Sam's POV
Nandito ako ngayon sa Underground World at hindi ako ngayon pupunta sa Mafia World dahil sa Gangster's World ako pupunta.
At isa pa pinagbawalan muna ako ni Uno na pumunta doon dahil sa mga ginawa ko.
Actually, tama naman sila dahil below the belt na ang mga ginawa ko. Pero hindi rin naman nila ako masisisi sa mga ginawa ko.
Nandito ako sa sarili kong opisina. Oo, meron na akong sariling opisina.
Biglang umilaw ang pulang ilaw sa may pintuan ng aking opisina na ang ibig sabihin ay may papasok.
Pumasok si Percules at saka yumuko sa akin bago bumati.
"Good day Empress! Ano po ang gusto niyong ipagawa sa akin?"-magalang na tanong niya sa akin.
"I want you to take look in the Mafia World while I am in the Gangster World."-utos ko sa kaniya.
"Aye Empress!"-sagot niya sa akin at saka nagpaalam na sa akin.
Inasikaso ko naman ang pagpunta ko sa Gangster's World. Nag-ayos na ako at saka tumayo na at naghanda na.
Napatingin naman ako sa picture na nandito sa aking table. Family Picture.
Noon hindi naman ganito kalala ang sitwasyon. Ang gusto ko lang noon ay ang maipaghiganti ang mga magulang ko sa nangyari sa kanila.
Noon gusto ko lang mahanap ang mga tao na pumatay sa kanila. Noon, gusto ko lang naman talaga ay isang simpleng away. Yung tipo na makikipagsabunutan lang o di kaya ay makikipagsuntukan.
Gusto ko lang naman noon na maging malakas para maipagtanggol ko na ang sarili ko pero dahil na rin sa mga choices na pinili ko sa buhay dito humantong.
Never kong na-imagine noon na mararating ko ang Underground World o kahit na ang Mafia World dahil noon ang tingin ko dito ay parang langit na napaka-hirap abutin. Pero heto ako ngayon at namumuno na sa mga mundong inakala ko na langit at mahirap abutin.
Hindi ko napigilan na mangilid ang luha dahil naalala ko na naman ang mga nangyari sa amin noon.
Noong hindi pa sila nawawala. Simpleng buhay lang naman ang gusto ko. Yung tahimik at payapa pero dahil sa nangyari sa kanila ginusto kong pasukin itong magulong mundo na ito.
Napabuntong-hininga ako at saka pumikit ng sandali para mapigilan ang mga luha ko na tutulo.
Bago pa ako makalabas ng aking opisina ay may isang tao na pumasok at nagulat ako dahil sa pagdating niya.
Ngayon ko na lang ulit siya nakita simula ng ma-commatose ako.
"K-kuya.."-mahinang usal ko at saka unti-unti akong naglakad papalapit sa kaniya.
Agad akong napayakap sa kaniya at saka bigla na lamang tumulo ang aking mga luha.
Niyakap ko siya ng mahigpit at saka patuloy ang pagpatak ng mga luha sa aking mata.
"How are you my dear princess?"-tanong niya sa akin ng kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya.
Pero napayakap ulit ako sa kaniya. Namiss ko ng sobra si Kuya Samuel.
I feel more comfortable now. I feel safe in his arms.
Then suddenly my memories when I am a little girl came back to my mind.
That time I dont have the capacity to fight those other children who always bullied me. But then, Kuya Samuel always rescue me. He is the one who fights back and give me comfort.
He is my Hero...
"Hey! Princess, hush now. I miss you too."-pagpapatahan niya sa akim at saka ako hinalikan sa aking noo.
Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya at saka nagsalita.
"Im fine, Kuya. How about you? Are you okay? This past few days I havent seen you in the Mafia World."-sabi ko sa kaniya ng makaupo na kami sa couch na nandito.
"Im just busy, Princess. By the way I want to inform you that tomorrow evening we will have a Dinner in our Mansion. You must come. That's an order."-malumanay na sabi sa akin ni Kuya Samuel kaya nakangiti akong tumango sa kaniya.
Nagpaalam na rin naman agad sa akin si Kuya Samuel kaya sumabay na ako sa kaniya sa paglabas.
Nang makalabas kami ng HQ ng Underground ay naghiwalay na rin kami ng sasakyan.
Wala ako ngayong kasama na mga bodyguards dahil wala ako sa mood para pumunta ng Gangster's World kaya hindi ko na sila kailangan sa ngayon.
Nauna ng makaalis sina Kuya Samuel at sasakay na rin sana ako sa aking Ferrari ng biglang may tumakip sa aking bibig at ilong ng panyo.
Ang buong akala ko ay simpleng pampatulog lamang iyon o pepper spray ngunit nagkamali ako dahil sobrang lakas ng tama dahilan para mabilis akong manghina at mawalan ng malay.
Reid's POV
Nandito ako ngayon sa Grand Mansion ng Mafia Fortalejo. May mga inaasikaso kasi ako.
Biglang tumunog ang aking cellphone kaya naman agad ko iyong tiningnan.
'She's already here. At the rooftop of your building.'
Pagkabasa na pagkabasa ko ng message na iyon ay agad akong lumabas ng kwarto at saka tuloy-tuloy na pumunta sa parking lot.
Namimili pa ako ng sasakyan ko ngunit napatigil ako dahil sa napansin ko na kotse.
Ito yung Ferrari na lagi naming sinasakyan ni Denice. Hindi ko na ito napaggagamit dahil sa ayaw ko na munang makaalaala kay Denice.
Pero sa tingin ko ngayon na ang tamang oras para gamitin ko ito.
Agad kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa pinag-usapan naming lugar.
Nang makarating ako sa nasabing building ay agad na akong pumasok at saka pumunta ng Rooftop gamit ang elevator.
Nandito na ako sa harap ng pintuan ng Rooftop. Hindi ko pa rin alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kaniya pero alam ko na kailangan kong laksan ang loob ko para maging maayos muli ang lahat.
Nakahawak na ako sa seradura ng pintuan at bubuksan ko na sana iyon ng kusa itong bumukas at sinalubong ako ng isa aking mga tauhan.
Agad siyang yumuko at saka ako binigyang daan.
Agad na hinanap ng aking mga mata ang taong mahal na mahal ko at pinakamahalaga sa buhay ko.
Nang mahanap ko siya ay unti-unti akong naglakad papalapit sa kaniya.
"Denice..."
🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱
Thank you for reading!
Keep on supporting!
Take Care :*Vote and Comment...
Follow me...Instagram: aikaterine_23
Twitter: Aikaterine23👑LadyChinderella
BINABASA MO ANG
Entering The Mafia World
AcciónAfter all the pains After all the lies and revelations What will happen to them when they're going to enter a very Dangerous World? A Dangerous World that will cause WAR PAIN SORROW But also will be the cause to be HAPPY BEING LOVED PEACE After she...