Chapter 62

2.1K 41 2
                                    

Samuel's POV

"Kailan niyo balak gawin ang pinaplano niyo?"-tanong ko sa Underground Royalties. Nandito ako ngayon sa Headquarters nila at pumayag na ako sa gusto nila kahit na hindi ko alam ang lahat ng plano nila.

"Tomorrow midnight."-sagot sa akin ni Dos habang nakatingin sa akin at hawak-hawak ang kaniyang iPod.

"What? Hindi ba masyado iyong maagap?"-tanong ko sa kanila.

"Samuel, alam namin na iniisip mo ang mga kaibigan ni Samarah. We already gave them time to spend with Samarah. That's enough."-mahinahon na sagot sa akin ni Tres.

"At wala ng iba pang dahilan para hindi agad natin gawin ang plano."-dugtong ni Dos sa sinabi ni Tres.

"Pupunta kami mamaya sa Hospital para makausap na namin ang mga kaibigan ni Samarah."-ma-awtoridad na sambit ni Uno sa amin.

"What?! Hindi pa pwede!"-agad na tutol ko sa sinabi ni Uno.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay at saka umalis na dito sa aming harapan.

"Del Valle, wag ka ng humarang pa sa dadaanan namin dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin namin."-makahulugan at mapanganib na saad sa akin ni Quatro.

"What Im saying is this is not the right time."-protesta ko pa sa kanila.

"Kung hindi mo masusunod ang mga plano namin. Pwede ka ng mamatay dahil hindi ka na namin kailangan."-walang ka-amor amor na sabi ni Dos sa akin.

"Just let us do what we want and you will live peacefully."-nakangising sambit ni Tres at umalis na rin sa aming harapan. Na agad rin namang sinundan ng dalawa pa.

Kailangan ko na agad tawagan si Fleah. Kailangan niya ng maitakas si Sam.

Akala ko nung una ay masisikmura ko ang mga plano ng Royalties pero hindi pala kaya kailangan na naming maitakas si Samarah habang hindi pa huli ang lahat.


Dos POV

Napapailing na lamang ako habang pinagmamasdan ko si Samuel sa kaniyang ginagawa.

Hindi niya alam kung anong consequences ang kahaharapin niya sa ginagawa niya.

At kung mamalasin siya sa aabutin niya ay pwede siyang patayin ni Uno.

Sabagay, wala rin namang kwenta ang buhay niya. Dahil si Samarah ang kailangan namin at hindi siya.

"Dos, hayaan mo na siya. Let's go."-usal sa akin ni Tres at saka naglakad na kami papalabas.

Pero ginamit namin ang underground passage palabas.

Napapangiti ako ng matamis dahil sa naiisip ko tungkol kay Samuel. Para niyang iniaalay ang buhay niya sa isang Dragon.

"Quatro, what's happening in the Hospital?"-tanong ni Uno kay Quatro.

"They are trying to escape with Samarah."-sagot ni Quatro.

"Dos gawin mong 50-50."-biglang utos ni Uno sa akin na agad ko namang ginawa.

Mag-re-react na sana agad si Tres pero agad siyang pinigilan ni Quatro.

"Sure.."-mahinang usal ko at ginawa ko na agad ang ipinag-uutos ni Uno.

"Ano na ang nangyayari sa kanila?"-tanong ni Tres. Mabuti na lamang at bumalik na ito sa katinuan.

"Panic."-nakangising balita ni Quatro sa amin.

Nang makita ko na malapit na kami sa Hospital ay lalo akong napangisi at kinuha ko na ang aking baril.

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon