To Have And To Hold (3)

172 9 3
                                    

Enoch's POV

Oh well. Its Saturday again. Same old, same old. Nasa tapat ako ng elevator ngayon hinihintay magbukas ito para makapagsimula na ako sa editing na gagawin ko. Mamimili na kasi ako ng mga reports at news na ginawa ng mga members na freshmen para maisali na sa pagpapublish ng "The Apprentice, July Issue". The Apprentice yung name ng school paper namin. Saturday ngayon, wala kaming classes kaya walang masyadong tao ngayon sa university maliban na lang dun sa mga studyanteng pinalad na may Saturday class.

While waiting I read the short story I had just received from one of the members and thought of a good illustration for it then suddenly...

"Kasama yan sa ipupublish?"

Biglang may nagsalita na babae sa tabi ko. Naghihintay din siguro ng elevator. Ang tagal din kasi dumating ng elevator na to minsan, nakakatakot nga dyan eh luma na kasi yung elevator. Im telling you, merong electricfan sa loob nyan.

"Uh....No. Hindi pa naman ako nakakapamili." sabi ko naman while scratching my head. "Kabibigay lang sakin ng isang member 'to kahapon. Its an inspirational story by the way."

If I remembered correctly her name was Thalian, member din siya ng The Apprentice pero  Sophomore na siya kaya I dont know her at all but she seems kind.

"Ah..." sagot niya.

Nanahimik naman kaming dalawa nun kasi hindi naman kami magkakilala talaga at wala akong balak makipag-usap.

"Is it hard to draw a book illustration?" pagputol niya sa katahimikan. Bwisit na elevator kasi yan, ang tagal.

"Hindi naman." sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nakakahiya eh. "Medyo hirap lang ako sa umpisa kasi iniisip ko pa kung anong style ng drawing ang gagawin ko at depende pa kasi yun sa outline nung story. I usually start with a few black and white line drawings then I let the other people to do the coloring although sometimes I also do full color illustrations. Pero kapag----"

Bigla akong napatigil kasi narealize ko na ang daldal daldal ko na pala. Amp naman. Ano ba tong pinagsasabi ko? Hindi naman niya tinatanong yung buong trabaho ko. Para kong tanga. Tiningnan ko siya. Mukha namang nakikinig 'to sa mga sinasabi kong walang kwenta. Buti na lang mabait siya at di niya ako pinagtawanan.

Humawak naman ako sa batok ko nun as a sign na sorry, nakakahiya ang daldal ko parang ganun. Tapos nagsalita na ko.

"Im sorry. I didnt mean to brag about my job. I... was just...."

Aish. Ano bang dapat kong sabihin? Nakakahiya talaga. I really suck at talking to people. Bwisit na elevator kasi yan oh. Nagmigrate ka na ba sa taas at ayaw mo na bumaba?

"Enoch, Bro! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap ah. Ano? May regalo ka na ba sakin?" sabi ni Andrei sabay akbay pa at pag-ipit sa leeg ko.

Hindi naman na ako nabigla dun dahil alam ko naman na pumupunta talaga usually yung mga members lalo na kapag pilian na ng mga works at reports na isasama sa publishing. Hindi ko lang talaga napansin 'tong lokong 'to. Pero thanks bro, dumating ka. Kanina pa namimilipit dila ko dito eh.

"Sabi mo regalo ko na sayo yung pagpunta ko sa birthday mo?"

"Pupunta ka sa party ni Andrei?" hindi makapaniwalang tanong ni Thalian sakin. Oh well, hindi ko siya masisisi sa reaksyon niya. Kahit ako hindi ko din alam kung bakit ako pupunta sa party ni Andrei. Aw, oo nga pala I'm trying to change.

"Oo." si Drei na ang sumagot para sakin. At, aray ko ha. Hindi pa rin tinatanggal ang pag-ipit sa leeg ko. Kukutusan ko na to eh. "Bakit? Gusto mong sumama?" pagpapatuloy niya habang nakangisi.

To Have And To Hold - DiscontinuedWhere stories live. Discover now