Kabanata 3 - Imbitasyon

16 1 0
                                    

Nagiimpake ako. Aalis na ako ngayon dito sa Batangas at babalik na sa Maynila; sa Makati kung saan talaga ako nakatira.

Sa tatlong linggo kong pamamalagi rito sa Batangas, marami akong naranasan na babaunin ko pauwi ng Maynila. Syempre hindi lang trabaho ang inatupag ko rito kun'di pamamasyal na rin. Pitong taon na rin ang nakalilipas nang huli akong makapunta rito. Kaya ayos lang sa 'kin na magpalipat-lipat ng bahay ay dahil gusto ko rin talagang gumala kahit saan lalo na kapag ang lugar ay hindi ko pa napupuntahan. Isa pa, kailangan talaga iyon sa trabaho ko. Mahaba ang biyahe dahil sa sobrang layo; dalawang oras. Mas nagiging matagal pa dahil sa mabagal na usad ng trapiko sa iba't-ibang bahagi ng kalsada. Mag-a a las cinco na nang hapon nang makauwi ako sa condo unit ko sa Makati.

Kinabukasan, pagkatapos kumain ng tanghalian, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kahit hindi ko kilala ang tumatawag, sinagot ko pa rin. Nagulat ako nang malaman kong si Keith na pala iyon. Ang kaibigan ko na dalawang taon ko nang hindi nakikita dahil sa pagtatrabaho niya sa Singapore. Niyaya niya akong makipagkita sa kaniya kinabukasan. Hindi na ko nagdalawang isip pa at pumayag na 'ko dahil wala naman akong importanteng gagawin bukas.

A las once y media nang tanghali ako umalis ng bahay dahil a la una ang usapan namin ni Keith. Nang makapunta na 'ko sa tagpuan namin, sobrang nasabik ako nang makita ko siyang nakaupo at naghihintay sa 'kin. Tinawag ko ang pangalan niya dahilan para mapalingon siya sa kinatatayuan ko. Tumayo siya at ako naman, lumapit sa kaniya para mayakap siya. Pareho kaming masaya ngayon at sabik sa isa't-isa.

Kolehiyo kami noon ni Keith nang magkakilala. Parehong kurso kasi noon ang kinukuha namin. Nang makapagtapos, nagtrabaho siya rito sa Pilipinas ng apat na taon at pagkatapos ay lumipad papuntang Singapore. Dalawang taon siya roon at dalawang taon na rin kaming hindi nagkikita, halata ang malaking pagbabago sa kanya. Umasenso siya sa Singapore. Pero kahit ganoon, siya pa rin si Keith na kaibigan ko. Kahit na wala sa Pilipinas ang maganda niyang buhay, hindi niya nakakalimutan na nakaapak pa rin siya sa lupa. Marami kaming napagusapan lalo na tungkol sa pareho naming interes, ang interior designing. Pati ang mga naging kliyente namin ay nagpagkwentuhan rin namin. Kung papakinggang ang mga kinikwento ni Keith, mukhang masarap ngang magtrabaho sa Singapore. Kaya niya napagdesisyunang sa ibang bansa makipagsapalaran dahil madalang ang trabaho rito. Totoo naman. Kahit ang mga magulang ko ay niyayaya na rin akong pumunta sa France para sama-sama na kaming mag-anak doon at mas maganda ang magiging trabaho ko. Pero mas pinipili ko pa rin talagang dito na lang magtrabaho't tumira.

Natuwa naman ako nang sabibin niyang may nobyo na siya na nasa Singapore ngayon. Isang Pilipinong nagtatrabaho sa opisina ang naging nobyo niya at ngayon ay isang taon na raw sila. Nang ako naman ang tanungin niya tungkol sa mga ganiyang bagay, hindi ako makasagot. Natawa siya at hindi makapaniwalang hanggang ngayon, wala pa kong tinatanggap na lalake sa buhay ko. Nakakatawa nga naman, tumatanda na ko pero wala pa kong boyfriend. Tatlong taon na kong walang nobyo. Aaminin ko, nakakalungkot. Nakakainggit din tuwing makikita kong dinaig pa ko ng mga mas bata pa sa 'kin, sila may minamahal samantalang ako, wala. Biniro pa ko ni Keith na baka naman hindi ko pa raw nakakalimutan ang huling naging nobyo ko. Syempre tumanggi naman ako dahil limot na limot ko na ang lalakeng 'yon. Sinabi ko na lang sa kaniya na siguro, hindi pa dumadating ang para sa 'kin. Biniro niya ulit ako, siguro raw, sa darating na christmas party ko na makilala ang talagang para sa 'kin. Ako naman ang natawa sa sinabi niyang iyon.

Iniimbitahan ako ni Keith na dumalo sa isang christmas party sa susunod na linggo. Noong una, tumanggi ako dahil hindi ko naman talaga hilig ang pumunta sa mga ganoong lugar at paniguradong hindi ko kilala ang mga tao roon kun'di siya lang, pero dahil sa pagpupumilit niya, sa huli, um-oo na ako. Tutal, Ngayon lang ulit umuwi rito si Keith, pagbibigyan ko na siya.

Limang oras kong nakasama ang kaibigan ko. Kahit nakakapagod, ayos lang dahil mahabang panahon ko siyang hindi nakita. Ang saya lang din isipin na may kaibigan akong katulad niya. Kahit lumayo at maganda na ang buhay, hindi pa rin nakalilimot.

Three Years Of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon