Kanina pa nakatutok sa screen ng laptop si Patti habang sinisipat ang mga naka-post na larawan ng mga bahay at condo units ng isang website. Just thinking how her morning went made her wanted to move out right away.
Nang dumating si Rebecca sa loob ng silid kung saan nagtatalo sila ni Simon ay mas nadadagdagan pa ang rason upang umalis na siya sa lugar na iyon. Klaro na sa kanya ang lahat. Sino ba naman ang babaeng pupunta ng ganoong oras doon upang ipagluto lang siya. She must be there since last night pa. At obvious ang reason kung bakit. Simon and her is at the level kung saan napakomportable na ng mga ito sa isa't isa.
So to save herself from further hurt, magalang siyang nagpaalam kay Rebecca. And pinaka-effective reason ay dahil may trabaho pa siya. She did escape. Pero pagdating sa bahay, doon na siya napaiyak ng todo.
Nahihiya siya sa sarili. Lumipat siya sa bahay na iyon dahil umasa siyang magkakaroon sila ng pagkakataon ni Simon. Naniwala siyang baka ito na ang tamang panahon sa kanila. Na baka ang tadhana ay binigyan na siya ng chance upang makamit ang matagal na niyang pangarap.
Pero lahat pala ng iyon ay kalokohan lang. Si Simon, kailanman, ay hindi magiging sa kanya. Tulad na lamang noon mayroon itong ibang gusto. Ang masakit pa rito ay iisang babae lang ang mahal nito. And that's Rebecca.
"Ma'am Patti. Inihatid ko na po ang pagkain sa bahay nina Sir James." Sabi ni Zenny na hindi na niya halos namalayan na pumasok na pala sa opisina niya.
Tumango lang siya at agad ibinalik ang mga mata sa paghahanap ng bahay. May mga nagugustuhan na siya pero tsini-check niyang mabuti ang mga address. Mahirap na dahil baka malapit pa rin ito sa subdivision na tinitirhan niya ngayon.
"Pero Ma'am Patti. Mukhang kulang daw iyon sabi ni Sir James. Mas marami kasi ang dumating kaysa sa inaasahan nila. Kaya magpapadagdag raw siya ng good for thirty persons."
She looked up to Zenny who's waiting for her answer.
"I see. Anong sabi niya sa special cake na request niya?"
"Mukhang masaya, Ma'am. Siyempre alam niyang masarap ang gawa niyo."
Mabuti na lang at nagustuhan ni James ang gawa niya. Sana ay magtagumpay ang pagpo-prospose nito sa girlfriend. "Tungkol sa dagdag na sweets, ako na ang magdadala doon."
"Naku, Ma'am. Ang sabi ni Sir James, huwag na raw kayong abalahin. Ako na daw ang magdadala doon."
"Hindi iyon abala. Actually, may gusto akong makita roon." Nais niyang malaman kung ano ang comment ng mga relatives ni James sa gawa niya. At least gumaan naman ang loob niya. Kanina pa kasi siya nabuburo sa kaiisip sa nangyari noong umagang iyon. She wanted to at least forget it at the moment.
"Sigurado kayo Ma'am? Bilin kasi talaga sa akin ni Sir James na ako talaga ang maghahatid at hindi kayo aabalahin."
Malamang alam ni James na sulky mode siya ngayon kaya ayaw nitong makaabala sa kanya. "Don't worry. Hindi ito abala. Parang isang delivery lang na palagi kong ginagawa 'to."
"Sige po. Ihahanda ko lang po ang dadalhin niyo roon."
"Siya nga pala Zenny. Pakisabi sa janitor na linisin ang dating kwarto ko sa third floor. Doon muna ako magsi-stay ulit."
PAGKADATING sa bahay nina James ay dumeretso na siya sa kitchen area at ibinigay roon ang dalang pastries. Pagkatapos ay nagpunta sa pool area kung saan nagaganap ang party. At tama nga si Zenny. Napakarami nga ng dumating. No wonder kailangan pang dagdagan ang dinala nito kanina.
BINABASA MO ANG
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)
RomanceEbook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses Teaser: "Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit." Nine years old pa lamang si...