"GOAL MET ka rin sa wakas." Ani Mika na ngumunguya ng toron. Nasa canteen sila at katatapos lang mananghalian. Sakto kasing kumakain din si Rebecca doon tulad nila kaya madali niyang nabigay ang kahon na mula kay James.
"Oo nga eh. Isa na lang talaga ang hindi ko pa nabibigay." Itinaas niya ang isang paper bag na may lamang box ng peanut butter cookies. Kinakabahan kasi siya sa kung anong sasabihin ni Simon kapag nagtanong na siya.
"Asus! Nang mag-usap tayo sa phone, ang lakas ng loob mo. Ngayon dinadaga ka na? Ikaw din. Pwede ka pa namang makakita ng partner maliban kay Simon."
"HINDI! Siyempre gagawin ko 'to. Nakapagsimula na ako. Tatapusin ko 'to."
"Announcement. All members of the basketball varsity team. Please proceed to the school gym after classes." Bigla siyang nanigas nang marinig ang boses ni Simon sa ere.
"Ganun naman pala eh? Gora! Nagpaparamdam na ang prince charming mo oh?"
"Mamayang hapon na lang pagkatapos ng practice nila." Tamang-tama iyon para sa kanya dahil konti lang ang makakakita na siya mismo ang nag-aya kay Simon na maging partner sa prom. Babae pa rin siya, alam niya ang iisipin ng mga tao kapag nalaman ng mga ito na siya pala ang atat na atat maka-partner si Simon.
"Alam mo, Patti. Every second counts. Paano na lang kung sa mga oras na ito, may ibang babaeng lumapit kay Simon na pareho ng interes mo? Eh di talo ka na? Dapat hindi ka pahuhuli!"
"Akala ko ba, against ka kay Simon? Pero in fairness, tama ka! No time to waste. Kaya pupuntahan ko na siya."
"Go friend. Happiness mo lang naman ang after ko. Kahit ayaw ko sa lalaking iyon."
"Thanks friend! Wish me luck!"
Kumaway pa siya sa kaibigan bago tumakbo patungo sa may control booth. Habang tumatakbo ay nagdarasal siya na sana ay pumayag si Simon na maka-partner siya sa prom.
Pagdating sa may control booth ay nakita niya agad itong serysong nagbabasa ng papel. Mabuti na lang at mag-isa lang ito at walang ibang makakakita sa nakakahiyang gagawin niya.
Naalala niya ang tanong ni Mika sa kanya kanina. Kung alam na ba raw niya kung ano ang sasabihin kay Simon upang pumayag ito. Alam niyang isang giyera ang pupuntahan niya kaya hindi pwedeng hindi siya maghanda. She has practiced her piece a hundred times. Pati period ay memoryado na niya. Kaya ang dapat gawin na lang ni Simon ay makinig nang mabuti.
Nakita niyang ibinaba na ni Simon ang binabasang papel kaya lumapit na siya.
"Simon!"
"P-Patti? Anong—"
"Shh... May sasabihin ako. Makinig ka nang mabuti. Mamaya ka na magsalita." Mabilis niyang itong nilapitan at umupo sa bakanteng swivel chair sa harap nito. She looked at the box of cookies in her hands.
This is it. There's no turning back now.
"Simon. Alam ko, naiinis ka sa akin dahil napaka-open ko na sabihing crush kita. Pero talagang crush kita. Mula kasi noong sinagip mo ako, ikaw na ang superhero ko. Lagi mo akong pinapatawa noon tuwing malungkot ako. Kahit nasaktan ako noong bigla kang nagbago, ikaw pa rin ang Simon na alam kong mabait. Ikaw pa rin ang una kong kaibigan. Hindi kita pinipilit na magustuhan mo rin ako kahit palagi kong dinadasal iyon kay Lord. Ang gusto ko lang sana ay maging magkaibigan muli tayo. At hinihiling ko din na sana'y maging memorable ang mga huling araw natin sa high school. Kaya kahit nakakahiya, sana ako ang maging partner mo sa Prom. Pwede naman siguro iyon di ba? Di ba—"
"Shut up Patti!"
His eyes are screaming at her as he quickly stood up and pulled her outside the control booth. Isa lang ang agad rumehistro sa isip niya. Galit na galit si Simon.
"What the hell was that?!"
"S-Sorry. Sorry kung hindi mo nagustuhan." Ngayon alam na niya ang pakiramdam ng binuhusan ng malamig na tubig. Talagang magigising siya. Hindi niya naisip na ganoon ang magiging reaksyon nito. Tuwing naiinis kasi ito sa kanya ay dine-dead ma lang siya. Hindi niya naisip na magagalit ito ng ganoon.
"Sorry? Come on Patti! Hindi ka na bata. Alam mo ba kung anong ginawa mo? Nilagay mo ang sarili mo sa kahihiyan! Alam mo kung sino ang nakarinig sa mga sinabi mo? Hindi lang ako kundi ang buong campus!"
"H-Ha?"
"The whole freaking campus heard you! Alam ko namang may gusto ka sa akin, Patti. Alam din 'yon ng buong campus. Hindi mo na kailangang ipagsigawan 'yon."
"Hindi ko alam... Akala ko tapos ka nang magbigay ng announcement kaya..."
"Kaya okay lang na sabihin mo lahat ng iyon? Ang ibaba ang sarili mo para lang doon?"
Her knees weakened as she realized how low she is in Simon's eyes now. "S-sorry. Hindi naman iyon ang gusto kong mangyari."
"Dahil mahilig kang gawin ang mga bagay nang hindi nag-iisip. Fine! You want to hear my answer?"
Ang pag-aalalang bumalot sa kanya ay tila dumoble nang marinig ang huling sinabi ni Simon. Sasabihin na nito ang matagal na niyang gustong malaman.
"Listen, Patti. Hindi ko gusto na ang babae ang humahabol sa akin. Turn off 'yon. Kaya ako nagbago dahil alam kong nagkakagusto ka na sa akin at ayaw kong umasa ka. At hindi ibig sabihin na paborito ka ng Mama ko ay magkakagusto na rin ako sa 'yo. I'm tired of you chasing me around. Sana ay tigilan mo na ako."
Pakiramdam niya ay parang piniga ang puso niya. At habang nagsasalita ito ay hindi niya ito kayang tingnan sa mata. Unang pangungusap pa lang kasi ay alam niyang masakit ang mga sasabihin nito. Sana nakinig nalang siya sa tiyahin niya. Sana nakinig na lang siya nang una siyang pigilan ni Mika.
Walang namutawi sa labi niya matapos magsalita si Simon. Gustuhin man niyang tumakbo at lumabas ng gusaling iyon upang makatakas, alam niyang maraming estudyante na ang nag-aabang sa kanya sa labas. Pagtatawanan siya. Kukutyain siya. Kung pwede nga kainin na lang siya ng lupa ngayon pa lang.
Naputol ang mga iniisip niya nang mag-ring ang cellphone ni Simon. Hindi pa rin pala ito umaalis.
Habng pinagmamasdan niya ito may nabuong desisyon sa isip niya.
"Yes? Okay. Pupunta ako." Ibinaba nito ang cellphone at hinarap siya. "Patti—"
"'Wag kang mag-alala. Mula ngayon hindi na ako lalapit sa'yo. Pero hindi ko mapapangakong hindi pupunta sa bahay niyo dahil malapit pa rin sa akin si Tita Beth. Isa lang ang maipapangako ko, susubukan ko nang hindi ka maging crush."
Hindi na siya lumingon pa rito at agad tumakbo palabas. Tama na ang mga narinig niya mula rito. She has woken up from her pointless dream. For now all she could do is leave him with her cookies and carry her broken heart home.
"ANO BANG araw ngayon? Ba't ang malas ko?"
Napangiti na lang ng mapakla si Patti habang pinupunit ang sulat na kababasa lang niya. Ang sulat na iyon ay naglalaman ng isa pang rejection ng araw na iyon. She just learned that she failed at the entrance exam ng med school na gusto niyang pasukan.
Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mata. She hates the feeling of being down. Nakakasakal at nakakapanghina. But she knew she has to move on. Kaya nang makapag-isip na ng mabuti, kinuha niya ang cellphone at nag-dial ng number.
"Hello James? Ako 'to. Tungkol nga pala sa deal natin?"
BINABASA MO ANG
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)
Roman d'amourEbook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses Teaser: "Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit." Nine years old pa lamang si...