She died, She Live( Book 2)
~~**
Prologue
Ako yung tipo ng taong, hindi sumusuko hanggat kaya ko pa.
Hindi ako bumibitaw, hanggat may pag-asa pa.
Akala ko, pagkatapos naming humarap sa dambana.
At pagkatapos naming magkaroon ng anak, Ok na ang lahat. Pero hindi pala..
Wala ng oras, Wala na yung dating kami.
Minsan, iniisip ko. Hanggang kailan ba ako magpapakatanga sakanya?
Akala ko sapat na yung salitang “ MAHAL NA MAHAL NAMIN ANG ISAT-ISA.”
Pero aanhin ko ang mga salita niya kung kulang naman siya sa gawa?
Hanggang kailan ba ako iiyak para sakanya?
Hindi ba pwedeng ibalik nalang namin yung dating kami, Malabo na ba?
Saan ba ako nagkulang?? Lahat naman ibinigay ko sakanya. Pero wala, hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko.
Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa buhay niya.
At lalong hindi ko na alam kung talagang may nararamdaman pa ako sakanya.
Hindi na ako sigurado. Ang hirap magpakasal sa taong walang oras sayo.Sa taong hindi palang naipapanganak ay kakambal na ng trabaho.
Isang taong punong puno na ng responsibilidad sa mundo.
Ang hirap ng makibagay sa pamilya nila. Ang hirap ng makipagkumpetensya sa mga taong nakapaligid sakanya.
At ang hirap na kung wala na akong pinanghahawakan sakanya.
Erol Shin Young?
Hanggang kailan ka mananatiling maging akin? Hanggang kailan?
Please..
please give me a million reasons ,so that I could stay on your side.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons
RomantizmAfter marrying Erol Shin Young? what happens next? ~~ SDSL BOOK 2~~