Pwede ninyo akong kurutin sa singit dahil sa late post ko. HEHEHE! Sorry talaga guys. Sobrang busy lang ng lola niyo. Eto na ang special chapter. Hope you like it. Hemweh3x.
Hindi magkamayaw si Patti sa pag-a-arrange ng mga b-in-ake na desserts sa mga lalagyan. She wanted it to be special kaya naman siya mismo ang personal na naghanda ng mga iyon. It's her simple way to show Simon her love on his special day.
Simon just turned 26. And as the kind girlfriend that she is, talagang siya ang nag-facilitate sa mga ihahandang pagkain. Pinili niya ang pinaka-the best na caterer habang toka naman niya ang desserts.
Nagpatuloy siya sa paghahanda ng nilapitan siya ni Mika sa may kusina.
"Hoy, Patti. Ibigay mo na sa 'yan sa iba. Dapat doon ka sa kung nasaan ang mga bisita," payo sa kanya ng kaibigan. May hawak-hawak pa itong kopita ng alak.
"Naku, hindi pa ako tapos rito. Gusto kong masigurado na walang magiging problema." Nasa labas ang mga kaibigan at kasama ni Simon sa PBA. Ayokong mapahiya." Ang birthday party na iyon ay actually isa nang post celebration. Ang birthday ni Simon ay noong nakaraang araw talaga at kasama nila ang pamilya nito sa isang dinner. Bukod pa iyon sa dinner nila ni Tita Beth. But still, gusto niyang maging maganda ang party ni Simon. Lalo na't lagi nitong pinagmamalaki sa mga kasama ang La Spesa.
"Sus! Di naman mababago ang lasa ng pagkain kung iba ang nag-arrange. Ikaw pa rin naman ang nagbake niyan." Hinila siya ni Mika palabas ng kitchen. "Halika na kasi."
Muli siyang napasulyap sa ina-arrange na pagkain at saka sumenyas kay Elsa na naroon. "Kayo na lang ang mag-serve?"
Hiniling talaga niya kay Simon na magpunta muna si Elsa upang makatulong sa kanila sa party. Isang araw lang naman at pagkatapos ay babalik na ito sa mga Ocampo.
"Naku, itong si Ma'am Patti talaga. Kami na hong bahala sa mga ito. Dapat po ay nandoon kayo sa labas kasama ng mga bisita," pagsasang-ayon ni Elsa .
"Salamat, Elsa." Pagkasabi ay binalingan niya si Mika. "Isa na lang talaga. Kukunin ko lang sa bahay ang peanut butter cookies. Luto na iyon ngayon."
Nakita niya ang paghaba ng nguso ni Mika. "Sige na nga. Last na 'yan ha?"
"Eh bakit ba hindi ka muna doon sa labas? May mga kaklase naman tayo sa high school na dumating. Nandoon nga si Marc eh."
Mika rolled her eyes. "Naku, ayokong kausap 'yon. Ang daming tanong. Tinatanong ako kung bakit kami naghiwalay ni Jed. Ang chismoso."
"Eh di sabihin mo ang totoo. Na hindi na kayo nagkakasundo ni Jed."
Umiling si Mika. "Ayoko nga. Basta... naaalibadbaran ako sa kanya."
"Mabait naman iyong tao. At saka para namang wala kayong pinagsamahan dati."
"Excuse me, friend. Past is past. Ayoko nang maalala."
Tumawa na lang sa reaksyon ng kaibigan. "Bahala ka na nga. Basta doon ka na muna sa labas. Babalik din ako."
"Bilisan mo ha? Baka hanapin ka ni Simon."
"Paparating pa lang 'yon. Nakabalik na ako bago siya dumating."
Nagpaalam si Simon kanina na may pupuntahan ito. Babalik din daw ito agad.
"Basta bilisan mo."
BINABASA MO ANG
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)
RomanceEbook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses Teaser: "Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit." Nine years old pa lamang si...