Sam's POV
Hindi na kami nakaalis dito sa loob ng Tree House dahil biglang umulan ng malakas.
Agad akong napasilip sa bintana nitong Tree Hiuse para tingnan ang mga arrangement na nakaayos kanina na ngayon ay wala na.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot. Yung mga lanterns kanina na nagbibigay ilaw, yung mga petals ng white roses, yung arrangement, yung table at kahit na yung bouquet na ibinigay sa akin ni Reid.
Nakalimutan ko nga pala iyong dalhin. Sayang naman at hindi ko man lang nahawakan ng matagalan.
"Hey! Dont be sad. Pwede pa naman natin itong ulitin."-sabi sa akin ni Reid at tumabi sa akin saka hinawakan pa ang aking kamay.
"But this is the first time. Nakakapanghinayang."-malungkot kong saad sa kaniya.
"But this wont be the last..."-agad naman niyang sagot sa akin at saka iniharap niya ako sa kaniya. Nasilayan ko ang kaniyang matatamis na ngiti.
Hanggang sa bigla kong mapansin ang kaniyang matangos na ilong, magagandang mata, malalantik na pilik mata, at higit sa lahat ang kaniyang mapupulang labi.
Geez! Ano na ba ang nangyayari sa akin!? Bakit ako biglang nag-iisip ng ganito? Damn it! Geez! Pinagnanasaan ko siya.
Hindi ko namalayan na bumuka na pala ng kaunti ang aking bibig. Hanggang sa pinaglapat na lamang iyon ni Reid at narinig ko ang pag-hagikhik niya.
"Let's sleep then..maagap pa tayo bukas."-natatawang aniya sa akin at saka inalalayan na ako papunta sa isang kwarto sa tree house.
Ang akala ko ay aalis na rin siya pagkatapos niya akong maihatid sa kwarto ngunit nagkamali ako.
"H-hindi ka pa ba aalis?"-nauutal na tanong ko sa kaniya.
"This is the only room here in Tree House, Denice. Pero kung ayaw mo akong katabi doon na lamang ako sa sofa."-aniya sa akin at lalabas na sana.
Bigla akong napa-isip. Kailangan king maging professional. Marami na akong naka-sigbay na lalaki sa pagtulog simula noon pa.
Wala namang malisya kung hindi ko bibigyan ng kahulugan kaya agad ko siyang pinigilan.
"W-wait! Hindi mo kailangang matulog doon...Hhmm, we can sleep together in this bed. Its a King Size bed."-sabi ko sa kaniya.
"Are you sure?"-paninigurado niya sa akin.
"Yes, I am professional pagdating sa ganito."-sabi ko sa kaniya at nauna na akong humiga sa kama. Naglagay naman ako ng isang unan sa pagitan namin.
Hindi ko alam kung bakit naiilang pa rin ako. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko ay kakaiba. Damn it!
"Dont worry, wala akong gagawin na hindi ka papayag."-nakangising sambit niya sa akin at saka nahiga na rin sa katabi ko.
Pinilit ko nalang na ipikit ang aking mga mata. Mabuti na lamang at pagod na rin ako kaya madali lang akong nakatulog.
Hindi pa ako sipagin na imulat ang akig mga mata dahil gusto ko pang matulog. Ang sarap lang sa pakiramdam na ganito.
"Good morning.."-biglang sambit ng isang tinig dahilan para magising ang aking diwa.
Agad akong napamulat at hindi ko agad na-realize na yakap ko pa talaga siya at nakahilig ako sa kaniyang dibdib.
Agad akong napabalikwas at saka napatayo. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Na-realize ko rin na wala na pala siyang shirt.
Shit! Bakit ka kasi tumingin. Tatakpan ko na agad sana ang aking mata pero bigla na lamang siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Entering The Mafia World
AcciónAfter all the pains After all the lies and revelations What will happen to them when they're going to enter a very Dangerous World? A Dangerous World that will cause WAR PAIN SORROW But also will be the cause to be HAPPY BEING LOVED PEACE After she...