikot ang paningin ko.
"Hahaha" tawa ng bata. Umi-echo ang tawa niya sa utak ko. "Uto-uto ka"
Napahiga ako. Ramdam kong may dugong umaagos sa aking ulo. Nakita ko ang mukha ng batang pumalo sa ulo ko. May dugo ang hawak niyang bato. Tinabihan ng batang sumaksak saken ang batang may bato. Pilit akong gumapang para umuwi. Kailangan ko itong sabihin kina Luigi.
"Tuluyan na naten." Sabi ng batang may hawak na kutsilyo.
Nahihilo ako at wala ng lakas para tumayo.
"Anong ginagawa niyo?" Tinig iyon ng isang babae.
"Nay!" Sigaw ng dalawang bata. "Tingnan mo ang ginawa namen." Masaya nilang sabi.
Tumingin sakin ang babae. Biglang sumaya ang kanyang mukha. "Napakagaling niyo talaga!" Masayang sabi ng babae.
Nagulat ako. Hindi siya nagalit? Hindi siya magugulat sa ginawa ng mga anak niya? Natuwa siya na may papatayin ang mga anak niya?
"Tuluyan niyo na." Masaya niyang sabi "Araw ng Pagsasama bukas. Masarap ang karne ng taga siyudad."
Susugod na sana ang mga bata pero pinigilan sila ng kanilang inay.
"Teka." Awat ng kanilang ina. "Basbasan niyo muna ang inyong mga gamit."
Tumigil ang mga bata at dinilaan ang kanilang hawak na bato at kutsilyo saka lumapit sa akin.
Panaginip lang ito diba? Panaginip lang ang lahat ng ito.
NARRATOR
Pinagsasaksak ng isang bata si Rica sa ibat-ibang parte ng katawan. Pinagpapalo naman ng bato ang ulo ni Rica hanggang sa magkalat ang dugo. Tumatawa ang dalawa habang tumatalsik ang dugo sa kanilang mga mukha at katawan.
Lumapit ang kanilang ina. Pinatigil ang dalawa. Kumuha ito ng dugo at ipinahid sa kanyang mukha.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Kulto [Soon to be published under LIB]
Mystery / ThrillerLilinlangin kayo gamit ang Diyos ninyo... Gagawin ang lahat mapalapit lang sa inyo... iisa-isahin namin kayo... wala na kayong pagtataguan... Lahat ng pangalan sa notebook na ito ay kailangang mamatay... kailangang ialay.. Tatakas ka? Kaya mo kaya?