Alyssa's POV
Naririnig ko na naman yun. Ang ingay ingay na naman, di ba ko pwedeng matulog pa ng matagal? Ano bang araw ngayon? Sunday naman diba? Bakit may alarm?
Dahan-dahan kong kinuha yung alarm clock ko at pinatay, 8AM na rin pala. Bumangon ako at pumasok na ng cr na parang zombie. Ewan para bang ang bigat-bigat ng katawan ko ngayong araw. Di naman ako nagpuyat kagabi, actually nga maaga akong natulog kasi nga nakakapagod ang Saturday Class. Hanggang 5PM kasi yun tapos PE pa kaya siguro mabigat din.
Medyo matagal ako sa cr kase tinatamad ako maligo at nakatunganga lang ako sa salamin sa harap ko. Mga 30 minutes din yun akong nakatanga, parang ganun naman talaga tuwing umaga. Di naman siguro ako lang yung ganito, marami din naman.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa kwarto ni Michael, yung kakambal kong lalaki. Pero mas matanda ako sa kanya kasi ako yung unang nilabas. Basta ganun daw yun pag una kang nilabas mas matanda ka. Naririnig ko kase yung cellphone niyang nagriring na naman ng nagriring pero hindi na naman niya sinasagot. Ang lakas pa naman maka-pang inlove yung ringtone niyang Beautiful Soul. Tulog pa siguro 'tong mokong na 'to. Kawawa naman yung tumatawag sa kanya.
"HOOOOOOY! GUMISING KA NA!! MAY TUMATAWAG SAYO!!! KANINA PA YAN!!" sinigawan ko siya sa tenga talaga, naghihilik pa kasi eh ang lakas lakas na nung ringtone, tulog mantika!
"Ano ba yan ate? Ang ingay-ingay ng bunganga mo!" tapos tumalikod siya at tinakpan ng unan yung ulo niya. "Magpatulog ka naman! Inaantok pa ko."
"Malamang bunganga ang maingay alangan namang mata, nagsasalita ba ang mata ha?" sabi ko at umupo sa kama niya at inalog-alog siya. Ang kulit-kulit kase tanghali na di pa gumising, may tumatawag ayaw sagutin.
Tiningnan ko naman yung cellphone niya kase huminto na yung ring. Sosyal nga 'tong kapatid ko eh, Iphone 3G ang phone eh ako nga Samsung Champ lang. Ang kapal ng mukha eh mas matanda naman ako sa kanya dapat saken napunta yan eh. Tapos wag kayo, sa isang super private university yan siya nag-aaral. Biruin niyo yon, matalino kase yang kakambal ko tapos ako nabiyayaan lang ng konting talino. Kaya full scholar siya dun, may allowance pa! Ang astig nga eh. Samantalang ako sa isang public university lang pero kilala rin naman yung school ko, hindi nga lang katulad ng school niyang parang pang-UAAP na. Saken pang NCAA lang.
Nakita ko naman yung caller id at nakalagay eh "My Heart". Ano daw? My heart? Gumaganon pala 'tong kapatid ko. May girlfriend na kase yan, Jessica yata yung pangalan? Ewan di ko matandaan basta nakita ko yan sa FB, nakalagay "In a relationship with Jessica bla bla bla" di ko maalala apelyido. Inaasar nga ko niyan kase daw naunahan ko pa siya. And so? Hindi pa kase binibigay ni God yung taong para saken.
"Huy! Yung my heart mo yung tumatawag kanina bakit di mo sinasagot? Tingnan mo oh 4 times na siyang tumatawag. LQ ba kayo?" tanong ko naman since "My Heart" nga yung caller ID girlfriend nga siguro niya 'to.
Kinuha naman niya agad yung phone niya sa kamay ko. "Akin na nga yan. LQ mo mukha mo! Dun ka na nga ate! Natutulog yung tao eh." tapos nakita ko siyang nagpipindot sa cp niya. Oh well hayaan na lang muna baka may pinagdadaanan sa buhay. Baka magalit 'to saken hindi ako pansinin. Kami na nga lang magkasama sa bahay na 'to eh.
"Osya, bumaba ka na lang dun ha. Bibili na lang ako ng ulam natin sa labas."
Sinara ko na yung pintuan ng kwarto niya at naglakad-lakad na ko sa labas para maghanap ng pang-breakfast namin. Kami lang kase ng kapatid ko ang nakatira dito sa apartment na 'to. Dito kase kami pinag-aral na dalawa sa Maynila para daw quality education ang makuha namin. Ako lang lagi yung nagluluto o kaya naghahanda ng pagkain namin, di naman kase yan natulong saken, napakatamad! Kaya minsan sinusumbong ko yan kina Mama kapag dumadalaw samin. Pero mahal ko yang kapatid ko na yan kahit ganyan yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/1040196-288-k186650.jpg)
YOU ARE READING
To Have And To Hold - Discontinued
Teen Fiction"Love is like the wind, you can't see it but you can feel it all over." Love happens everytime. Hindi mo alam kung siya na ba ang taong matagal mo ng hinihintay. Pero kapag dumating na yung taong para sayo, will you fight for him/her till the end?