Part 18

9.3K 237 7
                                    

"ARE YOU sure he's coming?" Tanong sa kanya ni Tita Beth. Sumasakit na ang ulo niya sa kahihintay na dumating si James. Finally, the dreaded dinner is happening. Kaya lang mukhang mamalasin na naman siya.

They are supposed to come to the restaurant together. But he's really late. Gumawa na lang siya ng kwento na hahabol na lang ito para hindi siya magmukhang kahiya-hiya kina Tita Beth at Simon.

"Um-order na lang kaya tayo? Mukhang gutom na si Mama." Suhestiyon ni Simon.

"Ha? Ah, okay." Wala na rin naman siyang magagawa. They've been waiting for thirty minutes at hindi pa rin sinasagot ni James ang mga tawag nito.

Humanda ka sa akin, James!

Sumama tuloy lalo ang pakiramdam niya. Umaga pa siya inaatake ng sakit ng ulo pero hindi niya pinansin ito dahil alam niyang magiging busy ang araw niyang iyon. Ngayon ay tila lalagnatin na siya. Ganoon kasi siya kapag nasi-stress. Kung anu-ano ang nararamdaman sa katawan.

Tinawag ni Simon ang waiter at saka nag-order. "No meat for me, anak. Medyo masakit ang mga paa ko. Inaatake na naman kasi ako ng arthritis." Agap na sabi ni Tita Beth kay Simon.

"Sure, Ma." Sagot ni Simon.

"Ganito na talaga ang tumatanda, Patti. Marami nang nararamdaman sa katawan. Kaya nga gusto ko nang magkaapo para naman mabawasan itong mga sakit sakit na ito. Nakakawala kasi ng stress ang mga bata."

She agrees on what Tita Beth said. "Di bale. Malapit na siguro kayong magkaapo kay Simon. Hintay-hintay lang po ng kaunti."

"Don't worry, Ma. Malapit na." Simon confirmed with a grin.

Ouch... Masokista ka na Patti!

Nang maka-order si Simon ay um-order na rin siya ng para sa sarili. Mukhang hindi na rin kasi dadating ang pretend boyfriend niya.

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Natuwa siya nang makitang isa itong text message mula kay James.

I'm sorry, Patti. I had an emergency. Hindi ako makakarating.

"I have an emergency too, you know!" Bulong niya sa sobrang inis. Hindi siya makapaniwalang pinaasa lang siya ng kaibigan. Kung alam lang niya, hindi na sana siya nagpunta sa dinner na ito.

Nag-excuse siya sandali upang tawagan ang paasa na kaibigan. "Emergency talaga ha?"

"Sorry Patti. Tumawag kasi ang tatay ko kasi may importanteng pag-uusapan raw."

Biglang nawala ang inis niya rito nang marinig ang rason nito. "Ganun ba? Naku, akala ko pa naman inindyan mo ako."

"I'm really sorry, Patti. Okay ka lang diyan?"

"I'm fine. Don't worry, kakayanin ko 'to."

Matapos kausapin si James ay bumalik na siya sa mesa.

"May problema ba, Patti?" Tanong ni Tita Beth sa kanya. Malamang ay napansin nitong sumama ang expression ng mukha niya.

"Ah... wala naman po. Nag-text si James. May emergency daw po kaya hindi siya makakarating." Paliwanag niya rito.

"Ganun ba? Oh well. That happens." Komento ng Tita Beth.

Hindi naman nagsasalita si Simon. He just nodded when she broke the news. Sana ay ganun lang ito sa buong dinner. Walang sasabihing comment at hindi mag-uusisa. Pag nangyari iyon, she can live peacefully.

Nang matapos ang dinner ay inaya ni Simon ang Mama nito upang sumayaw. The restaurant is filled with sweet music na nakakaengganyo sa diners upang sumayaw.

"Naku anak, si Patti na lang ang isayaw mo. Masakit ang mga paa ko." Tutol ni Tita Beth.

"Po?" Bulalas niya. May arthritis po ang puso ko. Bawal po sa akin si Simon ngayon!

Simon moved towards her and extended his open palms. "May I have this dance?"

Hindi pa man siya nakakasagot, biglang pumailanlang ang bagong kanta sa ere. It sounded so familiar. Na tila ba isang kanta mula sa nakaraan.

Moon River, wider than a mile. I'm crossing you in style, someday...

Her mind wandered back to the prom they had at San Pedro High School nine years ago. Isang gabing hinding hindi niya malilimutan.

Puchang coincidence naman ito oh? Hindi ako tinatantanan.

She gazed up to him and saw him smiling at her. Nakalahad pa rin ang mga kamay nito at hinihintay na lamang siya.

Biglang kumawala ang puso niya. The very moment is like how she dreamt it to be nine years ago. Noong pangarap pa niyang maging ka-partner ito sa prom. And now that it's happening, she couldn't help feel the irony of it.

"Patti?" Tawag sa kanya ni Simon.

Ngayon lang naman...

She reached for his hand and soon she felt him taking her to the dance floor. Wala na siyang pakialam. What's important is here and now. She will make her dream come true.

"Your hands are warm." Puna ni Simon.

Kanina pa din niya nararamdaman na mainit ang katawan niya. But having Simon hold her like that, she clearly understands why her body is heating up.

"I've always been warm. Hindi mo lang napansin."

"I didn't say hindi ko alam. I just said it's warm."

Nagulat siya sa narinig. Does this mean he still remembers her in a way?

Nagtatanong pa rin ang isip niya nang biglang inilagay ni Simon ang mga kamay niya sa balikat nito pagkatapos ay bumaba naman ang parehong kamay nito sa baywang niya.

Para siyang nakukuryente. Her nerves are reacting so much on his touch.

She managed to hide her frenzy and followed Simon's lead. Pakiramdam niya ay high school ulit siya at ka-partner niya si Mr. Incredible.

Ganito pala ang feeling. All she knew is she's happy. Tomorrow will surely be the same as yesterday. Hindi mapapasakanya si Simon. So she's trying to seize the moment now. It might as well serve as a good memory about him. At least, may ibabaon siyang magandang alala kapag tuluyan na siyang aalis sa buhay nito.

"Nangangawit ka na ba?" Tanong ni Simon.

Kung hindi nito sinabi iyon ay hindi niya mapapansin na kaunting sakit sa balikat niya. Napakatangkad kasi nito. Her arms are like reaching for the ceiling.

"Medyo." She honestly replied.

Hinawakan ni Simon ang mga kamay niya at nilagay ito sa baywang nito. He returned his hands back to her waist with a slight pull. This time he is much closer to her. His scent is screeping into her senses more. The song continues to put her into a trance.

Maybe for the last time... kahit sandali lang... let me betray myself.

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon