Maagang umalis si Bully ngayon, dahil nga sa practice nang basketball.
Dinala ko pa din naman ang sasakyan malapit lang kasi ang school.
Pakanta kanta pa ako nang pumunta sa locker area.
Ang saya ko kasi no, kahit yata sinong babae ang makaranas nang ipinakikita ni Bully ngayon, Bakit ka naman hindi kikiligin.
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.."Beggar..
Pupungas pungas akong bumangon. Maaga pa kasi..
"Bully?bat gising ka na? "
"May practice kasi ako..Hindi tayo magkakasabay pagpasok.."
"Oh, okay.. "
"Beggar, mamimiss kita..wag kang kung saan saan pupunta ha?"
Hinalikan niya ako sa noo.
Bago siya tumayo."Kumain ka muna bago ka umalis ha,ako ang nagluto non.. Sana masarapan ka.. Bye.. I love you beggar.. Balik ka na sa pagtulog."
Nakalabas na siya, nakatingin pa din ako sa pintong nilabasan niya.
"Ipinagluto niya ako?talaga?si Bully? "
Tumayo na ako, sabay punta sa kusina..Tulog pa sigurado sina Ate Rita.
Nagulat ako sa naabutan ko..
Simpleng almusal lang siya,Pero ginawang special ni Bully..
May mga pusong design siya. Kahit nga yung sunny sideup hugis puso. Ang cute! Parang ayokong kainin.
May nakakalat na mga petals ng bulaklak sa table.
Yung coffee din may design na heart.
Grabe, ganito pala mainlove si Bully.
Tinadtad niya ako ng puso.
At gumising siya nang maaga para gawin lahat ito..
Ganun ako kaspecial sa kanya. Kaya..
Kinikilig ako!Ang babaw nang kaligayahan ko diba?diba?Kashi naman,hindi ko akalaing may ganong side siya..
Kaya?bakit hindi ako magiging masaya?Nang bubuksan ko na sana ang locker ko. paghawak ko sa pinto nito, nagkaroon nang dugo ang kamay ko.
"Ano ito?dugo?bakit nagkaroon nang dugo dito?"Mukha pa siyang fresh, kung galing kasi sa panyo na nakuha ko dito,dapat tuyo na ang dugo na yon dahil dalawang araw na ang nakalipas.
Mukhang bago lang itong dugo na ito.
Kumuha ako nang tissue at pinunasan ko ang kamay ko. Pati ang hawakan nang locker ko.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Beggar
Teen Fiction"You're only a beggar. But when it comes to Love, I was the one who's begging for your Heart..." -The Bully