Enoch's POV:
"Am I overdoing it?" Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko galing sa kwarto ng pinsan kong si Jonnah. Wow, kwartoception.
[FlashBack]
Sigurado ako magugulat sila sakin kasi ang aga kong umuwi ngayon. Usually kasi nagsstay pa ko sa school ng matagal since President ako ng Publishing Club ng mga first year syempre. Apat kasi yung president, bawat year meron. Feeling ko nga napagtripan lang ako maging president, pero okay naman yung standings ko kaya ayos na din. Gusto ko rin naman ang pagsusulat.
Binuksan ko na din ng dahan-dahan yung gate kasi 3pm na nun, baka natutulog sila Lola. Eh medyo ma-creek yung gate namin pero hindi yung creek na tunog na parang luma ha, maingay lang talaga yung gate. Ayos nga eh kapag may magnanakaw maririnig mo agad. Pumasok na rin ako.
"Good Afternoon po Lola, Tita!" bungad ko kagad.
Aba wala yatang tao. Ang tahimik yata ngayon. Nakakapanibago din kahit bago lang ako dito. Galing kasi akong London, dun ako nag-grade school at high school. Pero nung namatay yung mommy ko after my graduation napagisip-isip ko na umuwi na lang kami muna sa Pilipinas ni Patrick, yung kapatid kong 14 years old na at dun na lang kami mag-aral kasi wala naman na kaming kamag-anak dun.
"Uuuyy, naiinitindihan niya ang pinsan ko. Papayag na yan. Makikipagkilala na yan kay cousin. Mabait ka naman na diba?"
Narinig ko naman na ang matining na boses ni Jonnah, Maingay na naman ang mundo ko. Nakauwi na rin pala ang isang 'to. Akala ko pa naman makakapagpahinga ko hindi rin pala. Awtsu. At cousin daw? Ako ba yun ha?
"Of course not! Sino namang may sabi sayo na mabait na ko? Kung sino man yun nagsisinungaling siya sayo."
Nakarinig naman ako ng isang unfamiliar na boses. Ngayon ko lang narinig eh pero sino kaya yun? Aw, who cares naman diba? Hindi dapat ako nakikinig sa usapan ng iba, that's very rude of me. Pero bakit parang gusto ng tenga ko ang makinig? Aish. Bahala na. Huminto muna ko at inilapag ang bag sa sofa at pinakinggang mabuti yung nagsasalita.
"Besides dont you think he's old enough to decide on his own? Sa tingin ko alam niya ng concern kayo sa kanya. Nasabi niyo na kung ano ung gusto niyong sabihin diba? Then there's no problem."
Ano daw? Sino ba yung pinoproblema nila? Parang tanga din yung mga tao ngayon no? May mga problema naman silang sarili bakit kaya pinapakelaman nila ang problema ng iba. Oh well.
"Kung ayaw niya talagang makinig sa inyo kahit araw-arawin niyo pa ang pakikipag-usap sa kanya hindi talaga niya yun gagawin."
Nagpanting naman ang tenga ko nun. Ewan ko, pero somehow nasaktan ako. It was very blunt of her kung sino man siya. Pero tama nga naman siya, kapag ayaw talaga ng tao ayaw talaga. Wag nang pilitin kasi baka may masaktan lang.
"Oh Enoch, andito ka na pala."
Bigla akong bumalik sa realidad nang marinig ko ang boses ni Tita Jasmin galing kitchen. Puro magkakamag-anak lang kami dito eh. Laking tuwa ko nga at masaya nila kaming tinanggap ng kapatid ko dito. Kung hindi siguro ewan ko na lang kung san pa kami pupulutin.
"Hindi ko narinig ang pagtunog ng pinto, ang iingay kasi nila eh. Tara nga at pumunta tayo dun para malaman nilang naririnig mo na ang pinag-uusapan nila." pag-aanyaya naman sakin ni Tita.
"Uh. . Tita . . Wag na lang si----"
"Tara na!" sabay hatak sakin.
Shet! Pano na to? Hindi talaga ako yung tipong friendly or sociable man lang. Kaya nga sa school very low ang profile na ginagawa ko kasi freshmen pa lang ako. Siguro yung pagiging president na lang ng publishing club ang greatest achievement ko sa pagiging friendly. The rest, wala na akong pakialam.
YOU ARE READING
To Have And To Hold - Discontinued
Teen Fiction"Love is like the wind, you can't see it but you can feel it all over." Love happens everytime. Hindi mo alam kung siya na ba ang taong matagal mo ng hinihintay. Pero kapag dumating na yung taong para sayo, will you fight for him/her till the end?