Final

13.5K 575 163
                                    


NAKAKABINGI ang sigawan ng mga tao habang ginagawad kay Simon ang Finals MVP award. Because of his incredible performance, ito ang hinirang na ang pinakamagaling na player sa naganap na championship.

"Maraming salamat po sa lahat ng mga sumusuporta sa akin. Sa mother ko, sa family ko, sa coaching staff, sa mga teammates ko, at sa mga fans, maraming maraming salamat po sa inyo."

She can't help but smile as she witnessed another success of her Mr. Incredible. Until the last minute ay pinilit niyang pinigilan ang sarili at inisip ang ilang milyong rason upang hindi siya pumunta sa game nito. But still her heart betrayed her. Kaya heto siya ngayon at isa sa mga libu-libong nanood ng finals game na iyon.

"By the way, our very own Simon Sillen will be joining the NBA drafting this month. And according to our reliable sources, our man right here has a great chance in making it. What can you say Mr. Incredible?" Sabi ng host.

"Honestly, there is a reason behind the drafting."

"Reason? What reason, Simon?"

"Pumayag ako sa drafting dahil may gusto akong makita sa Amerika."

She froze on her seat as she listen carefuly to what Simon would be saying. Her heart is praying for the impossible.

"I want to find someone I lost long ago. I want to find the girl who is the very first one who called me Mr. Incredible."

"Teka, Simon. Am I sensing something—"

"Yes. I want to confess something to the public. Ang una ko pong rason kung bakit ako pumayag sa drafting ay hindi dahil para sa sarili ko o sa karangalan ng bayan. Ang una ko pong rason ay ang puntahan ang babaeng matagal ko nang pinapangarap. Siya ang babaeng tinanggap ako sa kabila ng aking kapintasan. Siya ang tanging babaeng hindi sumuko sa akin. Siya ang babaeng pinapasaya ang bawat araw ng buhay ko. Siya ang taong naniwalang kaya kong maging basketball player."

"At noong nasa PBA na ako at tinanong nila ako kung anong gusto kong moniker sa akin, I gladly said 'Mr. Incredible'. Dahil iyon ang tawag niya sa akin."

She looked at the screen as Simon's face is being focused. It was as if he's staring right through her. May bahagi ng puso niya ang tila gustong kumawala pero pinigilan niya ang sarili. She has waited nine long years. She can wait for few seconds more.

"Pero tulad ng ibang walang kwentang mga lalaki, sinaktan ko lang ang babaeng iyon dahil pinili kong unahin ang galit sa puso ko. Kaya siguro dumating na sa puntong nawala na siya sa akin. Doon ko lang nalaman kung gaano ko siya nasaktan. Noon ko rin nalaman kung gaano ko siya kamahal."

Naghiyawan ang mga tao sa loob ng venue. They were cheering on him. Pero wala siyang pakialam sa mga ito. Ang tanging nasa isip ay ang mukha ni Simon at ang mga salitang lumalabas sa labi nito.

"Last year, I pulled some strings to make her come back to me. But it didn't work out right away. Hanggang kamakailan lang ay nakita ko siya dito sa loob ng coliseum and she's watching my game. A second chance right in front of me. A gift from destiny. Kaya lang gago talaga ako at pinaiyak ko na naman siya. Kaya heto ako ngayon. Nagmamakaawa sa kanyang patawarin ako. Na sana mahalin niya ulit ako tulad ng dati."

Simon... Siraulo ka talaga kahit kailan.

"Ayokong i-pressure ka kung nandito ka sa loob ng coliseum. Pero kung nakikinig ka sa lahat ng sinabi ko at may maliit na puwang sa puso mo ang naniniwala sa akin, will you indulge my madness? I have my phone with me now. Can you please... show me a sign... My sweetest Patti."

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon