Part 9

9.1K 259 6
                                    

LAST TWO MINUTES! LAST TWO MINUTES!

Kanina pa nanlalamig ang kamay niya sa sobrang kaba. Tulad kasi ng hula niya, ang team ni James at Simon ang maghaharap sa finals ng interhigh school basketball championships. Tabla ang laro sa 60 all.

Kahit kaibigan niya si James, si Simon pa rin ang gusto niyang manalo. Hindi kasi niya nakakalimutan ang tiyaga nito sa practice. Kung sa pagiging dedicated lang, walang tatalo rito. Isa pa, tuwing naglalaro kasi ito, may kakaibang sigla sa mga mata nito na nakikita lang niya tuwing hawak nito ang bola.

She put her mind back on the game. Palitan ng shots ang ginawa ng dalawang koponan. At nang sampung segundo na lang ang natitira ay nasa team nila Simon ang bola. Nagdi-dribble ito at pilit nilulusutan ang mga nagbabantay sa kanya. Lalong lalo na kay James na dinidikitan talaga ito.

If he makes the shot, they will be the new champions.

Five seconds left...

Nakakabingi na ang sigawan sa loob ng gym sahil sumusugod na si Simon sa ring. This is the first time she saw him so eager and determined na tila ba nag-aapoy ang mga mata nito.

He did a pull up jumper and finally he releases the ball...

She closed her eyes and prayed. Please Lord... make him win.

Tila napakabagal ng takbo ng oras. She waited and waited. Hanggang biglang nagsigawan ang mga tao. And when she opened her eyes, Simon is was raising his arms up in the air as his teammates running to him and giving him a hug.

They won.

Napakasaya niya nang makita itong nakangiti at tinatanggap ang mga papuri ng mga kasama.

Nakita niyang tumingin sa kanya si Simon. He was very happy. At habang pinagmamasdan niya ito ay sumasaya na rin siya.

As people crowd over him, nakita niyang pinilit nitong makawala sa mga ito at naglakad patungo sa side ng court... patungo sa direksiyon niya. He jumped over some benches trying to get near her. His eyes are smiling.

"Congrats!" Bati niya rito."

"Thank you at dumating ka."

"Siyempre maglalaro ka. Kelan ba ako um-absent sa games mo?"

Ngumiti ito. "Yeah, right."

"Siya nga pala. Nag-bake ako ng cookies, bigyan mo sina Marc—"

"Mamaya." Putol nito sa kanya. "Sabay nating ibibigay sa kanila. Babalik muna ako doon. I'll just gave to wrap things up. Dito ka lang. Hintayin mo ako. May pag-uusapan pa tayo."

Nang tumalikod na ito ay agad niya itong hinawakan sa kamay. "Sandali..."

"Bakit?"

"Bagay sa'yo ang maging basketball player."

Ngumiti ito at tumango. "I know."

Pagkatapos ay bumalik na ito sa mga teammates nito. Hinintay niyang mawala na ito sa paningin niya bago siya tumayo. Ibinaba niya sa upuan ang paperbag na may lamang cookies.

Sana ay magustuhan niya ang lasa ng cookies na 'to.

She then took out her cellphone and dialed a number.

"Hello, Pa? Sorry po... Opo. Lalabas na po ako."

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon