"LIBRE 'TO ha! Wala nang bawian!"
Hindi na binitawan ni Mika ang hawak-hawak na isang box ng Toffee-Chocolate Chip Cookies na gawa niya.
"Sira ka talaga kahit kailan. Siyempre regalo ko 'yan sa inaanak ko." Natatawang sagot niya sa kaibigan. Dinalaw kasi siya nito sa pastry shop niyang La Spésa, isang salitang Italyano na ang ibig sabihin ay food shopping.
"Eh sa haba ba naman ng utang mo sa inaanak mo, naninigurado lang ako." Ang tinutukoy nito ay ang 2 years old son nito na inaanak niya.
"Sira! Sige na nga. Magbabalot pa ako ng gingerbread cookies para mabawasan na ang utang ko."
"Tama ka, friend! Damihan mo ha?" Excited na sagot nito.
Napailing na lang siya habang pinagmamasdan ang kaibigan. Nagkaasawa na ito at nagkaanak ay ganoon pa rin ang ugali. Napakabiba pa rin.
"Alam mo friend, inggit ako sa'yo kasi, single ka pa at may sariling business."
"May kasosyo ako." Pagtatama niya.
"Whatever. Basta naiinggit talaga ako sa'yo, Patti. Sana hindi ako agad nagpadala kay Jed at in-enjoy muna ang pagiging dalaga. Eh di sana, nagamit ko ang pinag-aralan ko sa college." Ang tinutukoy nito ay ang maaga nitong pagkabuntis sa noon ay boyfriend pa niyang si Jed. Katatapos lang nito ng kursong mass communications nang magpakasal dahil nabuntis agad.
"Huwag ka nang umi-emote d'yan. Siyempre kung hindi nangyari iyon eh di wala akong inaanak ngayon na pinagbi-bake ng cookies at cakes."
"Tama ka. Happy ako siyempre dahil kay Quinnie. Pero friend, maiba ako, paano natanggap ng Papa mo ang pagkuha mo ng culinary arts? Diba gusto nung maging doktor ka?"
Pagkatapos kasi ng high school niya ay dinala na siya ng Papa niya sa Honalulu upang doon na magkolehiyo. Sa loob ng limang taon ay doon siya tumira. Kumuha siya ng kursong culinary arts alinsunod na rin sa pangarap niyang maging pastry chef.
"Kinausap ko siya. Naintindihan naman ni Papa na iyon talaga ang passion ko at hindi ang maging doktor. Sinuportahan niya talaga ako. Kaya nang muling mag-asawa siya ay tinanggap ko ang isang offer sa Sta. Ana, California na maging pastry chef. Hindi na kasi ako mag-aalala na wala siyang makakasama sa Hawaii."
"Eh ikaw? Kailan ka ba mag-aasawa? Ako nakaisang anak na. Dapat ikaw na din."
"Duh! Ilang ulit mo na ba akong tinanong tungkol diyan? Twenty five lang ako. Ang mga careerwomen, almost 30's at early 30's na kung mag-asawa. Kaya I'm sticking with the trend."
Umismid si Mika nang marinig ang sagot niya. "Trend ka diyan. 'Wag na akong bolahin friend."
"Anong bola? I'm serious."
Umiling ito na tila hindi talaga kontento sa sagot niya. Hinarap siya nito at hinawakan sa pisngi.
"Patti, listen."
"What?!"
"Anong reason mo at umuwi ka pa at dito magnegosyo? Pwede naman sa California ka na rin magbukas ng pastry shop. Bakit dito pa sa Pinas?"
Hindi niya alam kung bakit ito biglang nagtatatanong ng kung anu-ano. Pero siyempre nga, si Mika ang kausap niya ngayon. Any topic is possible.
"Dahil nga kay James na nag-orient sa akin kung gaano kaganda ang mag-invest dito sa atin. Sigurado daw na bebenta dahil minsan lang ang may ganitong stores."
James is her business partner. She ran into him last year in California while he was attending a convention. Nag-stay ito sa hotel na pinagtatrabahuan niya. Nalaman niyang businessman na ito at inaya siyang maging kasosyo nito sa isang pastry shop. Masarap daw kasi ang gawa niya na siguradong bebenta sa market dito sa Pinas. Noong una ay nagdalawang isip siya kung tatanggapin ang business proposal. Pero pinakiramdaman niya ang sarili. Tila ba may kulang at alam niyang hindi iyon mapupunan ng trabaho niya noon sa hotel. Isa pa ay pangarap din niyang magkaroon ng pastry shop na sa kanya ang lahat ng recipes. Kaya tinaggap niya ang business proposal na iyon ni James. At hindi nga siya nagkamali. Naging patok agad ang La Spésa. Naging usap-usapan agad ito sa social media dahil sa masarap na recipes niya. But she can't take all the credits. Magaling din talaga sa negosyo si James kaya na-handle nito nang mabuti ang finances nila. Kaya kahit mag-iisang taon pa lang ay nagkaroon na sila ng reputasyon bilang isang masarap at affordable na pastry shop.
"Are you sure 'yun lang ang reason mo?"
"Of course!"
"You're not into James, right?"
"What?! You're talking crap now, Mika." Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa utak niya ang magustuhan si James. He's been her friend even before. At sigurado siyang hanggang doon lang iyon.
"Then tama nga ako."
"What do you mean?"
"Alam ko na kung anong rason kung bakit ka pa umuwi?" Her friend smiled cheekily at her.
She just sighed hearing here ever crazy friend. "Ano ba sa tingin mo?"
"Simple lang. Home is where your heart is."
BINABASA MO ANG
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)
RomanceEbook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses Teaser: "Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit." Nine years old pa lamang si...