Sam's POV
Napatigil ako sa pagsasalita ko ng mahalata ko na paputol-putol ako sa pagsasalita. Para akong nauutal.
Bumuntong-hininga ako ng malalim at saka sumagot sa kaniya.
"Narinig ko ang p-pag-uusap ng mga R-rouges."-nauutal pa rin na sagot ko sa kaniya.
Hindi na lang ako tumingin sa kaniyang mga mata para kahit papaano ay hindi ako ma-pressure. Relax Denice. Kaya ko to'
"Anong narinig mo?"-seryosong tanong niya habang nakatingin pa rin sa daan.
"May mga Rouges na magtatagpo sa Sta. Rosa Laguna para sa isang transaksyon at isa pa meron silang magiging malaking pagpupulong tungkol sa Mafia World."-tuloy-tuloy na saad ko sa kaniya. Tumango-tango lamang siya bilang sagot sa akin.
"Good."-tanging naisagot niya sa akin at nilingon niya ako at ngumiti.
"How about you?"-balik na tanong ko sa kaniya.
"Same as you. I've heard that meeting about the Mafia World."-sagot niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at saka tumingin na lamang sa daan.
Habang pinagmamasdan ko ang tinatahak naming daan ay na-realize ko na napaka-ganda pala dito.
Ang daming makukulay na bulaklak sa dinadaanan namin at meron pa kaming nadaanan na dalawang narra tree na napaka-ganda ng mga branches.
May mga lumilipad na paru-paro sa paligid. Ang mga ibon na malayang lumilipad.
"Pwede bang tumigil muna tayo?"-request ko kay Reid. Nung una ay akala ko wala siyang narinig pero pagkalipas ng ilang sandali ay itinigil niyanna rin ito.
At ngayon ko napagtanto na mas maganda pala dito sa tinigilan namin.
Kitang-kita mo ang langit. Napakaaliwalas tingnan. Ang hangin sariwang-sariwa. Kaya mas maganda sa probinsiya hindi pa gaanong polluted ang hangin at tahimik lamang ang pamumuhay.
Lumapit ako sa isang bulaklak na napapaligiran ng mga paru-paro. Nang lumapit ako ay nagsialisan ang nga ito ngunit may isang natira. Isang puting paru-paro.
Nang tangkang padadapuin ko iyin sa aking kamay ay kusa itong lumipad papunta sa aking kamay at nanatili doon.
Napangiti ako. Parang biglang nawala yung pressure at kaba na nararamdaman ko kanina. I can feel freedom.
Inilapit ko sa aking mukha ang paru-paro at saka ngumiti ng matamis.
Nilingon kong muli si Reid at napansin ko na tinititigan niya ako habang nakangiti ng bahagya.
Naisipan ko ng paliparin ang paru-paro kaya inilahad ko ang aking kamay sa hangin at hinayaan ang paru-paro na umalis at lumipad.
Nang makalipad na ito ay tumakbo ako papalapit kay Reid.
"Tapos na ang Mission natin dito. Baka naman pwede na kahit ngayon lang maging normal tayo sa isa't isa."-hiling ko kay Reid at hinawakan ko pa ang kamay niya.
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin pero bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin.
Parang gusto ko na kulitin ako ni Reid. Gusto ko napapansin niya ako. Gusto ko ako lang at wala ng iba. Ako lang.
"Denice.."-mahinang usal niya sa pangalan ko na parang ayaw niyang gawin ang gusto ko.
Binitawan ko ang kaniyang kamay at saka iniharap ko siya sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. Kaya ang cold niyang mukha ay unti-unting nawala at bumungad ang ngiti da kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
Entering The Mafia World
ActionAfter all the pains After all the lies and revelations What will happen to them when they're going to enter a very Dangerous World? A Dangerous World that will cause WAR PAIN SORROW But also will be the cause to be HAPPY BEING LOVED PEACE After she...