TLP 1

30.9K 432 14
                                    

 

Nandito ako ngayon sa soccer field ng university namin at hinihintay ko si Tyron

Hindi ako mapakali habang hinihintay siya, hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya.

Tila nabasag ang puso ko ng makita ko siyang nakangiting kumakaway habang tumatakbo papalapit sakin

Nang makalapit siya sakin ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya at ang init ng kanyang hininga.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko.

"May problema ba blaze?" Tanong niya na puno ng pag aalala. Ngumiti ako at umiling sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya at yumuko.
Ayokong makita ang mukha niya habang binabanggit ko ang mga salitang kailangan kong sabihin sa kanya, baka mawala lahat ng lakas ng loob na inipon ko para sa oras na ito

"Blaze.. " pilit niyang tinataas ang mukha ko pero pinigilan ko siya

"I'm sorry Tyron" maluha luhang kong sabi ko

"Bakit ka nagsosorry?" tanong niya

"Maghiwalay na tayo" mahinang sabi ko

Tinanggal niya ang kamay niya na hawak hawak ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Bakit tayo maghihiwalay? May problema ba tayo? May nagawa ba akong mali? May pagkukulang ba ako blaze? Mahal natin ang isa't isa kaya bakit tayo maghihiwalay?" sunod sunod na tanong niya sakin

Katulad ng sunod sunod na tanong niya sakin ay ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha namin

"Sorry Tyron hindi na kita mahal, sana mapatawad mo ako" pagsisinungaling ko

"Please Blaze alam kong nagsisinungaling ka lang, ramdam kong mahal mo ako at walang nagbago dun. Mahal na mahal kita blaze, please wag mo ko iwan hindi ko kakayanin" niyakap niya ako ng sobrang higpit na tila ayaw akong pakawalan

"Hindi ako nagsisinungaling, hindi na talaga kita mahal. Ayoko ng lokohin ka pati ang sarili ko kaya itigil na natin ito. Pakawalan na natin ang isa't isa. You deserve someone tyron"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tahimik lang siya, wala ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Tanging paghinga lang namin ang maririnig sa sobrang katahimikan.

Dahan dahan niyang inalis ang pagkakayakap niya sakin at inilayo ako sa kanya.

"bakit may iba na ba?" mahinahong tanong niya pero bakit ang sakit.

Napatitig lang ako sa kanya

"Nakahanap kana ba ng mas higit sakin ha? Yung mas mayaman sakin? sabihin mo blaze siya na ba ang mahal mo?" mahinahon padin na tanong niya

Hinihintay kong sigawan niya ako at ipagtabuyan pero bakit mahinahon pa din siya.

"Oo tama ka may mahal na akong iba at mas mayaman siya sayo kaya please tyron pakawalan mo na ako, tama na. Maghiwalay na tayo hindi na kita mahal, hindi na kahit kunti"

Mahal na mahal kita tyron, mahal na mahal.

"Sige maghiwalay na tayo. Akala ko iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Katulad ka rin pala nila pag nagsawa na maghahanap na ng iba,  pag tapos ng makinabang makikipaghiwalay na. Walang kang pinagkaiba sa mga social climber diyan sa tabi tabi"

Gusto ko siyang sampalin sa sinabi niya pero wala akong lakas ng loob,  wala akong karapatang masaktan dahil ako ang unang nanakit sa kanya

"Ibibigay ko na ang gusto mo, maghiwalay na tayo at please lang ayoko na makita pa ulit ang pagmumukha mo. Kahit magmakaawa ka hinding hindi na kita mamahalin ulit blaze at hindi ko hahayaang maging masaya ka"
Pagtapos niyang sabihin yan ay iniwan na niya akong mag isa

Nawalan na ako ng lakas kaya napaupo nalang ako sa sahig

"Im sorry so Tyron"

Ako si Blaze Moriss, 20 years old. Nagaaral sa pinakasikat na university dito sa pilipinas, hindi kami mayaman para makapasok ako sa ganitong university. Nakakuha ako ng scholar para makapag aral dito. Mahirap kami pero hindi kami gumagamit ng tao para yumaman. Hindi totoong ginamit ko si tyron, hindi totoong nakipaghiwalay ako sa kanya dahil may mahal na akong iba.
Mahal na mahal ko siya pero hindi ako nababagay sa kanya. Sobrang layo ng agwat namin sa buhay. Pag pinagpilitan ko pa ang gusto ko masasaktan siya kaya ngayon palang habang maaga pa tinigil ko na. 

Para mabawasan yung sakit at inis na dinadala ko ay pumulot ako ng bato

"Napakaunfair ng buhay, napakadaya mo! " Inis na sigaw ko sabay bato ng hawak kong bato sa may puno

"Oucch!"

teka may tao yata sa may puno.

Agad agad akong nagtago sa isang puno para hindi niya ako makita

"Kung sino ka man lumabas kana habang mabait pa ako" Mahinahong banta niya pero any moment para na siyang sasabog

tahimik lang akong nakatago sa puno habang pigil ang aking paghinga

"Malaman ko lang kung sino ka sisiguraduhin kong magbabayad ka, gagawin kong mesirable ang buhay mo kaya galingan mo ang pagtatago" Inis na sigaw niya at akmang aalis na

Pero hindi sumang ayon ang sitwasyon sakin,biglang nag ring ang phone ko

kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggg....................

kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnggg.................

patay!

papalapit na siya sakin, simulan mo nang magdasal blaze. Siguro nga isa akong traydor sa past life ko kaya ganito nangyayari sakin.

"ahh so Ikaw pala" nakakatakot na sabi niya at hiniwakan ako sa balikat para sana iharap sa kanya ng biglang may nagsalita

"Young master nandito lang pala kayo, kanina pa kayo hinahanap ng lolo niyo. Kailangan niyo daw umuwi, hali na po kayo"

Young master?

"Maswerte ka miss at dumating na ang butler ko pero hindi pa tayo tapos.  Hahanapin kita at magbabayad ka" binitiwan niya ako at umalis na kasama ng butler niya

Nang makalayo sila sakin ay nakahinga ako ng maluwag. Tinignan ko ang cellphone ko para icheck kung sino yung tumatawag sakin kanina, siya pa magiging dahilan ng katapusan ko sa mundo. Akala ko talaga katapusan ko na. Sa lalim palang ng boses niya nakakamatay na.

Si charm lang pala yung tumawag, wrong timing ka talaga kahit kailan charm.

Tinanaw ko ulit sila Mr. Young master pero wala na sila

Sana hindi na tayo magkita pa Mr

Ayoko ng mainvolve pa sa mayayamang tao katulad niyo ni tyron.

Dahil ang isang tulad ko ay walang lugar sa mundo niyo

------

Vote and Comment

/y_moonchild/

The Lost Princess(Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon