"COME ON. Mika. Yeah, inaamin ko. I still think about him sometimes... Uh, excuse me po" She tried to pass the thick mass of people beside her.
"See? You're still not over him yet. Kailangan nating patunayan kung ano ba talaga ang nandiyan sa puso mo. Let's test it... Kuya, padaan po. Excuse po."
"Pero, Mika. Hindi na kailangan. It's been like nine years? Manong, Excuse po... Hindi na ako tulad noon..."
"Sabihin mo 'yan pagkatapos mong makita siya uli."
"Pero Mika..."
"We're here! Umupo ka na, Patti."
Finally ay nakalusot rin sila sa kapal ng tao na dinaanan nila. Hindi niya inaasahan na ganoon pala karami ang manonood. Sa dami ng tao, tila wala nang upuang bakante.
"Perfect ang upuan natin. Sulit ang bayad." Ani Mika.
Sumasang-ayon siya na maganda talaga ang nakuha nilang spot. Ilang dipa lang kasi ang layo nito sa basketball court kaya klarong klaro ang magiging aksyon mamaya.
"Ganito ba palagi dito? Grabe ang daming tao." Ito ang unang-unang pagkakataon na makapasok sa Araneta para sa live basketball game.
"Ganito kapag finals. At dahil maraming fans ang F&A Builders lalong lalo na ang Simon mo."
Alam naman niya iyon. F&A Builders ang basketball team ni Simon ever since na draft ito sa PBA five years ago. Shooting guard ang position nito at naging rookie of the year sa una niyang sabak sa PBA.
She's reading newspapers and watch TV naman kahit papano kaya alam niya ang basic facts sa career ni Simon. Ang totoo ay wala lang talaga siyang rason upang makita ito ng personal. It's been nine years. He has a new life now - a celebrity life. And he's doing really well. Magkaiba na ang mundo nila.
Biglang dumilim ang paligid at dumagundong ang upbeat na music.
"Ayan na! Magsisimula na." Niyugyog pa siya ni Mika sa braso na tila ba ito pa ang super excited sa game.
"Para kang super in love sa basketball ni halos hindi ka nga nanonood before." Biro niya sa kaibigan.
"Asus! Para sa'yo 'to friend. Kaya relax ka lang, alam ko namang nagpipigil ka ngayon kaya I'll do the screaming like you used to do."
"Umayos ka nga, Mika. Nakakahiya. Ang daming tao o?"
"Who cares? Ang iba nga diyan may banner. Teka diba nagdadala ka rin ng banners para say Simon noon?"
Napailing na lang siya sa kakulitan ng kaibigan at itinuon ang mga mata sa court. Isa –isa nang tinawag ang mga players sa kabilang team. Nang tawagin na ang players ng F&A Builders ay pansin na pansin niya ang mas malakas na tilian ng mga fans sa loob ng coliseum. Totoo ngang maraming fans ang team at masaya siya para sa mga ito. Masaya din siya para kay Simon dahil tinupad nito ang pangarap nitong maging isang professional basketball player.
"First overall pick four years ago, standing 6'1, number 8, Mr. Incredible, Simon Albert Sillen."
Tila may tambol sa loob ng puso niya sa lakas ng kabog noon. Mas malakas pa ito kaysa sa sigawan ng mga fans sa bleachers.
Simon came out running to the court with a white jersey.
He did change a lot. Mas matangkad na ito at mas lumapad ang dibdib. He, literally, is a man now. And yeah, gwapo pa rin ito.
Kumusta ka na, Mr. Incredible? Wait! Tama ba ang narinig niya? Tinawag ito ng announcer ng Mr. Incredible? "Paanong—"
"AHHH!!! Sillen, we love you!!!"
BINABASA MO ANG
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)
RomanceEbook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses Teaser: "Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit." Nine years old pa lamang si...