Chapter 8

5.6K 137 7
                                    

Sam's POV

Nakarating kami dito sa isang kwarto sa Mansion. Dito talaga ako lalong humanga.

Dahil hindi lamang ito simpleng kwarto. Training Room ito.

"Let's start."-cold na sambit ni Tito August.

"Denice, we already check your background. And your a fighter right?"-tanong sa akin ni Tita Allegra.

"Yes. Im a Gangster."-saad ko sa kanila.

"And you are their Queen."-dugtong ni Tita Azra na tinanguan ko lamang naman.

"Stop being noisy. Let's start this."-sambit ni Tito Alton.

Nagsimula na silang kumuha ng kanilang mga armas at saka lumapit muli sa akin.

"Let's try."-sabi ni Tita Aria.

Hinagasin nila ako ng isang pana at 3 ang bala nito. Samantalang kay Tita Aria ay 5.

Biglang may bumagsak na walls sa mga gilid namin kaya kaming dalawa na lamang.

Bigla na lang siyang umatake at pinana ako at masasabi ko na hindi ko iyon napaghandaan.

Mabuti na lamang at nakaiwas ako ng mabilis kaya hindi ako noon natamaan.

Nagtitigan lang kami sa mahabang sandali at nag-iikutan. Iniisip ko kung paano ko siya matatalo ng hindi siya nasasaktan.

"Kapag na natamaan mo ako o kahit daplis lamang panalo ka na."-nakangising saad niya sa akin.

Tinarget ko ang kaniyang balikat para kahit matamaan siya ay hindi ganoon kalaki ang damage.

Pero napaka-bilis niyang kumilos kaya hindi siya natamaan.

Bumilib ako sa taglay niyang bilis dahil isa ako sa magagaling na archer sa pinag-traningan ko at minsan lang ako hindi tumama.

Bigla siyang tumigil sa isang sulok at doon ako nakakita ng butas para matamaan siya.

Inasinta ko ng mabuti ang kaniyang direksyon at sinigurado ko na mabilis siya nitong matatamaan.

Nang malapit na sa kaniya ang pana ay namalayan ko na lang na may papunta na ring pana sa aking direksyon.

Agad akong umilag pero nadaplisan pa rin ako sa aking braso.

Tiningnan kong muli si Tita Aria at nakangisi siya sa akin. Kaya nadismaya ako dahil para namang hindi siya natamaan. Tsk! Ang galing at ang bilis niya.

Isa na lang ang bala ko at kailangan makasiguro ako na tatama talaga ito sa kaniya.

Bigla nalang may tumama na pana sa aking likuran at halos madaplisan noon ang aking tainga.

Pero sabay ng kaniyang pagpana ay pakiramdam ko naging kampante siya.

Sorry nalang pero kailangan may mapatunayan ako.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para patamaan siya. At mabuti na lamang ay naasinta ko ng mabuti.

Tinamaan siya sa kaniyang braso. At kitang-kita ko na dumugo talaga ang kaniyang braso.

Kaya ko naman sanang tiisin na makita siya sa ganoong kalagayan KUNG hindi ko siya kamag-anak pero siya si Tita Aria kaya agad akong lumapit sa kaniya at saka tinulungan siya.

Pinunit ko ng bahagya ang kaniyang damit na manipis at saka itinali iyon sa kaniyang braso para mapatigil ang paglabas ng dugo.

"Wag mong gawin ito, Denice. Hindi ganyan ang dapat na kilos ng isang Taracina lalong-lalo na at ikaw ang taga-pagmana."-matigas na sabi niya sa akin at tumayo na siya.

Nawala na rin ang mga walls na humarang sa amin. Kaya nakita na ulit namin sina Tita Allegra at Tito Ashton.

May nakinig akong sunod-sunod na palakpak at saka may nagsalita.

"Magaling, magaling, magaling. Talagang may kasanayan ka na nga."-sabi sa akin ni Tita Azra.

"Pero hindi ka pa rin isang Taracina."-dugtong ni Tito Alaric. Parang bigla nalang siyang naging cold.

"Hindi ka dapat maawa sa kalaban mo, Denice. Tandaan mo. Kalaban mo sila kaya wag mo silang tulungan ang isipin mo dapat mapatay mo sila o di kaya ay mapuruhan."-sabi ni Tito Ahmit.

"But I know---"-naputol ang aking sasabihin dahil pinutol ako ni Tita Arizona.

"Denice, remember. Be MERCILESS. Dont hesitate to kill your Enemy."-mariing paalala sa akin ni Tito Augustus.

"But they also need a chance to have a new life."-sagot ko sa kanilang lahat.

"They are evils now you must be MORE evil."-sagot naman ni Tita Allegra.

"Denice, remember this things."-panimula ni Tito Ashton.

"Life in Mafia is not easy. You must be more intelligent and more strong to win the fight. Everyone is your enemy. Everyone have a plan how to kill you. You must not trust anyone; everyone."-sabi ni Tita Aria sa akin habang hawak-hawak pa rin ang kaniyang braso na aking natamaan.

"Denice, kailangan mong baguhin ang sarili mo. Dahil kapag hindi mo iyon ginawa ikaw ang magiging kawawa."-sabi sa akin ni Tito Ahmit.

"Hayaan mong katakutan ka ng lahat. Yung makikita ka pa lang nila o ang anino mo ay mapapaurong na sila. BE SELFISH."-saad ni Tita Arizona.

"Wag mong isipin ang iba. Isipin mo ang sarili mo."-sambit ni Tito Alton sa akin. Lahat na sila ngayon ay nakatitig sa akin.

"And dont let others be your weaknesses."-sabi ni Tita Azra.

"We know that you are intelligent and strong. But always remember Denice. Wala ka na sa Gangsters World. Mga mamamatay na ang mga taong nasa paligid mo. Kaya kailangan mong gawin ang mga sinasabi namin."-sabi ni Tita Allegra.

"Iba ng kapaligiran ang tatakbuhan ng buhay mo. Kapag hindi ka nagbago at ipinagpatuloy mo pa rin ang mga ginagawa mo. Mamamatay ka."-saad ni Tito Augustus. Na para akong kinilabutan bigla.

"Kailangan mong maging self-reliant at independent. Wag kang umasa sa iba."-sabi muli ni Tita Azra sa akin.

"Tandaan mo, Denice. Ikaw ang taga-pagmana ng Mafia Taracina at ikaw rin ang mamumuno sa buong Mafia World kaya wag na wag kang magiging mahina."-sabi ni Tito Ashton.

"Dahil kapag naging mahina ka na, wala ka ng pakinabang. Ano pang magagawa mo eh mahina ka na?"-sabi ni Tito Alaric na parang naging insulto sa akin.

"Pero kailangan pa rin nating gamitin ang mga puso natin. Hindi palaging isip. Tao rin ang mga nasa paligid natin kaya nararapat rin sila sa pangalawang pagkakataon."-sagot ko sa kanilang lahat.

"Denice, sa tingin mo masasabi pa bang tao ang mga nasa paligid mo kung ultimong madampian lang sila ng ibang tao sa kanilang balat ay sinasaktan na nila? Mga walang awa ang mga nasa paligid mo. Mga wala silang kaluluwa!"-sigaw ni Tita Arizona.

"Denice, hindi pa dito matatapos ang training mo."-cold na sabi ni Tito Alton. At umalis na silang lahat sa aking harapan.

🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading :)

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon