Andrei's POV
Lalala. Ay may POV pala ko, tae nakakahiya baka isipin niyo bading ako ah, pakanta-kanta pa ko dito sa room. Hi mga kids! Sa wakas time na rin. Uwian na! Makikita ko na naman ang asawa ko ay este si Jonnah pala. Feeler na naman ako. Pasensya naman, inlove lang.
"Teka, ano na nga bang schedule niya?" tanong ko sa sarili ko sabay kalkal sa bag ko ng copy ng registration card niya.
Oo! Registration card niya! Ganun ako ka-obssess sa kanya na kahit kasimple-simplehang bagay inaalam ko na. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa kukote ko at naisipan kong gawin 'yon. Basta isinerox ko lang yung time schedule nya.
Teka, back to reality tayo mga par. Tiningnan ko ang registration card niya. Inisa-isa ko bawat subject at ayun...
What?! Half-day lang siya?! Eh, anong oras na ah. Tumingin ako sa relo ko at inalam ang oras. Amp naman! 3:07PM na! Napahawak ako sa mukha nang bigla kong maalala na Wednesday pala ngayon. Tanga Andrei! Bobo!
Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko. Sabay tapik kay Alrhod, close friend ko sa room. "Pare, una na ko ah." Pagkasabi ko nun, dali-dali akong tumakbo papuntang car park para kunin ang sasakyan ko. Wala eh, yaman yamanan ang pamilya ko eh.
"Sigurado ako, nasa bahay na nila yun. Bibwisitin ko nga! Kunyari bibisitahin ko si Parekoy Enoch." sabi ko sa sarili ko habang pinapaandar ang sasakyan ko.
Para 'kong tanga, kinakausap ang sarili. Pero okay lang, gwapo naman!
Nasa kalagitnaan na ako ng daan papunta sa destinasyon ko nang all of a sudden ay nahagip siya ng mga mata ko. Awtsubels, bakit siya nasa gilid ng kalsada nakaupo? Mamaya mabastos pa siya dyan, mga tao pa naman dito. Nako!
Humanap ako ng tyempo para makita niya ako agad. Medyo madilim na din kasi. Uulan pa yata?
"Hoy!" Ampupu, ang ganda na bati ko ah. "Bakit ka nandito?"
Napansin kong inaadjust niya ang mga mata niya para siguro alamin kung sino ako. At nung nakilala niya na ako...
"At sino ka naman para huminto-hinto dyan sa harapan ko?" tinarayan ako agad-agad.
Bah! Kung di ko lang siya mahal, di ako magsasayang ng effort para lang hintuan siya. Sa gwapo kong 'to, tinatarayan lang ako?
"Ba't hindi ka pa umuuwi?"
Totoo naman eh. Anong oras na kaya? Medyo madilim na nga oh. Ano pa bang ginagawa niya dito? Tch.
"Bakit ba? None of that is your concern."
Lagi naman siyang ganyan sakin. Hindi ko naman alam kung anong problema. Masyado ko na ba siyang iniinis? Minsan siguro oo pero madalas naman nangungulit lang ako pero wala talaga.
"Ihahatid na kita." bigla ko na lang nasabi.
Wala na eh. Nandito na. Hindi ko naman kayang pabayaan na lang siya dyan. Hindi kakayanin ng puso ko. Sus, drama ko! Yak.
"Wag na!"
Bah! Siya na ngang pinagmamalasakitan. Di pa rin. Haynako, mga babae nga naman ang tataas ng pride.
Hanggang sa nagbibilangan na lang kami dahil ayaw niya talagang sumakay. Tigas ng ulo neto. Amp!
"2. . . . . . . one and one-fourth. . . . . . . one and one-eight. . . . . . . 1!"
Tiningnan ko siya one last time at ngumiti na para bang nang-aasar. Ewan ko, feeling ko kasi gusto na niya umuwi pero dahil mataas pride niya kaya ayaw niya sumabay sakin. Nakakatuwa no? Well, ganun talaga ang mga babae. Nature na nila yun.
YOU ARE READING
To Have And To Hold - Discontinued
Novela Juvenil"Love is like the wind, you can't see it but you can feel it all over." Love happens everytime. Hindi mo alam kung siya na ba ang taong matagal mo ng hinihintay. Pero kapag dumating na yung taong para sayo, will you fight for him/her till the end?