" O? Anong balita? " -tanong ko sa kaniya.
" Ayun, aalis ako next month " -sagot niya.
" What?! Where are you going? "
" South Africa. Photo shoot "
" Wow! Isama mo naman ako! " -saka naman siya tumawa.
Wala masyadong naging trabaho si Lars ngayong araw pero aalis siya sa susunod na buwan. Niyaya niya akong makipagkita sa kaniya para may makausap man lang. Pareho pala kami nitong si Lars, mag-isa sa tinitirahan at may pagkakatulad din ang aming trabaho. Iyon nga lang, ang mga magulang niya ay nandito sa Pilipinas pero ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa. Isa pa, makadiyos. At ako naman, ateista. Malaking agwat iyon para sa aming dalawa. Minsan nga, may mga sinasabi siyang nakukuha niya sa bibliya na hindi ko man lang maintindihan. Madalas, natatawa na nga lang ako. Kapag nga napag-uusapan namin ang tungkol sa magkaiba naming paniniwala, nagkakaroon kami ng pagtatalo. Hindi kami nagaaway pero talagang hindi kami magkasundo sa ganiyang bagay. Para sa kaniya, mali ako at kailangan ko na raw magbago. Pero sa paniniwala ko naman, isa siyang hibang na naniniwala sa bagay na hindi nakikita at wala naman talaga. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nawala ang pagkahanga ko sa kaniya. Sa katunayan, nakikita ko ang paninindigan sa mga pinaniniwalaan niya. At ang maganda pa, hindi iyon naging dahilan para layuan namin ang isa't-isa, mas naging malapit pa nga kami kung tutuusin.
Hindi ko pa rin maungkat-ungkat ang tungkol sa mga magulang niya dahil iniiwasan niya ang usaping iyon. Siguro, malayo lang ang loob niya o hindi kaya ay nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan.
" After sa South Africa, Paris " -nasamid ako habang umiinom ng kape.
" Paris? Seriously? "
"Yes. Alam mo na, tutal nasa labas na kami ng bansa, lulubos-lubosin na namin. Advance photo shoot para sa February. You know... 'City of Love' "
Sinabi ko sa kaniya na naroon sina mama at papa. Nangungulila na rin ako sa mga magulang ko. Sa tamang panahon, susunod na rin ako sa kanila pero hindi pa sa ngayon.
Masasabi kong maganda ang naging simula ko sa panibagong taon. Mas lalo kaming napapalapit ni Lars at mas nakikilala ang isa't-isa. Madalas na kaming lumabas nang magkasama na siya namang ikinatutuwa ng puso ko. Minsan nga, maghapon-magdamag na kami lang ang magkasama. Gala rito, gala roon palibhasa pareho kaming mahilig doon. Pareho rin kaming mahilig kumain kaya talagang magkasundo kami. Maliban lang talaga sa paniniwala. Kapag hindi masyadong abala sa trabaho si Lars, tatawagan niya ako o kaya naman ako ang pupuntahan niya. Alam ko naman na unti-unti na kong napapalapit sa kaniya pero ipinangako ko na hindi ako aasa. Hahayaan ko na lang ang lahat. Kung ano naman ang itinadhana ay siyang mangyayari. Pero nasa kamay ko pa rin kung ano ang magiging kapalaran ko sa hinaharap kaya ang sabi ko sa sarili ko, utak ang paiiralin ko sakaling lumalim na talaga nang tuluyan ang loob ko sa kaniya. Hinahangaan ko si Lars at ayaw ko na roon na lang magtapos ang lahat.
Isa pa sa mga naging maganda
nangyari ay ang pagkakaroon ko ng kliyente na pagsisilbihan ko na sa susunod na linggo. Unang kliyente ko ngayong bago ang taon. Pakiramdam ko nga, magiging maayos ang mga bagay-bagay sa buhay ko. Magiging mas masaya ako kumpara nitong nakaraang taon. Darating ang bagay na wala sa buhay ko para punan ako. Ano man, walang makapagsasabi sa kung anong mangyayari bukas o sa mga susunod na yugto ng aking buhay. Ang alam ko lang, masaya ako na masaya si Lars sa tuwing ako ang kasama niya. Masaya ako na nangyari ang isang aksidenteng pagkakabungguan at ang hindi sinasadyang pagkakakilala namin. Pero sigurado akong ang maging masaya kami sa piling ng isa't-isa ay isang bagay na itinadhana. At ngayon, nasa kamay na naming dalawa kung paano tatakbo ang istorya at ang magiging kapalaran namin sa hinaharap. Bagong taon, bagong simula.

BINABASA MO ANG
Three Years Of December
General FictionDisyembre. Buwan kung kailan ko nakikilala ang taong akala ko, magpaparamdam sa 'kin na hindi ako nag-iisa. Buwan kung kailan nangyari ang mapagpanggap na pagmamahalan. Buwan kung kailan niya ko iniwan. -3 Years of December. @augustusaugustin