"PATTI Payatot! Patti Payatot!"
Lima? Anim? Walo? Hindi na mabilang ni Patti kung ilan ang mga batang nakapalibot sa kanya. Lahat ng mga ito ay kinukutya siya.
"Ang sabi ng Mama ko, siraulo daw ang Nanay mo. Kaya ka iniwan." Sabi ng isang batang babae.
"Iniwan na nga ng Mama. Iiwan pa ng Papa niya. Ayaw sa iyo ng mga magulang mo ano?" Sabi naman ng matabang batang lalaki.
"Oy, 'wag niyong awayin si Patti. Baka magalit ang Nanay niya. Kakainin kayo mamayang gabi." Kantiyaw ng isa pang batang lalaki.
Nagsitawanan ang mga bata.
"H'wag niyo akong awayin. Bati na tayo." Pagmamakaawa niya.
"Sabi ni Lola, hindi ka raw namin dapat maging friend. Scary ka daw."
"Kaya ito ang dapat sa iyo."
Hindi na niya alam kung sino ang nagsalita at ang nagbato sa kaniya. Ang alam lang niya ay masakit ang noo niya na tila ba may pawis na umaagos mula doon.
"HOY! Ang sasama niyo! Bakit niyo binato si Patti?"
Isang batang lalaki ang lumapit sa kanya. Napakatapang ng boses nito. Tila ba susugod sa giyera. Hinarap nito ang mga bata na umaaway sa kanya.
"Hoy Simon! 'Wag ka nga makialam. Kung hindi ay hindi ka na namin isasali sa basketball mamaya." Sigaw ng matabang batang lalaki.
"Bahala kayo. Basta huwag na niyong awayin si Patti." Pagkasabi ay hinarap siya nito at kinuha ang panyo sa bulsa nito. Inilagay nito ang panyo sa noo niya.
"Okay ka lang?" Umangat ang mukha niya at isang nakangiting Simon ang bumati sa kanya. Isang tango ang sagot niya rito.
"Uwi na lang tayo. Ihahatid kita." Malambing nitong sabi.
Nang akmang aalis na sila ay may isang bata na naghagis ng bato kay Simon. Mabilis naman siyang niyakap ni Simon upang hindi siya matamaan.
Hanggang sa hindi na rin niya mabilang ang nagliliparang mga bato. Ngunit hindi natinag si Simon. Niyakap lang siya nito.
"Huwag kang gagalaw. Titigil din 'yan sila."
Hindi niya alam ang totoong rason kung bakit siya tinulungan ni Simon noon. Basta ang alam niya, isang bayani na ang tingin niya rito. Sa edad na nuwebe alam na niya ang ibig sabihin ng salitang 'Kahanga-hanga'. At hanggang ngayon ay tila mas bumigat pa ang ibig sabihin noon para sa kanya.
PATTI STRETCHED her arms as she woke up from a good dream. Ito ang panaginip na laging nagpapaalala sa kanya kung bakit abot langit ang paghanga niya kay Simon. It may be a dream now but it really happened seven years ago.
She was just five then when rumors about her mother committing suicide spread. Ayon sa papa niya ay depressed ang mama niya noon dahil sa miscarriage. Nagmaneho ito kahit lasing kaya naaksidente. Pero iba talaga kung makapagkwento ang mga kapitbahay. Ayon sa mga ito ay nasiraan daw ng bait ang nanay niya kaya nagpakamatay. Nasasaktan sila sa maling estorya ng mga ito kaya napilitan silang lumipat sa kabilang subdivision.Pero tila sinusundan sila ng masamang issue na iyon dahil naririnig pa rin niya mula sa mga kalaro ang maling kwento. No wonder she grew up with kids teasing and bullying her. Pero nalampasan niya ang pang-aalaska ng mga kalaro sa kanya dahil sa tulong ni Simon. He's been her superhero.
Muli siyang nag-unat ng kamay upang maalis na ang na natitirang antok sa katawan. Since it's her body clock that woke her up, for sure it's already around 5:30 in the morning. Kaya kahit pikit ang mata ay tumayo siya mula sa kama at tinunton ang bintana ng kwarto niya. Nag-eensayo na si Simon kaya maninilip muna siya.
BINABASA MO ANG
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)
RomanceEbook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses Teaser: "Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit." Nine years old pa lamang si...