Chapter 17

4.7K 110 8
                                    

Sam's POV

Nitong mga nakaraang araw lagi kaming magkakasama nina Danzelle. Although marami akong ginagawa sa Mafia World ay meron pa rin akong oras.

Sinasamahan rin kasi nila ako sa lahat ng ginagawa ko.

Ngayong araw nga lang hindi ko sila kasama gawa ng pinaalis sila ni Reid. Ang sabi niya kasi kaming dalawa lang daw dapat ngayon.

At ito namang mga kaibigan ko, sunod na sunod. Tsk! Iniwan ako pero okay lang. Importante lang talaga siguro itong gagawin namin.

"Ano ba ang gagawin natin, Reid? At kailangan mo pa talagang paalisin sina Axl."-tanong ko sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa Mansion pero paalis na rin kami dahil may pupuntahan daw kaming mahalaga.

"Sumama ka nalang."-malamig na sambit niya sa akin at nauna na itong lumabas sa Mansion.

Naglakad na rin ako palabas ng Mansion at sinundan siya. Pero bago ako tuluyang makapasok ng sasakyan niya ay muli ko siyang tinanong.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Is this one of our mission?"-tanong ko sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya kaya pumasok na lang rin ako sa loob ng sasakyan.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan isipin kung saan ba talaga kami pupunta. Hindi ako mapakali.

"Ready yourself."-cold na sambit niya sa akin dahilan para lalo akong kabahan. Huh? Saan ba kami pupunta sa isang mission.

"S-sandali, sa isang mission ba tayo pupunta? Hindi ako h-handa."-gulat na usal ko.

"Im here...for you"-mabilis na sagot niya sa akin na ikinatigil ko. Tapos tiningnan niya pa ako ng seryoso at ngumiti.

Napatitig ako sa kaniya na para bang napadikit na ang paningin ko sa kaniya.

Bakit ako natameme? Ano ba ang sinabi niya? Diba 'Im here' lang naman. Pero bakit ako natigilan. 'For You'

Dahan-dahan kong inalis ang paningin ko sa kaniya dahil bigla akong ginising ng realisasyon.

Napayuko na lamang ako sa sobrang kahihiyan.

Ilang sandali pa ay bigla nalang tumigil ang sasakyan sa isang mapunong lugar. Kaya pala medyo naging madilim ang paligid.

Hindi na ako nagtanong pa sa kaniya dahil nakakahiya naman. Pagkatapos ng nangyari.

Sumunod na lamang ako paglabas ng sasakyan pero lalo akong nagulat ng hinawakan niya bigla ang aking kamay at sabay kaming naglakad.

May natanaw akong mga ilaw na nagbibigay liwanag sa di kalayuan. Baka naman doon ang kuta ng mga Rouges. Bigla kong naalala na dala ko nga pala yung dagger ko na ginamit ko na minsan kay Reid.

Agad ko itong kinapa sa aking parteng hita at tagumpay ko itong nakuha. Naging dahan-dahan na lamang ang aming paglakad.

Agad kong kinalma ang aking sarili. Hindi pwedeng ganito ako ngayon. Kailangan kong mag-concentrate.

Samarah Denice, FOCUS! FOCUS! FOCUS! Your in a mission!

Agad kong ki-nompose ang sarili ko. Kahit na medyo apektado pa rin ako sa nangyari at ngayon.

Nang marating na namin ang mga ilaw na natatanaw ko kanina ay na-realize ko na mga lanterns pala ang mga ito.

Parang nagbibigay ilaw sa daan kaya lalo akong na-curious. Kaya nagtanong akong muli

"Reid, saan ba talaga tayo?"-tanong ko sa kaniya. Lalo kasi akong naguluhan. Kung wala lamang itong mga lanterns na ito ayos na sana sa akin na MISSION nga ito.

Pero hindi naman ako tanga. Lanterns? Sa isang kuta? Geez! For Pete's Sake.

Bigla na lamang niyang binitawan ang aking kamay at saka nilingon ako. Nakangiti siya; Genuine Smile.

May nakita akong hawak niya na red na tela. Pumunta siya sa likuran ko at bigla niya na lamang akong piniringan.

"R-reid..ano ba! Para saan ito? Akala ko ba nasa Mission tayo? For Pete's Sake. Alisin mo ito."-agad na saway ko sa kaniya.

"That not a statement. Its a command from your Queen kaya sundin mo ako!"-dugtong ko pa sa kaniya.

Mukhang natapos na niya ang ginagawa niya dahil nawala na ang presensiya niya sa aking likuran.

Pero nagkamali ako dahil nasa likod ko pa rin pala siya at ngayon ay mas malapit na siya sa akin. Bigla akong nakiliti dahil biglang siyang bumulong sa akin.

Inalis niya na pala ang pagkaka-ponytail ko.

"Trust me..."-mahinang bulong niya sa akin. Ramdam na ramdam ko sa may tainga ko ang hininga niya.

Unti-unti niya na akong inakay. Habang naglalakad ako ay hindi pa rin palagay ang loob ko.

Biglang tumibok ng mabilis na mabilis ang puso ko. Para bang hingal na hingal ako. Hindi ko alam kong ano ang nangyayari sa akin pero parang nagkakarera ang tibok ng puso ko.

Tumigil na kami sa paglalakad at bigla niya na lang rin binitawan ang aking kamay kaya lalo akong nabahala.

"Reid! N-nasan ka ba? Bakit mo ako iniwan?"-nag-aalalang tawag ko sa kaniya. Shit! Bakit ganito? Normal na laban lang naman siguro ito pero kinakabahan ako ng kakaiba.

May naramdaman ako sa aking likod na presensya at muli na naman siyang bumulong sa akin.

"I love you so much, Denice"-bulong niya sa akin sabay ng pagkaalis ng piring sa aking mata ay nasilayan ko ang buong paligid.

May mesa sa gitna at napapaligiran kami ng mga lanterns. May mga petals rin ng white roses sa paligid.

Damang-dama ko ang pag-ihip ng hangin sa aking mukha. Damang-dama ko ang simoy ng hanging sariwa.

Nang harapin ko siya ay nakangiti na siyang muli.

"A-ano to'?"-nauutal na tanong ko sa kaniya.

Hinila niya ako palapit sa mesa kung saan merong kandila, mga pagkain, wine. Napaka-romantic ng dating.

"This all for you, Denice. Finally, I found you. Back then when I am finding you I am so vulnerable but I need to be strong because I want to protect you when this time comes. I want to be your savior. I want to be your hero. But I think Im not your savior either hero anymore because I already hurt you and I am so sorry for that for my attitude and for all the bad things I did to you back then. I hope you can forgive me. I hope you still love me like when we were young. I hope no one replace my place in your life. And most of all I hope that I am your first and greatest love. I hope to be your everything....Denice"-tuloy-tuloy na litaniya niya sa akin. Napatitig ako sa kaniya at napatunganga.

Hindi ako makapaniwala na si Reid Fortalejo ang nagsasalita ng nga katagang ito ngayon sa aking harapan.

I never thought that he will be this romantic.

Hindi ko alam ang sasabihin ko o kaya naman ay magiging reaksyon ko sa lahat ng sinabi niya.

Baka kasi mamaya ay mali ang maging reaksyon ko o di kaya ay ang isasagot ko. Natatakot ako.

"R-reid..."-ani ko sa kaniyang pangalan.

"Naiintindihan ko kung hindi mo pa ako matatanggap sa ngayon."-nakayukong sambit niya na mukhang na-disappoint at malungkot.




🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Finally! Im back to my world..this past few days kasi ay hindi ako mapakali kaya hindi ako makapag-isip ng maayos.

By the way Thank you for reading! Sana nagustuhan niyo itong update.

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella


Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon