MHH-CHAPTER 36 (confession 2.0)

1.6K 46 0
                                    

"Sh*t John slow doooooown!!" sigaw ko sa nangagalaiting si John.

Wala ba talagang makakapigil sa kanya?!. Tsaka san ba niya ako dadalhin?!. Ugh. Yung kotse ko naiwan ko sa bahay nila! Tsk. Dapat talaga hindi na lang ako nag alala sa kanya! Peste! WHY DO I EVEN CARE ABOUT HIM?!. >.<

Parang wala siyang narinig at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan!

Bumubusina na ang ibang sasakyan! Shit lang talaga pag ako namatay dadalawin ko siya at papatayin den!

Huhuhu.
"Do you want me to faint again?!!!!!" sigaw ko!

Mukhang nagbago ang expression ng mukha. Mejo nabawasan ang galit sa mukha niya.

*Screeeeeeeeeeeeeeeeeeeetch*

OH.MY GOODNESS! No .no..let me rephrase that.

OH.MY.BADNESS!.

Muntik ng tumalon ang puso ko!

Bigla siyang nagdrift ng walang pasabi at itinigil ang sasakyan.

*Beep* *beeeeeeeep*

Lumingon ako sa likod nakita ko ang nakapilang mga sasakyan na tila sasabog na sa galit ang mga driver.

"Nababaliw ka na ba?! Gusto mo bang mamatay tayo ha?!" sigaw ko kay John na mahigpit ang hawak sa manebela at nakatungo. Ramdam ko ang galit niyang aura.

Nakaramdam ako ng chills nung bigla   siyang lumingon sa akin..

Oh no....no.no.no.no.no!

I got this vague feeling again.
Pinipilit kong ibaling sa iba ang atensyon ko pero hindi ko maalis ang titig ko sa kanya.

He faced the road again and start driving but this time mas mabagal na at naging normal na ang takbo ng sasakyan.

*Dug* *dug* *dug* *dug*

What the heck is happening to my damn heart?! Alam kong 'di to heart attack.

Pero.ugh! Di ko maiwasang hindi mapatitig sa seryosong itsura ni John. Kapag ganyan siya, pakiramdam ko ang bait ko. Nawawala ang galit ko. Ewan. Maybe because I am scared. I mean sobrang kakaiba talaga kasi hindi naman ako kahit kailan natakot ng ganito pero yung pagkatakot kong nararamdaman ngayon. Iba eh. Sobrang kakaiba.

Wala sana ako dito kasama niya! Hindi sana nangyari yung pagkaladkad niya saakin at hindi ko sana makikita ang pesteng aso na yon kung hindi lang talaga.....dahil sa sinabi ni joy. Or maybe it's more than that..

-flashback-

"Sis ano ka ba naman! Kung ako talaga sayo hindi ko na papakawalan pa si John! I can see his sincerity! Mahal na mahal ka nung tao! "  joy

Mahal?...

"Di mo alam mga pinagsasasabi mo joy! Besides, umalis nga siya ng walang paalam diba?!" ako

"Asus! Nagtatampo ka pa din dahil 'di siya nag paalam eh ikaw naman nagpaalis sa kanya. Labo mo din eh! Ikaw den bahala ka... You know what, kung totoong ikakasal na nga yang si John. May magagawa ka pa ba pag nasa simbahan na sila?!. Well maybe yes pero masisira ang reputasyon mo pag nangyari yon! You still have the chance! And Sissy, sabi mo you dreamt that you lose him. Kung talagang ayaw mo yung mangyari it means. Mahal mo na nga siya." joy. Ugh! Pinapagulo lang niya lalo utak ko!

Napatungo ako at nag isip isip.
Pano niya nasabing mahal ako ni john?. Hmn. That boy. He has something that captured my mind. Bat ganon? Bat parang sobrang nalulungkot ako kasi di na niya ako masyado kinukulit?. Nakakapanibago na wala siya sa tabihan ko para bwisitin ako at para.......iligtas ako.

My Heartthrob HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon