Alyssa's POV
'Walanghiya ka talaga, Jonnah! Humanda ka talaga sakin pag nagkita tayo. Sasabunutan kita nang bonggang-bongga!'. sabi ko sa sarili ko nang salubungin ko si Enoch sa labas ng PUP.
Tinext ko si Jonnah.
Message:
To: Bessy
Hoy ikaw! Ikaw ang sinabihan ko na magsauli ng mga librong hiniram mo sakin tapos yung pinsan mo yung pinadala mo. Letse ka talaga! :/
Tinext ko kasi siya na isauli na yung mga libro na hiniram niya saken dahil ang dami na nun at mahihirapan na kong dalhin sa bahay kapag lalo pang dumami. Kaya ang inaasahan ko eh siya ang magdadala nun pero ano ito? Bakit si Enoch ang nandito? Oh well, nandito na eh. Kainis ka talaga, Jonnah!
Papalapit na ko sa kanya. Nakasandal lang siya sa pinto ng motor niya na parang cool guy na ewan. Pinagtitinginan na nga siya ng mga lumalabas ding estudyante. Hello? Yung itsura niya kaya!
He look tired, harassed, sad, sleepy and preoccupied. Ano ba naman 'tong lalaking 'to? Pero infairness gwapo pa rin, halata ngang may-kaya ang itsura niya eh. Syempre sa isang public school lang ako, siya kaya san nag-aaral?
Kinakabahan ako na ewan. Pero stay calm! Maganda ka Alyssa, act normal lang! Ano ba naman 'to? Para namang may gusto ako sa kanya kung makapag-act ako ng ganito. Nakakaloka!
"Hi," bati ko nang makalapit ako sa kanya.
Napatayo siya ng diretso. Parang nagulat na ewan, sabay inabot sakin ang paperbag na dala-dala niya. Eto na siguro yung mga libro ko.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Baka kasi kanina pa siya naghihintay sakin. Nakakahiya naman.
"Hindi naman. Medyo nahirapan lang akong maghanap ng mapaparking-an kaya hindi ako nakapasok agad." sagot naman niya. Hindi naman pala, so hindi nakakahiya. Hahaha.
"No, its okay. Pababa na talaga ko kasi uwian na rin namin." Palusot! May group activity pa nga kami at tumakas lang ako para kunin yung libro ko. Hay, kagroup ko pa naman si Karlo! Gosh. Kinikilig aketch. >////<
Ay, di ko pa pala yun nakekwento sa inyo? Wag na! Di niyo naman siya kaclose eh. Hahaha!
Perooo....
Eeeeeehhh! Ano ba yan? Sige na nga. ^____^
Wala naman. Crush ko lang yun. Di pa mahal noh! OA kayo. Mahal agad teh? PBB Teens?
Ayun nga, nagulat ako nung nakagrupo ko pala siya sa Economics. Edi ako naman porda kilig ang drama kanina. Pero syempre di ko pinahalata noh! Bago lang kaming magkakaklase kaya syempre may ilang effect pa yan.
Ssshhh lang kayo ah. Hindi ko pa 'to sinasabi kahit kanino eh. Kahit kay Jonnah! Hahaha.
Tapos nga diba may meeting dapat kami sa Char-----.
"Gusto mo bang sumabay na lang pauwi?"
Ano ba naman 'to? KJ naman sa pagkekwento ko tungkol kay Karlo. Minsan na nga lang lumandi, naputol pa.
'Wag na lang! May pamasahe naman ako pauwi eh'. sabi ko sa sarili ko nung magsink-in sa utak ko yung sinabi niya kanina sakin.
Nakakailang din pala noh? Kapag sinabihan ka ng di mo masyado kaclose na sabay na kayo umuwi kahit na pareho lang kayo ng way pauwi. Grabe hindi ako makatingin. Ano ba?
"Ah... eh... ano kase-------"
"Im sorry. I didn't mean that. I mean, I really am sincere sincere about taking you home with me. Wait... uhm... that didn't sound right," sabi niya na pautal-utal. Hindi ko tuloy natuloy yung sasabihin ko kanina.
YOU ARE READING
To Have And To Hold - Discontinued
Novela Juvenil"Love is like the wind, you can't see it but you can feel it all over." Love happens everytime. Hindi mo alam kung siya na ba ang taong matagal mo ng hinihintay. Pero kapag dumating na yung taong para sayo, will you fight for him/her till the end?