Chapter 25

3.4K 82 2
                                    

Sam's POV

Bigla akong nabalisa pagkaalis ni Reid. Hindi ko alam pero nawala na ang konsentrasyon ko sa aking ginagawa.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka bumalik sa aking swivel chair.

"Bring some choco caramel..in 5 minutes."-sabi ko sa aking sekretarya.

Bigla akong nakaramdam ng stress kaya kailangan ko ng choco caramel drink.

Ilang minuto pa lamang ay dumating na ang iniintay kong choco caramel.

Nausok pa ito ng dalhin ito sa akin. Napatingin ako sa aking wrist watch 6:30 in the morning.

Hinipan ko muna ang choco caramel at saka ininom. Humarap ako sa glass window sa aking likuran.

Kitang-kita dito ang Arena. May mga taong napasok na roon at sigurado ako na mga Mafioso sila na naghahanap ng away.

Isa pa ito sa gusto kong matigil. Hindi lumilipas ang isang araw at laging may away sa arena. Lagi ring dumadanak ang dugo roon. Laging may namamatay.

Malayo-layo sa mismong syudad itong Building at Arena.

Umikot na akong muli ng matapos ko na ang aking iniinom.

Nang mabungaran ko ang mga papeles sa aking harapan ay napapikit na lamang ako sa aking naisip.

Napakaraming trabaho...matapos ko kaya ito ngayon? Sana naman dahil ayoko na maging busy kinabukasan dahil gusto kong makasama si Reid.

Nagulat ako ng biglang magsalita sa intercom ang aking sekretarya.

"Queen, 9 girls wants to see you. Your Guardians specifically."-ani ng aking sekretarya.

"Let them in."-walang gana na sagot ko sa kaniya.

Maya-maya pa ay sunod-sunod ng pumasok ang 9 na babae.

"Anong kailangan niyo?"-walang gana na tanong ko sa kanila.

"Gusto sana naming makipag-ayos."-saad ni Ruby.

"Gusto namin na magkasundo na tayo."-sambit ni Aquamarine.

Tinitigan ko muna sila isa-isa at saka sakanila sumagot.

"Okay fine. Just do me one favor."-sagot ko sa kanila.

"What is it?"-nagtatakang tanong ni Amethyst. Napangiti ako dahil sa inasal niya.

"Wag niyo akong pakikialaman lalong-lalo na ang aking personal na buhay."-walang emosyon na saad ko sa kanila.

Tiningnan ko sila at sabay-sabay naman silang tumango.

"As you wish."-nakangiting sagot ni Onyx.

Pagkatapos ng aming usapan ay umalis na rin sila. Hindi ko na nga sila halos naasikaso dahil ang dami kong trabaho na kailangan tapusin.

Para na rin akong humahawak ng kompanya ang kaso nga lang maraming kompanya na nagsama-sama.

Halos alas-kuwatro na ng hapon ako natapos sa aking ginagawa. Sinundo naman ako ng aming driver.

Pagkarating sa bahay ay naabutan ko na nag-aaway sina Tita Arizona at Tita Aura.

Nilagpasan ko na lamang sila dahil pagod ako para sa araw na ito. Ang dami kong ginawang trabaho.

"Wala kang kwenta!"

"Ikaw ang walang kwenta! Puro ka lang plano."

"At least ako nag-iisip, eh ikaw? Kailan mo ba ginamit iyang utak mo?"

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon