MHH-CHAPTER 42

1.4K 43 0
                                    

Mansion.
A gorgeous, magical place. It is way more elegant than any of my houses. The person who lives in here definitely have a very good taste when in comes to interior and exterior designing.

This place is almost perfect.....the fountain seemed to encourage every pair of eyes to look at it.
It's almost perfect and magical, only if it doesn't have this dark aura and armed men with masks all over it. Once I saw it I feel mesmerized but the other half of me felt frightened. It is weird 'cause I think I saw this place and I've been here already. Well maybe it's just a feeling. I hope so 'cause this doesn't look house at all. Yep, it's a mansion
.
.
Or should I say....hell?.

Tumigil ang magarbong sasakyan sa harapan mismo ng pinto ng mansyon.
Kasunod nito ay ang mabilis na pagbaba ng mga lalaking may dalang baril at nang matandang lalaki.

"Baba!" sigaw ng isa sa katabi kong lalaki. Tinutukan ako nito ng baril. Sinamaan ko siya ng tingin. Tatandaan ko ang mukha mo! Oo nga't maganda ang sasakyan na ito. Pero hindi ako mananatili dito ng matagal dahil una sa lahat, pagmamay ari ito ng kalaban ko, pangalawa...pakiramdam ko may namatay na dito.

Nang makababa na ako. Isa lang ang sigurado sa isipan ko, dumanak ang dugo sa lugar na ito ng napakaraming tao. This is surely a monster's lair. Dahan-dahang bumukas ang malaking pintuan ng mansyon na may nakaukit na disenyong tila mula pang italya. Sinabayan ako ng matanda sa pagpasok.

I shouldn't be here. Pero hindi naman ako makakatakas dahil kahit anong gawin kong pagpaplano nang pagtakas ay tila laging may mali sa kalkulasyon ko. Hindi ko mahanapan ng butas ang mga taong ito. Isang maling galaw at alam kong maaari akong maging isang malamig na bangkay.

"Maupo ka iha, gawin mong komportable ang iyong sarili at ako ay may mahalaga lamang na gagawin" nagulat ako sa bigla niyang pagpapakita ng kabaitan, ngumiti siya nang parang wala ng bukas at mabilis na umalis ngunit 'di pa rin nabubura ang ngiti sa kanyang mga labi.

How can I ever be comfortable with this robot-liked people with guns?!
I know how to play guns, kung mayroon lang akong dala. Psh. Tsaka matagal tagal na rin akong hindi nagsasama ng tauhan. Never thought this is where I would end up. Naupo ako sa pinakamalapit na sofa.

I still can't resist the beauty of this place. But it's gloomy. Mas maganda ito kaysa sa nasa labas, hindi ko inakalang ang mga halimaw na nakatira dito ay may taste din pagdating sa ganda ng bahay.

Napansin ko ang mga katulong ngunit tila hindi sila gumagalaw, siguro ay gagalaw lang sila pag inutusan sila. Nakapila ang ilan sa kanila, tig tatlo sa mga gilid ng mansyon dito sa loob. Pawang mga nakauniporme nang kulay itim at pulang damit.

Bumalik ang matandang lalaki pababa ng grand staircase at pumunta sa harapan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kung wala kang intensyong patayin ako o saktan, palayain mo na lang ako at gusto ko nang umuwi." walang emosyon kong sambit. I will never stay in this kind of place for long.

"Iha, kakarating mo pa lamang dito. Ayaw ko namang umalis ka kaagad nang hindi mo pa nakikilala ang aking nag iisang kapatid na lalaki. At hindi mo ba alam, nakauwi ka na" at binigyan niya ako ng sa tingin ko ay pinakamasiglang ngiti na maiibigay niya sa buong buhay niya.

Tinignan ko siya nang nagtataka.
"I don't care about your son, and I don't care about this place. You got it wrong old man. This is not my house kaya paano mo nasabing nakauwi na ako?!" masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin at nakaukit pa rin sa mukha niya ang weird na ngiti.

Psh.crazy old man.

Tumayo ako at naglakad palabas ng mansyon ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay may narinig akong boses ng lalaki. Mas bata ito ng kaysa sa boses ng nakausap kong baliw na matanda.

My Heartthrob HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon