Kabanata 9 - Kulang

21 1 0
                                    

Bisperas ng pasko ay niyaya ulit ako ni Lars na lumabas. Dahil naging busy siya noong mga nakaraang araw ay babawi raw siya. Hindi naman niya kailangang gawin iyon dahil ang pagkakaalam ko ay kaibigan lang ang turing niya sa akin. Pero siguro hindi. Ayaw kong magpantasya hangga't walang nanggagaling sa kaniya. Pero natutuwa ako sa mga ginagawa niya. Naaayon sa kagustuhan at nararamdaman ko. Tinanong ko siya kung ano ang gagawin at sino ang kasama niya bukas pero parang mahirap para sa kaniya ang sagutin iyon. Narito naman sa Pilipinas ang mga magulang niya pero hindi ko alam kung bakit mas nabanggit niya pa ang kaniyang mga kaibiga't katrabaho. Hindi ko malaman dahil ayaw ring pagusapan ni Lars ang tungkol sa kung ano mang bagay na iyon na panigurado ay may kinalaman sa kaniyang mga magulang. Tuwing paguusapan namin ang tungkol doon ay biglang umiiba ang timpla ng kaniyang awra.

Lumipas ang dalawampu't apat na oras at sumapit ang araw ng pasko. Tumawag sa telepono sina mama at papa. Binati nila ako at kinamusta at ganoon din ang ginawa ko. Tulad nila, nalulungkot din ako dahil hindi ko sila kasama ngayon. Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na magdiriwang kami ng pasko nang hindi sama-sama pero iba pa rin talaga kung buo ang pamilya.

Napuno naman ng galak ang puso ko nang magsiputahan ang mga inaanak ko umagang-umaga pa lang. Syempre, lahat sila ay nakatanggap ng aginaldo.

Niyaya ko naman si Keith na lumabas tutal ay wala rin siyang kasama. Naikwento ko sa kaniya ang tungkol sa amin ni Lars. Tuwang-tuwa siya dahil baka si Lars na raw ang talagang para sa akin. Hindi ko na raw siya dapat pakawalan para makapangasawa na 'ko. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, may tumawag sa telepono ni Keith; ang kaniyang nobyo. Labis ang tuwa ng kaibigan ko nang marinig ang boses ng kaniyang mahal. Napaluha pa siya sa harapan ko dahilan para mabaduyan ako. Natawa ako sa kaniya. Pero hindi ako pinansin ni Keith. Siguro sadyang hindi ko lang siya naiintindihan dahil wala akong minamahal at walang nagmamahal sa 'kin. Hindi ako tulad nilang dalawa. Naisip ko, ako pala ang mas katawa-tawa. Pagkatapos nilang mag-usap, may halong ngiti niyang nasabi na kompleto na ang araw niya at masaya na ang kaniyang pasko. Ganoon ba talaga? Isang espesyal na tao lang ang makapagpupuno kung pakiramdam mo ay kulang ka? Matagal na panahon na ang nakalipas nang makaranas ako ng nararamdaman ngayon ni Keith. Tatlong taon. Hindi ko na matandaan kung ano ba ang pakiramdam ng may minamahal.

Sa ngayon, pagmamahal ng kaibigan kong si Keith ang nagbigay saya sa pasko ko. Si Lars, hindi nagpaparamdam. Ni isang mensahe ay wala akong natanggap mula sa kaniya. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Ngayon ko naramdaman na may kulang pa at palagay ko, siya ang makapagpupuno noon at siya na rin ang kukumpleto sa aking pasko. Pero anong magagawa ko kung wala siyang paramdam kahit na siya talaga ang gusto kong kasama ngayong araw ng pasko?

Gabi na nang makauwi ako. Sinikap ko na huwag isipin si Lars. Magkaibigan lang kami, sino ba naman ako para samahan niya ngayon araw? Malamang sa malamang ay kasama niya ngayon ang kaniyang pamilya. O kung hindi ay ang mga kaibigan niya. Bakit ba kasi ganito? Bakit parang ang bilis gumaan ng loob ko sa kaniya? Wala pang buwan na magkakilala kami pero ganito na ang turing ko sa kaniya. Kasalanan ko rin 'to. Pero naisip ko rin na tinuon na niya sa akin ang kaniyang oras at atensyon kahapon lang kaya siguro wala na siyang paramdam sa ngayon. At para naman mabawasan ang pagkabalisa ng isipan ko at ang malungkot na emosyon sa buong kwarto, binuksan ko na lang ang radyo. Inaasahan kong awiting pampasko ang maririnig ko pero hindi. Isang kanta pala na naglalarawan sa eksaktong nararamdam ko ngayon.

♩♬♪ Kulang pa ba na maisip kita.
Makilala't makasama ka
Bakit parang sa isip ko
Di ka mawala wala

♩♪Ewan ko ba kung bakit
Ikaw lang ang nasa isip
Nahuhulog na naman
Pero hindi mo ko maramdaman

♪♪Ikaw lang ang nakikita
Pero di ka maniwala
Nahuhulog nasa 'yo
Pero para naman kasing ayaw mo

Pwede bang, ako na lang?

♩♪Iisa lang naman pangarap ko
Baka sakaling mahalin mo rin ako
'Di na baleng umasa lang sayo
Pero wala nang kulang pa ♬

Ahh...
Kung akin ka na

♪♪Paano kaya kung tayo
Simula hanggang sa dulo
Nahuhulog na sayo
Pero kasi parang wala lang sayo

Pwede bang, ako na lang?

Ahh...
Kung akin ka na
Ohh...♩♬♪

Hindi ko alam kung tama ba na sumama ang loob ko sa kaniya pero iyon ang aking naramdaman. Kahit na medyo masama ang loob ko sa kaniya ay may halong pagaalala rin ako. Ewan. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko, halo-halo. Hindi ko alam kung ano bang iisipin ko na dahilan kung bakit ni isang hibla ng buhok niya ay hindi ko nakita. Pero sa huli, nagising ako sa katotohanang hindi ako espesyal para kay Lars. Hindi ako importante sa kaniya kahit na mayroon na siyang kaunting halaga para sa akin.

Three Years Of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon