Chapter 1

28.3K 416 23
                                    

"ANG AGA naman umulan ng grasya!"

Mula sa bintana ng kanyang kwarto ay pinagmamasdan ni Patti ang isang lalaking naglalarong mag-isa ng basketball. With just his wife beater and a pair of jersey shorts, he perfectly dribbles and shoots the ball like a professional player. Iyon siguro ang rason kaya maski alas singko y medya pa lang ng umaga ay wala na ang antok sa katawan niya.

It wasn't actually a rare view dahil halos araw-araw niya itong nakikitang nag-eensayo sa outdoor basketball court ng bahay nito. Pero kahit ganoon, she couldn't get enough of seeing him.

"Kahit sa umaga, ang gwapo mo talaga, Mr. Incredible."

Dala ng magandang mood ay binuksan ni Patti ang CD player at p-in-lay ang paborito niyang kanta ni Taylor Swift. Saka bumalik sa may bintana at tinanaw muli ang crush.

"... Dreaming 'bout the day when you'll wake up find that what you're looking for has been here the whole time! If you can see that I'm the one who understands you? Been here all along so why can't you see... you belong with me... you belong with me."

Gamit ang suklay para gawing microphone, this time hindi na niya mapigilang sumabay sa kanta at mag-feeling bida sa isang Music Video.

Sumampa siya sa ibabaw ng kama at nagtatatalon habang kumakanta. "Standing by and waiting at your backdoor, all this time how could you not know baby... you belong with me. You... you belong with—"

"Patricia!"

Muntik na siyang mahulog sa kama nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa roon ang Ate Portia niya. May hawak itong sandok sa isang kamay at cellphone naman sa kabila.

"Po?" Pasimple siyang umupo at kunwa'y nagtitiklop ng kumot. Nakakahiya kasi ang inaakto niya. Kahit close sila, ayaw niyang makita siya nitong nagmumukhang nasisiraan ng bait. Mahirap nang ma-report pa iyon sa tatay niya.

Si Ate Portia ay ang nakakabatang kapatid ng ama niya. Kahit na tiyahin niya ito ay ito na mismo ang ayaw magpatawag ng Auntie o Tita dahil bente tres lang ito. Hindi nagkakalayo sa edad niyang dise-sais. Kung titingnan ay parang mag-ate nga lang sila. Ito at ang tatay niya ay maagang naulila sa magulang kaya doon na rin sa poder ng tatay niya lumaki si Ate Portia. Wala rin naman siyang nanay kaya noong umalis ang tatay niya, silang dalawa na lang ang naiwan sa bahay.

"Tumatawag ang Papa Franco mo. Kakausapin ka raw." Sabi nito sabay abot sa kanya ng cellphone na mabilis naman niyang tinanggap.

Ayon sa tatay niya ay uuwi daw ito mula Hawaii upang dumalo sa graduation niya. Sa loob kasi ng limang taon ay ngayon lamang ito makakauwi ulit ng Pilipinas.

Bukod doon ay may malaking sorpresa daw ito sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang maging excited. Dahil minsan lang itong makakauwi at graduation pa niya, siguradong maganda ang sorpresang iyon.

Nang matapos kausapin ang ama ay binalingan naman niya ang tiyahin. "Ate Portia, may ideya ka ba kung ano ang sorpresa ni Papa?"

Isang makahulugang ngiti ang ibinigay ng tiyahin.

"Alam mo niyo?"

"Oo naman. Pero hindi ko sasabihin. Kaya nga sorpresa eh."

Napasimangot siya. May dalawang buwan pa bago ang graduation. Ang haba pa ng hihintayin niya.

"Kaysa isipin kung ano ang sorpresa ni kuya sa 'yo, mabuti pa't maghanda ka na rin ng sorpresa para sa kanya. Limang taon kayong hindi nagkita dapat may ibigay ka rin sa Papa mo."

May point ang tiyahin niya.

Napaisip tuloy siya bigla. "Hmm...Pwede kaya ipakilala ko na lang sa kanya ang isang matalino at gwapong lalaking magiging boyfriend ko?"

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon