THE BULLY AND THE BEGGAR
By:imcindygirlLiz POV
Hindi ko talaga alam na kay Cyrus yung minibar na yun..pag napapadaan ako doon hindi maaring hindi ko siya balikan ng tingin..yun pala kay Cyrus yun..ganun ba talaga?ganun ko ba siya kamahal?pero bakit kailangang magalit ka sa akin?..
Ako si Liezel Alcantara..kagaya ng nasabi ko na kay Jaymie..Dati kong kaibigan si Cyrus..Dahil lagi kaming magkasama..laging magkausap hindi ko naiwasang mahulog sa kanya..pero nagalit siya,ayaw niya..hindi ko alam kung ano ang dahilan niya,pero umiwas siya ng malaman niyang may gusto ako sa kanya..kaya pinagsisihan ko nang aminin ko pa sa kanya ang nararamdaman ko..Sana hindi na lang,Sana hindi ko sinabi,at sana hindi ko hinayaang Mahulog ako sa kanya..
"Flashback"
Gaya ng dati nandito ako sa gym..ako ang nangunguna saa pagkabit nang mga banner para sa laban ng basketball na siyempre ang bestfriend kong si Cyrus ang Captain Ball..
As her bestfriend todo suporta talaga ako..
Marami akong ipinagawang banner merong mga malalaki..panigurado gaganahan siyang maglaro nito..Mayamaya nagkagulo na nandito na pala ang mga player..at syempre pinagkakaguluhan ang bestfriend ko..
Kanya kanyang yakap at picture nung mga babae sa kanya..
Habang ako hinihintay kong mawala sila saka niya ako malalapitan.."Liezel!wow!todo suporta ka talaga ha!ikaw talaga ang number 1 fan ko.."
"Oo naman noh!reading ready na akong magcheer sa bestfriend ko na mahal ko.."
"Ha?ano yun?"
"Ha? wala!sige na tinatawag ka na dun.."
Oo mahal ko siya,mahal na mahal..at nag iexpect ako na sana kagaya din ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya..
"Hoohhh!!gogogo!!"syempre todo cheer ako..yan ang trabaho ko pag may laban siya.
Ano pa ba ang aasahan,siyempre panalo ang school namin..ang galing kaya ng bestfriend ko..
Akala ko nga nainjured siya sa 4th quarter nang laro,mabuti naman okay lang siya..Mabilis akong tumakbo sa kanya.nung matapos ang game..grabe kasi ang kaba ko kanina..
"Cyrus,okay ka lang ba?yung paa mo okay lang?"
"Oo naman,Liezel..kayang kaya ko to!ang mahalaga nanalo kami!"
Nagkagulo na sila dun..nagtutulakan,
nagsisigawan..sobrang saya talaga nila..konti na lang kasi papunta na sila sa championship.
Lumabas na muna ako dun,habang nakangiti na nakatingin sa kanila.."Congrats..Liezel"
"Jules,ikaw pala..hindi naman ako nanalo,kinocongrats mo ko,nandun sila oh.."
"Para ka na rin namang nanalo..todo cheer at todo support ka,tingnan mo naman ang banner ng team niyo andami..kahit ako gaganahan talaga akong maglaro tapos ikaw pa ang magchicheer.napakaswerte talaga niya.."
Ngumiti ako ng mapakla habang nakatingin sa mga nagkakagulo..
"Hanggang dito lang naman ang kaya kong gawin,hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya.."
"Mabuti pa siya mahal mo siya,ako..Mahal kita..pero sa kanya ka lang lagi nakatingin.."
Matagal nang nagtapat sa akin si Jules,at ilang beses ko na ring napatunayan na mahal niya ako..pero hindi ko naman maaring pantayan ang pagmamahal niya.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Beggar
Teen Fiction"You're only a beggar. But when it comes to Love, I was the one who's begging for your Heart..." -The Bully