Chapter 14

4 0 0
                                    

THE BULLY AND THE BEGGAR
By:imcindygirl

Blaire's POV

Hinanap ko si Beggar,baka kung saan yun makarating.Siguro dapat mag sorry na lang ako..
Oo,magso sorry ako,wala na akong pakialam kung ano nga ba kami..
Saka ko na yun iisipin,ang mahalaga,magkabati kami ni Beggar.

Napadaan ako sa may locker area nila..may nag uusap eh,bakit ganito kalakas ang kaba ko..hindi ko alam,pero tumigil ako sa tapat nun..

"Sshh..ano ka ba?diba sinabi ko na sayo,masasaktan ka.."

"Pinipilit ko naman na wag maapektuhan,pero bakit ganun?sumasakit pa rin..akala ko nga kasi crush ko lang siya,kasi lagi niya akong inaasar,pinagkakatuwaan..pero bakit kasi!..naman eh!pinipigil ko naman..huhuhu.."

Umiiyak siya?kaboses talaga siya ni Beggar eh,pero bakit naman iiyak si Beggar nang ganun?

"Liz,ano nang gagawin ko?"

Liz?si Beggar nga yata yun?

"Sabihin ko na kaya?"

"Pano kung makagaya din siya kay Cyrus?hindi malayo,kasi magpinsan sila.."

Ano daw?pinsan ni Cyrus?ako ba yun?!ibig sabihin si Beggar nga yun?bakit daw siya umiiyak?!grabe na talaga ang kaba ng dibdib ko..parang sasabog na,hindi ko alam kung natatakot ako sa malalaman ko..o excited?

"Pero at least tinry ko.."

"Kung positive naman ang utak mo,itry mo..basta sure ka na kakayanin mo..ano man ang mangyari.."

"Paano ko naman sasabihin?"

"O,di ganito lang..hoy bully!mahal kita tapos!"

Waaahh!!ano daw??Bully??!!
As in ako?ako lang ba ang bully dito?hindi naman siguro..

"O kung gusto mo naman,lambingan mo..Blaire..I Love You..oh,ayan mas sweet yun diba?"

Ala ey?ako nga!Ako si Bully..Ako si Blaire..pero ano daw?i love you Blaire??wha-what?!!totoo ba yun??si Beggar??
Hindi na yata ako makahakbang..hindi na nakaalis yung paa ko sa pinagtataguan ko..
Malayo na yung dalawa naririnig ko pang niloloko ni Liz si Beggar..kung paano daw magtatapat ng feelings niya.

Ang dami kong alam na may gusto sa akin sa school na ito..Hindi ko akalain,pati si Beggar?Pati ang puso ko,gusto yatang sumigaw..
Pero diba sabi ko..magkapatid lang dapat ang turingan namin?hindi na dapat lumampas dun?magagalit din ba ako?kasi si Cyrus,nagalit siya nung malaman niya mahal siya ng bestfriend niya..Pero bat masaya ako..wala akong makapang galit sa dibdib ko..
Mahal ko din kaya si Beggar?Yun bang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya na akala ko bilang kapatid lang hindi pala?
Pero naeexcite akong makita kung paano siya magcoconfess ng feeling niya..

"Beggar!hahahahha!!yes!!"

Feeling ko talaga ang saya ko..akala ko pa naman sila na ni Matthew.
Yun pala,ako ang mahal niya..
Hahaha!!nakauwi ako ng may ngiti sa labi..

"Si Beggar po?nandyan na po ba?"

"Wala pa,nandito pa yung halaman nya oh,hindi pa nababasa.."

Ugali kasi nun pagdating dinidiligan yung mga bulaklak niya..
Nagbihis na ako saka ako bumaba,wala pa din si Beggar..

Pumunta muna ako sa mga bulaklak niya,sigurado naman pagdating nun,dito yun unang pupunta.

"Ano kaya,pag boyfriend na niya ko?sino kaya ang una niyang pupuntahan..kayo o ako?hahaha!!palagay ko magseselos kayo sa akin..alam nyo bang mahal ako ng prinsesa nyo?boto ba kayo sa akin?"

The Bully And The BeggarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon