To Have And To Hold (1)

342 15 11
                                    

Alyssa's POV

"Pumayag ka na kasi Alyssa!!"

"Ayoko nga eh. Ano ba naman yan Jonnah!" I said while rolling my eyes to heaven. Eh kasi naman 'tong babaitang 'to kung kani-kanino na lang ako pinapamigay. Nakakairita kaya. Kesyo sumama daw ako kay ganito tapos kay ganyan. Sino naman kaya ang matinong makikipagdate kung kani-kanino lang diba?

Actually nga I visited her so that we could hang out and we could gala-gala sa mall. Kasi nga matagal na rin kaming hindi nagkikita nyan since college na kami parehas but then..

 [FlashBack]

 "Bye Alyssa." - Classmate #1

 "Alyssa! See yah!" - Classmate #2

Woooo!! Uwian na rin sa wakas. Ang saya-saya talaga. Tapos friday pa today. Hahaha. Matutulog ako ng matutulog pag-uwi sa bahay! Kasi naman simula nung nagcollege na ko wala na kong proper na tulog. Di ko naman naisip na ganito pala ang kolehiyo, di sana di na lang ako nag-aral. De joke lang.

Lakad lang ako ng lakad nun kasi medyo may kalayuan ang sakayan ng jeep sa university na pinapasukan ko. Ewan ko ba, wala rin namang sakayan ng tricycle papuntang sakayan ng jeep kaya nilalakad na lang din ng karamihan. Tsaka kahit naman siguro merong sakayan dyan di ako sasakay na, sayang pa ng pamasahe no. Di naman napupulot ang pera.

Hay, ang boring naman pag mag-isa ka umuuwi wala kang makausap. Yung mga kadalasan ko namang kasabay ay may pupuntahan pa daw sila at magpapagawa ng mga kpop keme nila. Ewan ko ba dun, mga adik sa koreano. Bigla ko namang naalala yung bestfriend ko na si Jonnnah. Nung HS lagi kaming sabay naglalakad nyan. Bestfriend ko siya kaya lang di kami nagtatawagan ng bestfriend. Because this term was also used by people to refer to their enemies.

Minsan na lang kami nagkikita ngayon kaya naman namimiss ko na ang kadaldalan niya. Kaya naman naisipan kong puntahan ko na lang siya sa bahay nila since friday naman ngayon at wala naman akong saturday class. Mas masarap kayang kasama ang friendships mo kesa magmukmok ka sa bahay.

[End of Flashback]

"Huy nakikinig ka ba sakin?" sabi niya habang pinapatunog ang 2 daliri sa harap ko.

At ngayon nagsisisi na ko. Nirereto ba naman ako sa pinsan niya na subsob sa pag-aaral para daw kahit papano magka-boyfriend na ko at magka-girlfriend naman daw yung pinsan niya. Hello? Ganun-ganun lang ba yon?

"Teka nga muna. Nakailang boyfriend ka na ba nang hindi ko nalalaman ha?" tanong ko naman sa kanya kasi nandito na rin naman tayo sa girlfriend-boyfriend thing na to eh why not ask diba? Tsaka para naman hindi lang ako ang mahot-seat no! Pareho lang naman kasi kaming mapili pagdating sa lalaki. And for all I know, wala pa rin siyang nagiging boyfriend kaya wala siyang dapat ipagmalaki sakin.

"Hindi yan ang issue rito." Sus, di daw issue. Ayaw lang pag-usapan ang love-life niya pero pag saken todo push siya. Nako, what kind of bestfriend do i have huh?

"Sige na naman Alyssa pumayag ka na. Bagay naman kayo ni Enoch eh. Mabait yon, matalino, gwapo at kaya ka naman nun buhayin kung nagkataon."

Binatukan ko siya.

"Huy, ano ba yang pinag-iisip mo?! Grabe na ha. Nagkataon, nagkataon ka dyan."

Minsan di ko na rin maintindihan kung anong takbo ng utak netong si Jonnah eh. Alam niyo ba yung feeling na ang random ng bestfriend mo? Ewan ko ba. Lord! Kailangan ko ng tulong.

Nagulat naman kaming dalawa ng may kumatok sa pintuan. Sabay kaming napalingon ni Jonnah sa kung sino ang nasa pinto. At napangiti ako kase maliligtas na ko sa topic na ipinipilit saken ng bestfriend ko.

To Have And To Hold - DiscontinuedWhere stories live. Discover now