PROLOGUE:
"Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig, o iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman." - Ricky Lee
Iba-iba ang uri ng pagmamahal na nararanasan at nakikita natin sa araw-araw na buhay. Isa na dito ay yung Unrequited Love o yung isa lang ang nagmamahal. Eto yung pagmamahal na ang tanging panglaban ay yung pag-asang hawak niya. Yung pag-asang baka balang-araw ay mahalin din siya ng taong mahal nya. Na baka balang araw hindi na lang siya yung nagmamahal.
At syempre karugtong ng pagmamahal na umaasa ay yung pagmamahal na napapagod. Eto yung tapos ka na umasa. Tapos na yung pantasya mo na baka balang araw magiging kayo. Tapos na yung pagpapakatanga mo. At handa ka ng kalimutan ang taong mahal mo para maranasan mo namang mahalin ng ibang tao.
May pagmamahal na handang talikuran ang lahat para lang sa taong mahal niya kahit pa makasakit pa siya ng iba. Yung kahit kaibigan niya tatalikuran niya.
May pagmamahal na mali at may pagmamahal na di namimili.
Love is a matter of choice ika nga. Saang pagmamahal ka kabilang?
YOU ARE READING
To Have And To Hold - Discontinued
Teenfikce"Love is like the wind, you can't see it but you can feel it all over." Love happens everytime. Hindi mo alam kung siya na ba ang taong matagal mo ng hinihintay. Pero kapag dumating na yung taong para sayo, will you fight for him/her till the end?