First Hidden Message.

2.8K 84 10
                                    

Hapon na nung umuwi kami, masyado kaming nawili sa dagat at sa mga bata. Pinagtutukso rin nila kami ni Joss dahil pagkabalik namin ay binalita namin na kami na. Masyado daw mabilis pero hindi ko sila inintindi, ayokong patagalin ang panliligaw niya dahil matagal ko na siyang mahal.

Pagkadating namin sa bahay ay wala pa din sina Joan, Rica at Nino. Ang sabi ni Aling Magda ay baka sa pagsasama na raw namin makita yung tatlo.

Nangingibabaw ang mabangong amoy ng pagkain sa paligid. Bukas na bukas din ang malaking pintuan ng bahay nina Luigi, kaya naman libreng makapasok ang mga taong gustong pumasok sa kabahayan.

Alas-otso daw ang simula ng pagsasama kaya naman nagpalit na kami ng damit at bumaba na. Maraming tao sa labas. Kulay dilaw at orange ang makikita sa labas dahil puro sulo ang ginamit bilang ilaw. Sandamakmak na pagkain ang nakahain sa malaking lamesang bato na makikita sa bukana ng sitio. Maraming bata ang nagtatakbuhan at naglalaro. May mga sumasayaw sa saliw ng mga instrumentong gawa sa kawayan. Masaya ang paligid. Buhay na buhay.

Hindi maawat si Jean sa pagkuha ng litarato. Tuwang-tuwa siya. Kami naman ay hindi rin matigil sa pagpose. Nakisayaw rin kami sa masiglang tugtog na ginagawa ng kanilang mga payak na instrumento. Nagpakabusog sa maraming pagkain. At ninamnam ang masarap na karne na ayon kay Aling Magda ay galing sa hayop na tanging dito sa Sitio Lotuk lang matatagpuan.

"Mga kaibigan!" Malakas na sigaw ng lola ni Luigi. Napatigil ang lahat. Nawala ang ingay ng instrumento at ang tawanan ng mga tao. "Sandali nating puputulin ang kasiyahan. Oras na ng pagdadasal"

Naglapitan ang lahat ng tao sa lola ni Luigi. Pinalibutan nila ito, kami naman ay sumunod na lang.

Nabigla kami ng lumuhod sila.

"Ano kaya relihiyon nila?" Bulong sa akin ni Jhoii.

"Wag kang maingay. Makiluhod na lang tayo." Bulong ko din sa kanya.

Et tenebræ.

Et tenebræ.

Deus noster malum.

Laudamus te.

Ut enim nobis in hac nocte.

Haec ditans in te.

Nos interficiam te.

Nos enim pro te.

Nos pugnabit pro vobis

"Ano daw?" Bulong ulit sa akin ni Jhoii.

"Hindi ko alam!" Sabi ko at nagkibit-balikat.

Tiningnan ko ang batang katabi ko. Kahit ibang lenggwahe ang dasal ay kabisado niya iyon. Siguro ay nasa anim na taong gulang siya. Maamo ang kanyang mukha. Napatingin ako sa braso niya at parang pamilyar sa akin ang bracelet na suot niya. Parang kay Rica yun.

"Bata." Bulong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. "Kanino galing ang bracelet mo?"

Ang maamo niyang mata ay biglang nanglisik. Hinubad niya ang bracelet at binato iyon sa mukha ko. Sa pagkagulat ay napatayo ako sa pagkakaluhod, tiningnan nila ako. Sa hiya ay napaluhod ulit ako pero pagtingin ko ay wala na sa tabi ko ang bata.

Matapos ang pagdadasal ay humalik sila sa lupa at maya-maya ay tumirik ang mga mata. Nabigla kami. Anong nangyayari?

Maya-maya pa ay bigla silang nagbagsakan at napahiga sa lupa. Nagkatitigan naman kami ng mga kaibigan ko. Pare-parehas kaming gulat at nagtataka. Ilang sandali lang ay tumayo muli sila.

Et tenebræ.

Et tenebræ.

Deus noster malum.

Kulto [Soon to be published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon