Umuwi naman ako sa bahay ng mga 6PM pa lang dahil nga baka yung kapatid ko ay nakalimutan magtext at nasa tapat na ng bahay naghihintay, kawawa naman. Nung pagdating ko ay wala naman akong naabutan so wala pa siya. San na naman kaya nagpunta ang lalaking yun?
Bumili muna ko ng ulam sa labas at pumasok na sa loob. Hinanda ko na yung kakainin namin at kumain na ko. Baka pag hinintay ko pa yun eh hinimatay na ko sa sobrang gutom. Binuksan ko yung tv at gumawa na lang muna ng assignment.
Natapos ko yun ng mga 9PM at nag-aalala na ko sa kapatid ko kase anong oras na hindi pa rin siya nagtetext. Sabi ko naman sa kanya eh agahan ang uwi dahil lunes bukas at may pasok siya ng maaga. Ang kulet kulet talaga ng kakambal kong yon. Ang sarap patayin!
Nung hindi na ko makatiis eh dinial ko na talaga yung number niya dahil nag-aalala na talaga ko. Pero out of coverage area naman. Ano ba naman yang phone na yan? Napakawalang kwenta! Itapon mo na nga yan Miko! Tinawagan ko naman na sunod eh si Luke, yung bestfriend niya. Yun kase yung paalam niya saken kanina na magbabasketball daw sila. Pero eto naman ring lang ng ring. Hayst nakakainis!
Sinubukan ko pa ulit tawagan yung number ng kakambal ko at after several rings ay may sumagot naman pero hindi naman sa kapatid ko.
"Hello sino ka? Asan si Miko ha?" sabi ko na may halong kaba sa tono ng boses ko.
"Ikaw po ba yung kapatid ni Drew? Nakikipagbugbugan po siya sa may plaza. Ayaw pong paawat ate!" sabi niya na medyo hindi ko nga maintindihan dahil ang ingay sa labas. Michael Andrew kase ang buong pangalan ng kapatid ko. Pamilya lang niya ang tumatawag sa kanya ng Miko.
"ANO? PIGILAN NIYO! ANO BA YAN KALALAKING TAO NIYO DI NIYO KAYANG AWATIN! TEKA PUPUNTA KO JAN!" sigaw ko sa phone. Buyset naman Miko, ano bang problema mo sa buhay!!
Dali-dali naman akong lumabas at sumakay kagad ako sa tricycle papuntang plaza. Nakalimutan ko pa ngang ilock yung bahay dahil sa nagpapanic ako. Ano bang masamang espirito ang sumapi sa kapatid ko at nakipag-away na naman? Isusumbong ko talaga siya kina Papa. Ang kulet ng lahi eh.
Tumakbo na ko agad dun sa maraming tao at hinawi ko sila dahil hindi ko makita ang kapatid ko. Nakita ko namang inaawat na siya pero tuloy pa din ang peg nitong kambal ko.
"Miko ano ba tumigil ka na nga!" sabi ko ng mahinahon habang pinipigilan kong sumuntok na naman yung kamay niyang ang lakas lakas. "Ano ba Miko, huminahon ka nga!" dagdag ko pa. Nahihirapan pa naman ako kase matangkad talaga yung kapatid ko at maliit lang ako.
"Eh gago yan ate eh!" sabi niya na galit galit yung itsura habang dinuduro yung lalaki. Natatakot ako sa kapatid ko ngayon. Hindi ko alam yung gagawin ko. "Hinahalikan ba naman yung girlfriend ko! Ang kapal ng mukha mo pre! Tang-ina mo!" sigaw niya pa.
"Sssh tama na Miko, uuwi na tayo at kakausapin mo ang girlfriend mo bukas ha?" pagpapakalma ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso at dinala sa gilid. "Masyado ka ng pagod, andami mo pang sugat. Pano ka papasok niyan ha?" minsan hindi ko alam kung san nagmana 'tong kapatid ko eh. Hindi naman ganyan si Papa.
"Lyssa, pasensya ka na at di ko naawat 'tong lokong 'to ah." sabi naman ng kadadating na si Luke dala-dala yung bag nilang dalawa. "Bumili lang kase ko sandali ng softdrinks sabi ko maghintay siya maya-maya lang nakikipagsapakan na sa daan." paliwanag niya. Well wala na naman akong magagawa, nangyari na eh. Mga lalaki nga naman oh.
"Pare bag mo oh." inabot naman ni Luke yung bag ni Miko. Tapos nagpaalam na kami sa kanya. Sumakay agad kami ng tricycle. Special ride pa nga dahil masyado ng late at hindi na makakapaghintay pa ng ibang pasahero.
Pagdating namin sa bahay ay hindi ko na siya pinagalitan dahil pagod na ang utak at katawan ko sa mga bagay-bagay ngayong linggo. Naisip ko nga linggo ba talaga ngayon? Diba pag linggo rest day dapat?
YOU ARE READING
To Have And To Hold - Discontinued
Teen Fiction"Love is like the wind, you can't see it but you can feel it all over." Love happens everytime. Hindi mo alam kung siya na ba ang taong matagal mo ng hinihintay. Pero kapag dumating na yung taong para sayo, will you fight for him/her till the end?