To Have And To Hold (4)

149 6 1
                                    

Alyssa's POV

Popoy: Ano bang problema?

Basha: Ako, ako yung problema kase nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kase ako yung humiling nito dba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko ring sabihin sa 'yo na masaya ako para sa 'yo.. Para sa inyo.. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh'. Ang sama sama kong tao kase umaasa pa din ako na sabihin mo sana ako pa rin.. Ako na lang. Ako na lang ulit..

Popoy: Mahal ko si trisha.

Basha: Alam ko. Alam ko..

Popoy: She love me at my worst and you had me at my best. At binaliwala mo lang lahat ng 'yon..

Basha: Popoy, yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.

Popoy: And you choose to break my heart.

Nanunuod ako ngayon ng One More Chance yung pelikula ni John Lloyd at Bea. Grabe lang ako makaluha mauubos ko na ang isang buong tissue roll. Kung napanuod niyo na rin 'to maiintindihan niyo. Sobrang emotions ang mararamdaman mo lalo na sa sene na 'to. Pero hindi mo rin talaga lubos na maiintindihan hannga't di mo pa nararamdaman.

"Bakit mo pa kasi siya pinaalis sa buhay mo Basha?"

Mukha na kong tanga dito. Kanina pa kasi ko iyak ng iyak dito. Eh kasi naman nakakaiyak talaga siya. Imaginin niyo, gusto mo pabalikin ang taong mahal mo at mahalin ka niya ulit kahit na may iba ng nagpapasaya sa kanya. How selfish of you diba? Hay nako buhay parang life. Pero i'ts ok masaya naman ako eh.

Sa mga ganitong pelikula na lang kasi ako kinikilig o kaya sa pagbabasa ng mga kwento sa wattpad. Natatakot pa nga ko dati sa kasabihang, kapag daw ang isang tao ay mahilig magbasa ng mga love stories ay matagal daw magkakaroon ng asawa. Dahil hinahanap daw nito ang babae o lalaki na katulad ng sa nabasa niya.

Nooooooo waaaaayyyy! Depende yan sa tao kung lalandi ka kagad noh. Kaya wag maniniwala sa mga ganyan, di totoo yan! Tsaka sa ganda kong 'to mahihirapan akong mag-asawa? Psh. A-S-A! Ay ewan, kung ano-ano na naman 'tong naiisip ko tanghaling tapat eh gani-ganito pa ko.

Ang ingay ko na pala kanina pa. Ano na kayang nangyaridito sa pinapanuod ko? Nalipat naman ang atensyon ko nung may tumunog bigla out of nowhere.

~ ~ ~

I've never gone with the wind

Just let it flow

Let it take me where it wants to go

Till you open the door

There's so much more

I've never seen it before

~ ~ ~

"Parang may tumutunog. Teka nga." hininaan ko ung TV para marinig yung kung ano man yung tumutunog. Hinanap ko kung san yun galing. Pamilyar kasi yung tunog eh. Crazier ni Taylor Swift yon, alam ko ring tone ko yon eh.

~ ~ ~

I was trying to fly

But I couldn't find wings

Then you came along

And you changed everything

~ ~ ~

"Ay pusang galang may muta!" nagulat na lang ako kase biglang lumakas yung kanta dun sa part na yon at ngayon alam ko na kung ano siya. Yung cellphone ko nga, may tumatawag!

Hala ka cellphone. Asan ka?! Magpakita ka sakin now na! Psh. As if namang lumapit sakin yung cellphone ko ng kusa. Binuksan ko isa-isa yung mga drawers ko. Usually kasi dyan ko talaga nilalagay ang cellphone ko kasi kapag wala dyan kung san-san ko lang nailalagay tapos pahirapan na naman maghanap kaya mahirap na. Nakita ko rin naman sa pinakababang drawer yung phone ko.

To Have And To Hold - DiscontinuedWhere stories live. Discover now