Chapter 10

10 0 0
                                    


THE BULLY AND THE BEGGAR
By:imcindygirl

Blaire's POV

"Alam mo Blaire..Hindi makukuha yan ng
kaiinom?!ang problema,hinaharap hindi dinadaan sa inom!"

Inagaw niya sa akin yung hawak kong alak..

"Bakit ito ang business mo,kung ayaw mong magpainom nang may problema!Akin na nga yan!"

"Hah!menor de edad ka pa!"

"Kelan pa pa naging menor de edad ang 19 years old!


Inagaw ko ulit sa kanya yung baso.

Siya si Cyrus..Pinsan ko..matanda lang yan sa akin nang dalawang taon..
Pero may sarili na siyang business..
Ito ang isa sa business niya..
Isang bar and restaurant..Matured na ang utak niyan,hindi na  yata dumaan ang utak niyan sa pagkateen ager..matanda na agad..kaya kung gusto mo nang matinong payo diyan ka lumapit.minsan nga lang napapasobra..
Tinungga ko na naman yung alak na nasa baso ko..

"Ahh!naiirita ako pag nakakakita ako ng kagaya mo..may gusto ka ayaw mong sabihin..mas gusto mo yung nagpifling fling ka lang.."

"Tssk..sinabi ko bang panoorin mo akong uminom?saka sinong nagsabing may gusto ako sa pulubing yun?"

"Hoy Blaire!lokohin mo ang lelang mong panot!bata pa tayo halatang halata na.may gusto ka kay Jaymie.."

"Tumigil ka nga!"

"Natatandaan mo ba nung Sumali siya sa Ms..United Nation?grade 5 yata kayo nun?"

Inalala ko yung sinabi niya..United Nation?

{Flashback}

"Blaire si Jaymie.tingnan mo ang ganda.."

"Pwede ba Cyrus..may igaganda pa ba yang pulubing yan?"

"Sus..ayan na nga siya.."

Pagtingin ko kay Beggar..Siya ba talaga yan?muntik ko na siyang hindi makilala..

"Ang ganda nga niya.."

"Sabi ko sayo.."

Lalapit sana si Cyrus..hinila ko siya..nagmadali akong lumapit kay Beggar..kailangan ako ang maging partner nya..

Hanggang sa matapos yung program na yun sa school..binantayan ko lang siya..pag may titingin sa kanya,gusto kong sundutin yung mata nila..

"So?yun lang pala..bata pa ako nun..masama bang magandahan sa kanya?minsan lang yun,hindi na naulit..

"Minsan lang?Paano kaya nung highschool tayo..yung nagkaroon tayo ng retreat?wala kang ginawa dun kundi bantayan si Jaymie.."

"Huh?Retreat?"

"Jaymie and Andrei!kayo ang partner for this retreat..lahat ng mga activities kayo ang magkakampi.."

The Bully And The BeggarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon